act seventeen: dancing the night away

9 1 0
                                    

[ elena ; 1849 ]

ngayon ang araw na inaabangan ng mga elitista at mayayamang angkan, ang araw ng kaarawan ni clara divinacion.

nakagayak na ako at hinihintay ko na lamang ang aking karwahe na magdadala sa akin sa itinakdang bulwagan kung saan magtitipon ang mga mayayaman na inimbitahan ni clara.

makailang ulit akong tinatanong ni nanay kung naayos ko na ba ang aking damit, buhok, postura, sapatos, at maging ang aking abaniko at regalong dadalhin para sa may kaarawan. sinabi ko kay nanay na siniguro kong maayos na ang lahat kinagabihan upang wala na akong anumang iisipin ngayong araw bukod sa maggayak at ayusin ang aking sarili.

pasilip-silip ako sa aming orasan dahil hindi ako mapakali. gaya ng naramdaman ko noong nakaraan lamang na magkasama kami ni carlos, hindi ko na naman maipaliwanag ang kakaibang takbo ng aking sikmura at ang kakaibang pakiramdam ng aking dibdib na tila nagbabadya nang hindi magandang mangyayari. tila kay bigat na aking dibdib ngunit kaalinsabay nito ay ang pakiramdam na tila wala itong laman.

hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng nararamdaman kong ito ngunit sigurado akong hindi pangkaraniwan ito dahil ngayon lamang ako nakaramdaman ng ganitong klaseng pakiramdam.

hindi ko naman hinahayaan ang sarili kong lamunin ng negatibong bagay dahil sigurado naman akong wala lamang ito at nararamdaman ko lamang ito dahil sa ito ang unang pagkakataon na magkakasama kami ni carlos sa mata ng nakararaming mayamang angkan. makikita ko siyang suot ang pinakamagarang damit na nasuot niya sa tanang buhay niya.

ang plano namin ni carlos ay kapag dumaan ang karwahe sa may plasa ay pahihintuin ko ito at pasasakayin siya sa loob. wala namang karapatang magsalita o tumutol ang nagmamaneho ng karwahe kaya hindi ko ito masyadong iniisip. sa gayon, sabay kaming makapapasok ni carlos sa loob ng bulwagan at hindi kami magiging kapansin-pansin sa iba pang mga imbitado sa selebrasyon.

nagpaalam na ako kay manette at kay nanay na ako ay tutungo na sa bulwagan. tumango lamang si nanay at sinabihan ako ni manette na mag-iingat kaya naman tumalikod na ako at naglakad patungo sa karwahe, hawak ang aking regalo.

habang papalapit sa plasa'y lumalakas ang kabog ng aking dibdib. ano kaya ang hitsura ni carlos? bumagay kaya sa kaniya ang damit? bumagay kaya sa kaniya yung kulay na napili ko?

nang makita ko na siyang nakatayo sa isang tabi, malayo sa paningin ng nakararami ay pinahinto ko ang karwahe.
"sasakay ang aking kasama. pakihinto ang karwahe,"

sa paghinto ng karwahe, ako na mismo ang nagbukas ng pinto at siya namang pagsakay ni carlos. isinara niya ito at tumabi sa akin. tumingin siya sa akin at ngumiti. kung hindi ako nagkakamali ay ito ang unang pagkakataon na nakita niya akong nakaayos nang husto. ito rin ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nakaayos nang ganito.

"magandang gabi, binibining elena," sabi niya, kinuha ang aking kamay at marahan itong hinalikan.

"magandang gabi rin sa iyo, ginoong carlos,"

"ito'y miguel jacinto na sa iyo, binibining elena," sambit niya, binigyang-diin ang pangalan na ibinigay ko sa kaniya kaya naman ako ay natawa nang bahagya.

"oo nga pala, bakit ko nga pala ito malilimutan, ginoong miguel,"

sa aming biyahe ay magiliw kaming nag-uusap, pasilip-silip sa maliit na bintana ng karwahe, at lihim na iniinsulto ang mga español na nakikita namin.

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon