act twelve: suppressing aches

3 1 0
                                    

[ elena ; 1848 ]

gaya ng aking nakasanayan ay tumakas akong muli upang pumunta sa plasa, hindi para magpinta kundi para mag-ikot at kahit papaano'y magsaya. habang tumatagal na naiiwan akong mag-isa sa bahay ay mas lalong lumalala ang nararamdaman kong kalungkutan.

sinadya kong hindi hagilapin si carlos ngayong araw dahil mas pinili kong maiwang mag-isa. mahirap ipaliwanag kung bakit nais kong umalis sa bahay dahil lagi kong nararamdamang mag-isa lamang ako para lamang mapunta sa plasa na maraming tao at piliin na maiwang mag-isa. hindi ko rin maintindihan ang sarili ko at ayaw ko na ring pilitin na maghanap ng dahilan pa dahil mas lalo ko lamang pinabibigat ang lungkot na nararamdan ko.

pumunta ako sa mga kainan kung saan ako madalas dalhin ni carlos, umaasang wala siya sa mga pupuntahan ko. maayos naman ang kasuotan ko ngayong araw, siniguro kong hindi ako basta-basta mamumukhaan ng mga taong makakasalubong ko. ito'y mga tipikal na estilo ng aking mga damit na palagi kong sinusuot tuwing lalabas ako sa mansyon upang tumakas. ngunit sa pagkakataong iyon ay tila nangingibabaw ako sa paningin ng mga tao. hindi ko malaman kung namumukhaan ba nila ako o ano pa man dahil mula sa gilid ng aking paningin ay nakikita ko silang nagbubulungan habang nakatingin sa akin.

may parte sa akin na kinakabahan dahil mukhang nakikilala nila kung sino ako. ngunit sa sandaling napalakas ang bulungan ng dalawang babae'y doon ko nalaman na may malinaw pa ring pader sa pagitan ng dalawang taong magkaiba ng katayuan sa buhay.

"kay yaman tignan ngunit palisaw-lisaw dito sa parteng ito ng plasa? ano kayang iniisip ng binibining ito,"

"sa tingin ko'y hindi siya naghihirap dahil sa klase ng tela at disenyo ng kaniyang suot. isa lamang ang ibig sabihin niyon, nais niyang iyabang sa ating mahihirap ang karangyaan ng kaniyang buhay. nakakahiya,"

napalunok ako.
kung gayon ang nais ko'y hindi ganito ang sinuot ko. naparito ako upang maghanap ng makakainan at ng mauupuan upang magpahinga at mapayapa ang aking isip. hindi rin naman ako nasaktan sa kanilang sinabi ngunit mas nanaig sa akin ang inis. bakit sa tuwing makakakita sila ng mayaman ay ganoon agad ang naiisip nila? sa tingin ba nila'y lahat ng mayayaman, ang tanging silbi lamang sa buhay ay magyabang? marami akong kilalang ganoon pero hindi ibig sabihin niyon ay ganoon na ang lahat.

nais kong magsalita. nais kong ipaglaban ang sarili ko. ngunit mas nanaig ang nasa isip ko na manahimik na lamang at huwag nang ipaglaban ang katotohanan. kung iyon ang opinyon nila base sa unang pagkakakita sa akin ay hindi ko na problema pa iyon. ako ang nakakakilala sa sarili ko at alam ko naman ang katotohanan.

umupo ako sa kainan na pamilyar sa akin dahil dinala ako ni carlos dito noon. pinili ko ang sinabawang karne ng baka. pagkaabot sa akin ng malaking mangkok ay nagsimula na akong kumain.

habang humihigop ng sabaw ay luminga ako sandali. nagulat at napayuko ako nang makita ko si carlos na may kasamang babae. agad kong tinago ang mukha ko dahil baka mamukhaan niya ako. dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at sinundan sila ng tingin. nakahawak yung kasama niyang babae sa kaniyang braso at masayang-masaya silang nagku-kuwentuhan. nakita kong pumunta sila sa isa pang kainan na hindi pamilyar sa akin. at talaga namang maasikaso siya sa kasama niya. nagtatawanan silang dalawa at tila kay saya ni carlos nang mga oras na iyon.

tumalikod na ako. hindi ko na kaya pang makita silang dalawa. pagkakita ko sa aking kinakain ay parang hindi ko na kayang ubusin. tila nais kong iluwa lahat ng kinain ko. bumigat yung pakiramdam ng dibdib ko at bumaligtad ang sikmura ko. nais ko nang umalis at hindi magpakita kay carlos.

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon