act eleven: weighing heavy thoughts

2 1 0
                                    

[ elena ; 1848 ]

pasado alas onse na ng gabi. hindi ako mapakali sa aking kinahihigan sapagkat hinihintay ko ang pagtawag sa akin ni carlos. pakiramdam ko'y kay bagal ng takbo ng oras.

tinatalasan ko ang aking pandinig sakaling ilang minuto mula ngayon ay narito na si carlos ngunit wala akong naririnig na pagtawag mula sa ibaba. hanggang ngayo'y hindi pa rin ako mapakali at nais kong sumilip nang sumilip sa binata upang tignan kung nariyan na siya ngunit mas pinili kong pilitin ang aking katawan na mahiga na lamamg at antayin ang senyales na ibinilin ko sa kaniya.

ilang minuto na ba ang nakalilipas?
hindi ko na rin alam. base sa nararamdaman ko'y masyado nang matagal at dapat ay itulog ko na lamang ito sapagkat malinaw na hindi nais makipagkita ni carlos sa akin sa ganitong oras ng gabi. marahil ay marami siyang ginagawa. marahil ay marami siyang dapat isipin. ang aking kahilingan ay hindi niya prayoridad kaya naman ibinubulong sa akin ng aking isip ay sumuko na lamang at matulog dahil mas nakabubuti iyon kaysa maghintay sa wala.

sa buong buhay ko, makailang ulit na akong nadidismaya ng mga taong nakapaligid sa akin. kaya naman ang pangyayaring ito'y hindi na bagong bagay sa akin. pinili kong huwag pang matulog at dahil baka sakaling biglang dumating si carlos at mahimbing na ang tulog ko.

maraming minuto pa ang lumipas.
marami nga ba? sa aking hula'y marahil nga.
ano nga ba ang ginagawa ni carlos ngayon? ano ang pinagkakaabalahan niya bukod sa makuha ang mga bagay na kailangan at gusto niya sa paraang noong una'y tinutulan ko?

mula sa isiping iyon ay nagsimula na akong mag-isip ng kung ano-ano. mga bagay na kinakatakot kong mangyayari kay carlos. mga bagay na ayaw kong maranasan niya.
paano kung mahuli siya? ano na ang mangyayari sa kaniya sa loob ng bilangguan? ang kinakatakot ko ay baka mapagdiskitahan siya sa loob. baka mamaya'y kung ano ang planuhin sa kaniya ng ibang nakakulong doon maging ang mga guwardiya mismo. at kung sakaling makulong siya'y anong gagawin ko? ano nga bang magagawa ko?

ito ang dahilan kung bakit sa sarili kong pag-iisip ay natatakot ako. ang mga senaryong naiisip ko'y ako mismo ang tinatakot at pinapakaba ako.

hindi ko alam kung gaano pa ako katagal nalunod sa sarili kong mga pag-aalala nang marinig ko ang pangalan ko mula sa ibaba sa labas. dali-dali akong tumayo at kumaripas ng takbo patungo ng bintana at naroon si carlos. wala akong inaksayang panahon at mabilis ngunit maingat akong lumabas ng mansyon at tumungo sa likuran kung nasaan si carlos.

"tila kay halaga ng iyong nais sabihin base sa pagkakaintindi ko sa iyong sulat kaya mabilis pa sa alas kuwatrong tumungo ako rito," panimula ni carlos.

may kakaibang kirot akong naramdaman sa aking dibdib nang makita ko siya. kay hirap ipaliwanag. isang kirot na ayos lamang sa akin kung mararanasan ko nang paulit-ulit.
ni hindi niya ako maririnig na magreklamo dahil balewala ang sakit na aking nararamdaman.
"akin lamang kitang inaanyayahan, carlos, kaya kung nais mong tumanggi dahil sa mga personal mong dahilan ay walang problema sa akin. ito ay isang okasyon na nais kitang makasama dahil alam kong magugustuhan mo roon ngunit, iyon nga, kung may mas importante kang dapat gawin mo o may nais kang unahin ay ayos lamang sa akin kung tatanggihan mo—"

"elena," pagputol niya sa nais kong sabihin kasabay ng paghawak sa magkabila kong braso, "huminga ka. ano ba ang nais mong sabihin sa akin? hindi mo kailangan mag-isip ng kahit ano at sabihin mo na lamang ang paanyaya mo sa akin. ano nga ba ito? ni hindi ko pa nga ito nalalaman kaya hindi ko alam kung saan mo nakuha na ako'y tatanggi o ano,"

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon