act fifteen: visiting friends

2 1 0
                                    

[ elena ; 1849 ]

nabalitaan ko kay carlos na nagkasakit si gabriela, ang ina ni mawa at miwa. kaya naman hindi ako nag-atubiling sumama kay carlos upang makita siya nang personal at kumustahin ang kaniyang kalagayan. nais ko ring makatulong sa kahit anong paraan, pinansyal man o hindi upang maibsan man lang ang alalahanin ng kaniyang pamilya.

sumakay kami sa calesa papunta sa kanilang tahanan.
matatagpuan sa pinakamahirap na parte ng bayan, bumaba na kami dahil hindi na raw kami makakadaan pa sa kalsada dahil masyado nang maliit at masikip ang kalsada kaya hindi na magkakasya pa ang calesa. hinawakan ni carlos ang kamay ko at inalalayan along maglakad dahil bako-bako at maputik ang daan papunta sa tahanan nila gabriela.

"malayo ba ang ating lalakarin patungo roon?" tanong ko kay carlos.

tumango siya bilang sagot sa aking tanong.
"kaya pinaalalahanan din kita na huwag nang magsuot ng magarang sapatos dahil mahihirapan ka sa paglalakad,"

hindi ako umimik.
kahit naman kasi sabihin ni carlos sa akin a huwag magsuot ng magarang sapatos ay wala rin naman akong balak magsuot ng ganoon sapagkat nais kong komportable akong haharap kay simon at gabriela, maging sa dalawa nilang anak. ano ba ang mapapala ko kapag nagsuot ako ng magarbong kasuotan? hindi naman ako ganoong klaseng tao.

hinila ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni carlos kaya naman nagulat siya sa aking ginawa at napatingin sa akin, nagtataka.
"bakit, elena?" takang tanong niya sa akin.

hindi ko direktang sinagot ang kaniyang tanong.
"salamat sa pag-alalay sa akin, carlos, ngunit kaya ko na ang aking sarili. maaari ka nang maunang maglakad at ikaw'y aking susundan sapagkat hindi ako pamilyar sa daan tungo sa tahanan nina gabriela. maraming salamat," sagot ko.

tinitigan pa ako sandali ni carlos bago ako hinayaan at nauna na siyang naglakad.

hindi ko alam kung bakit ngunit nang makita ko ang likod ni carlos ay hindi maiwasan ng dibdib ko na makaramdam ng kakaibang kirot. isang kirot na hindi ko maipaliwanag at maintindihan. tila.. tila ang sakit na makita siya.

naguguluhan na ako sa sarili ko. naiinis ako. nais kong makahanap ng rason ngunit hindi ko alam kung saan ko hahagilapin. ilang beses na akong nakakaramdam ng ganito kaya naman nakakapagod nang makaramdam ngunit hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin o anong dahilan kung bakit. ni hindi ko alam kung paano ko mabibigyan ng solusyon ang pakiramdam na ito. ni hindi ko nga mabigyan ng ngalan.

tila naiinis ako sa tuwing nakikita ko si carlos. tila masama ang loob ko sa kaniya. parang ayaw ko siyang makita. parang ayaw kong naririnig ang kaniyang tinig. kaya naman naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong wala namang dahilan para makaramdam ako nang ganito kay carlos. wala naman siyang ginagawang masama.

ano bang nangyayari sa akin? hindi na tama ito. ibinubuhos ko sa iba ang galit na nararamdaman ko. batid ko na ang inis na nararamdaman ko ay bunga ng lahat ng galit, inis, at sama ng loob na inipon ko sa buong buhay ko kaya naman ngayon ay napupuno na ako at naghahanap ng taong mapagbubuntunan ng aking galit.

ito na ba 'yon? ito na ba ang rason? ito ba ang dahilan at tila gulong-gulo ang emosyon ko? lahat ng negatibong nararamdaman ko na kinimkim ko sa matagal na panahon ay napuno na sa aking dibdib at nais nang kumawala? ito ba ang dahilan kung kaya't nakakaramdam ako ng ganito? ng hindi tama?

na tila sa sobrang inis ko ay nais ko na lamang maglaho? na hindi ko nais masilayan ang taong malapit sa aking loob na wala namang ginawang mali sa akin?

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon