act six: picking choices

2 1 0
                                    


[ elena ; 1848 ]


habang naglalakad kami ni carlos ay napadaan kami sa maraming mga tao na pinagkakaguluhan ang pang-ipit sa buhok. takang napatingin ako sa disenyo nito pero wala pang isang minuto ay muli akong hinila palayo ni carlos.
at nagulat na lamang ako dahil may ikinabit na siya sa buhok ko.

"carlos!"

"bakit?"

"bakit mo—"

"capitalismo ang unang papatay sa iyo kaya anong mas magandang gawin? unahan mo," sabi niya at sinabayan pa ng mapang-asar na kindat.

"ngunit hindi naman marapat na solusyon ang pagnanakaw!" bulong ko sa kaniya kaya naman napahalakhak siya.

"nasaan ang kasiyahan kung kakailanganin mong galawin ang laman ng iyong pitaka," sabi niya, "tignan mo, elena. parang may iba sa iyong awra. bagay sa iyo ang alahas na iyan,"

naramdaman kong nag-init ang magkabila kong pisngi sa sinabi ni carlos kaya naman nahihiyang tinago ko ang mukha ko sa likod ng kamay ko.
"hindi mo naman kailangan mag-biro ng ganiyan, carlos,"

napairap si carlos habang tumatawa.
"bakit ba sa tuwing pinupuri kita'y ni minsan ay hindi ka naniwala sa akin? anong hindi kapani-paniwala sa katagang "may kakaiba sa iyong awra, elena. maganda ka." para sa iyo?"

nakaiwas pa rin ako ng tingin, nakatago ang mukha.
"pakiramdam ko'y pinapagaan mo lamang ang aking loob. kailangan mong magsabi ng totoo sa akin para maniwala ako," sagot ko sa kaniya.

"at iyon naman ang aking ginagawa," tugon niya, "bakit ako magsisinungaling kung sinasabi ko lamang ang nakikita ng dalawang mata ko? pawang katotohanan ang sinasabi ko sa iyo, hindi dahil sa pinapagaan ko ang loob mo o dahil lamang sa magkalapit tayong magkaibigan o dahil sa nagsisinungaling ako,"

napailing na lamang ako at hinayaan ang sarili kong hilahin ni carlos papunta sa grupo ng mga mananayaw sa gitna ng plasa. at doon ko napagtanto kung ano ang kaniyang binabalak gawin.
"carlos," saway ko sa kaniya, "anong gagawin natin? alam mong hindi ako suma—"

"elena, hindi mo mararamdaman ang tunay na saya hangga't hindi mo nasusubukang sumayaw sa gitna ng plasa," panghihimok niya sa akin ngunit bago pa man ako makasagot sa kaniyang sinabi ay bumulong na siya sa mga manunugtog.

nakita kong nagsipag-ngitian ang mga manunugtog at doon ako nakaramdam ng kaba. kabang mas higit kaysa nararamdaman ko tuwing ako'y malapit nang pagalitan ni nanay.
humarap at lumakad papunta sa akin si carlos.
"carlos? carlos, hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. carlos, hindi natin gagawin ito. carlos, sinasabi ko talaga sa iyo. carlos—"

at tuluyan nang hindi narinig ang pagsigaw ko sa pangalan niya dahil sa masiglang tugtog ng mga musikero. yumuko si carlos sa harapan ko at pagkatapos ay pumalakpak kasabay ng tugtog saka niya hinawakan ang kamay ko.

sa tanang buhay ko na nagpupunta ako sa plasa ay ngayon ko pa lamang gagawin ito. alam ko sa sarili kong hindi ako mananayaw kaya naman hindi ako sumasali sa kanila at masaya na akong nakamasid lamang ako sa kanila.

ngunit ngayon, iba na.
narito ako mismo sa gitna ng maraming nagkakasiyahang mananayaw. sinasabayan ko ng pag-indak ang masiglang tugtog. mabilis ang bawat galaw namin. umiikot, pumapadyak. kumakabog ang dibdib ko. dahil sa kaba, o marahil ay sa sobrang galak. alinman doon ay unti-unti ko nang nasasabayan ang mga mananayaw. nakakabisado ko na ang mga galaw nila. ginagabayan ako ni carlos kaya naman nawawala na ang kaba sa dibdib ko.

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon