act five: fearing words

2 1 0
                                    

[ elena ; 1848 ]

"sa bawat araw na magkasama tayo'y lagi mo akong napapasaya," puri sa kaniya habang kinukulayan ng pula ang damit ng pinipinta kong babae.

kahit hindi ako nakatingin sa kaniya'y alam kong ngumiti siya.
"hindi naman sa pagmamayabang ngunit iyon ang isa sa maipagmamalaki ko tungkol sa akin. ganoon yata talaga kung likas na sa iyo ang pagpapatawa, bukod pa roon ang hitsura kong angat sa iba,"

napailing ako sa tinuran ni carlos. sa isip-isip ko'y hindi naman siya nagkakamali. sino ako upang magsinungaling at itanggi na hindi angat ang hitsura niya sa iba? mapungay na mga mata, ilong niyang matangos kahit na makailang ulit niyang itinatanggi, mapulang labi, malaman na pangangatawan, at magaan at malambot niyang mga kamay. nakasisiguro akong kung ipinanganak lamang sya sa mayamang pamilya'y mas lalong marami ang mga kababaihang magkakagusto sa kaniya.

mga nagkakagusto kay carlos.
para sa akin na malapit niyang kaibigan ay hindi na iyon bagong bagay. may mga kababaihan na bibigyan ako ng nagtataka at masasamang titig sa tuwing magkasama kami ni carlos. sa wari ko'y hindi nila gustong makita si carlos na may kasamang ibang babae.

napahawak ako sa aking dibdib.
sa bawat gabing hirap akong makatulog ay iyon ang naiisip ko. hindi lang ako ang nagkakagusto sa kaniya. oo, malapit kami sa isa't isa ngunit hindi ibig sabihin noo'y mas malaki ang tiyansa na sa akin siya magkakagusto.

sa pagkakaalam ko'y may iba siyang pinapangarap.
iba ang kaniyang nagugustuhan.
hindi ako.

napalunok ako at napahinto sa pagpipinta nang panandalian.
napagtanto kong naglalayag na ang aking isip at hindi na ako nakikinig sa sinasabi carlos.
"paumanhin sapagkat naglayag ang aking isip at hindi ko na narinig ang mga katagang sinabi mo," napapahiyang sabi ko sa kaniya, "huwag mo akong alalahanin at ituloy mo lamang ang iyong pagku-kuwento at akin kang pakikinggan sa ikalawang pagkakataon,"

napahinto si carlos at tinitigan niya ako. sa pagtama ng paningin naming dalawa'y naramdaman kong kumabog ang aking dibdib at hindi ko napigilang mapayuko.
"ayos ka lang ba, elena? masyadong malalim ang iyong pagbuntong-hininga. mayroon bang bumabagabag sa iyong isipan?" mabilis akong umiling at binigyan si carlos ng isang pilit na ngiti ngunit siniguro kong hindi niya mahahalata ns pilit lamang ang ngiting ito.

"yayamang narito tayo parehas sa plasa'y maaari mo na bang ikuwento ang nais mong sabihin?" sagot ko.

"ibinanggit sa akin ni saturnina ang pangarap niyang maging sikat na piyanista," nang marinig ko ang sinabing iyon ni carlos ay hindi ko napigilang makaramdam ng katiting na kirot sa aking dibdib. dahil sa inggit, oo, hindi ko naman itatanggi iyon. ngunit mas lamang ang awa ko para sa sarili ko.

kilala ang mga guevarra bilang karespe-respetong pamilya. tinitingala ng nakararami. ito ay sapagkat sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pagawaan ng alahas sa bayang ito. ang panganay na anak ay isang mabuting pinuno ng bayan at ang bunsong si saturnina ay kilala dahil sa kaniyang natural na kagandahan at angking katalinuhan. isang eleganteng dalaga at mahinhin ang kaniyang mga pagkilos.

kilala siya bilang piyanista at ngayon naman ay pangarap niyang sumikat. hinahangaan siya ng lahat. sa kabilang banda, ako naman ay hirap sa pagtatago ng pagmamahal ko para sa pagpinta dahil sa takot na baka madungisan ang apelyido at imaheng matagal na pinaghirapan ng aking ama para igalang ng nakararami. natatakot akong mahusgahan sa isang bagay na matagal kong pinaghirapan upang matutunan. dahil sa paningin ng nakararami, ang pagpinta ay hindi para sa mga babaeng elegante.

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon