act fourteen: checking attires

2 1 0
                                    

[ elena ; 1849 ]

bago kami pumunta sa aking mananahi upang ipaayos ang isusuot namin sa kaarawan ni clara ay nilinaw at ipinaintindi ko muna kay carlos ang mga dapat at hindi dapat niyang gawin sa loob ng bulwagan at sa mismong araw ng kaarawan.

seryosong nakikinig si carlos at paminsan ay puputulin niya ang aking sinasabi upang magtanong at ipaulit ang aking sinasabi upang mas maintindihan niya pa ito.

sinabi kong hindi niya maaaring tanggalin ang kaniyang maskara dahil tanging ang mga kababaihan lamang na imbitado at maging ang mga babaeng alalay ang pinahihintulutang hindi magmaskara. mahigpit ang bilin na dumating nang maaga para sa lahat ng imbitado upang masimulan agad ang kasiyahan. tanging ang may kaarawan lamang ang makapagsusuot ng kulay pula at ang mga imbitado ay ipinagbabawal na magsuot ng kulay na ito. kinakailangan na maipakita ng imbitado ang imbitasyong ipinamigay upang pahintulutan siyang makapasok sa loob at pagdating doon, ibubulong sa nakatayong lalake sa itaas ng hagdan malapit sa entrada ng bulwagan ang pangalan ng bawat papasok upang ianunsyo sa lahat ang kanilang pagdating.

"anong pangalan ang sasabihin ko?" tanong ni carlos.

"maaari kang mag-isip ng ibang pangalan upang hindi malaman ng iba na ikaw ang kasama ko. pero ito'y desisyon mo pa rin. nais mo bang carlos pa rin ang sabihin mo? anong apelyido ang sasabihin mo?" sa aking mga pagtatanong ay doon ko napagtanto na hindi ko alam kung anong apelyido ni carlos.

gaano nga ba kalalim at karami ang nalalaman ko tungkol sa taong tinuturing kong malapit na kaibigan ko? tanging pangalan at ugali lamang niya ang nalalaman ko. bukod doon ay wala na. sino ang mga magulang niya? saan siya nakatira? sino ang mga kapatid niya? ilan sila? nag-iisa ba siya?

si carlos ay isang naglalakad na katanungan; sa pagnanasa kong mas lalo siyang makilala ay mas maraming katanungan lamang ang dumarating sa akin.

samantalang ang aking talambuhay ay nabasa na niya, mula umpisa hanggang sa kung sino at ano ako ngayon. kayang-kaya na niyang ikuwento ang buhay ko. nalalaman niya lahat ng hinanakit ko. nalalaman niya lahat ng mga naging tagumpay ko. lahat ng mga pangarap ko'y narinig na niya dahil sa makailang ulit kong pagbubukambibig. basang-basa na niya ang aking bawat kilos at galaw. alam na alam niya kung ako'y nalulungkot. naguguluhan. nalulunod sa problema. kapag may bumabagabag sa aking isip. nababasa niya ang mga emosyon ko kahit na pilit ko mang itago ang mga iyon sa kaniya dahil siya na mismo ang nagsabi na malakas ang kaniyang pandama at alam niya kapag may mali sa akin.

naisip ko nga, tila mas kilala pa ako ni carlos kaysa pagkakakilanlan ko sa aking sarili.

"isipan mo ako ng magandang pangalan, elena," sabi ni carlos. napataas ang kabila kong kilay.

"sigurado ka?"

"oo naman." sagot niya.

"hmm.. miguel.. jacinto. miguel jacinto. mukha bang maayos sa iyo iyon?" tanong ko. ngumiti si carlos at tumango.

"mula ngayon, ako na si miguel jacinto," sagot niya kaya naman hindi ko mapigilang matawa nang bahagya.

pagkatapos noon, pinag-usapan naman namin ang mga dapat at hindi dapat gawin ni carlos sa loob ng bulwagan. ang mga imbitado ay hindi maaaring magpalisaw-lisaw kung saan-saan kung hindi sinasabi ng may kaarawan. ipinagbabawal na umalis sa bulwagan ang mga tao. pagdating naman sa pagkain ay maaaring kunin ng mga imbitado ang mga pagkain na nais nilang kainin ngunit ito'y kailangan nilang maubos at hindi maaaring magsauli. kaya naman ipinapaalaala na kunin lamang kung ano ang makakayang kainin ng mga bisita. at sa kaarawan ni clara ay magsasalita sa gitna ang kaniyang ama at magbibigay ng maikling mensahe kaya naman dapat na manahimik ang lahat at makinig. sa kaniyang pagtaas ng hawak na kopita ay senyales na ito upang ituloy ang kasiyahan at simulan ang sayawan. pagdating sa sayawan ay ang mga kababaihan ay dapat pumirmi at maghintay ng lalake o babaeng magsasayaw sa kanila. maaaring sumayaw sa gitna ng bulwagan ang dalawang babae o dalawang lalake upang mas maging magaan at masaya ang selebrasyon. ngunit hindi maaaring pahintuin ang dalawang sumasayaw upang manghingi ng permiso ang bisita upang isayaw ang kaniyang natitipuhang isayaw. kinakailangan munang matapos ng isang tugtugin, at kapag naman tumanggi ang kaniyang pinagtanungan ay hindi na niya ito dapat kulitin.

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon