act eight: wandering friends

2 1 0
                                    

[ elena ; 1848 ]

"ngunit hindi ba't pawang mga kalalakihan lamang ang nananatili nang ganitong oras sa lugar na iyon?" tanong ko kay carlos habang naglalakad kami sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakatago sa paningin ng mga sundalo't pari.

"at sila'y malalapit kong kaibigan at nakasisiguro akong magugustuhan mo sila," sagot niya at lumiko kami sa isa pang eskinita, "mababa ang tingin ng mayayaman sa amin ngunit sila ang isa sa mga pinakamababait na taong nakilala ko,"

gumaan ang pakiramdam ng aking dibdib at tila nawala na nang tuluyan ang mga alalahanin sa aking isipan.
"iyon nga lamang ay maiingay sila dahil sa kasiyahan at lahat sila'y nag-iinuman ngunit huwag kang mag-alala dahil narito naman ako sa iyong tabi,"

"tingin mo ba'y ayos lamang sa kanilang makihalubilo sa akin o ayos lamang sa kanila na naroon ako sa paborito nilang puntahan?" tanong ko, nag-aalala.

naintindihan naman ni carlos ang nais kong sabihin dahil siniko niya ako nang marahan.
"ikagagalak nilang makilala ang tulad mo, elena. nai-kuwento na kita minsan sa kanila kaya wala kang dapat ipag-alala na dahil galing ka sa mayamang pamilya'y magbabago ang trato nila sa iyo,"

nakahinga ako nang maluwag. ito'y dahil nga sa diskriminasyon sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. ayaw ko lamang na makaramdam sila ng inis o pagkailang sa aking presensya.
pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso. may kakaibang kiliti akong nararamdaman na dumadaloy sa aking katawan. sa tanang buhay ko'y ngayon lamang ako tumakas ng ganitong oras kasama si carlos.

ito ba ang pakiramdam ng pagtakas ng isang ibon sa kaniyang maliit na hawla kapag natutulog na ang kaniyang amo—nakadungaw sa bintana, nakatingin sa kalangitan habang mabilis na pinapagaspas ang kaniyang dalawang pakpak?
humugot ako ng malalim na buntong-hininga.
nakapagtatakang hindi pumapasok sa aking isipan ang kahihinatnan ko sa oras na mahuli ng aking ina na tumakas ako at sumama kay carlos. sa mga oras na ito'y ang tanging tumatakbo lamang sa aking isipan ay ang katotohanang wala ako sa aking tahanan at narito si carlos sa aking tabi.

"sing-lalim ng gabi ang iyong iniisip, binibining san miguel," sabi ni carlos kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa pagkapahiya.

"nais ko lamang sabihin na hindi mo alam kung gaano mo napapagaan ang aking loob at napapasaya ang nalulumbay kong pag-iisip. tuwing pakiramdam ko'y nag-iisa na lamang ako at nalulungkot ako nang husto, bigla-biglay nariyan ka na upang magbigay ngiti sa aking labi kaya naman nagpapasalamat akong hindi ka umalis sa aking tabi,"

"malapit mo akong kaibigan. hindi na iba ang tingin ko sa iyo at para na kitang nakababatang kapatid. para sa akin ay isa ng kasiyahan ang makita kang masaya," sagot niya sa aking sinabi.

habang naglalakad kami'y pinakikiramdaman ko ang katahimikan niya. nais kong malaman ang kaniyang iniisip at basahin ang bawat nilalaman ng kaniyang mga iniisip. malapit kami sa isa't isa ka naman nararamdamam ko ang kaniyang braso. naaamoy ko ang pamilyar niyang pabango na lagi kong sinasabi na bumabagay sa kaniya. hindi ko namalayan na nag-iinit na ang aking pisngi at naramdaman ko na lamang ito nang idikit ko ang kamay ko sa pisngi ko.

si carlos ang unang pumasok sa loob kaya naman nakarinig ako ng malalakas na hiyawan ng kasiyahan. mukhang masaya sila na narito si carlos.
"mayroon nga pala akong kasamang bisita," sabi ni carlos at hinawakan ang kamay ko, dinala niya akonsa tabi niya, "sa aking palagay ay kilala niyo na kung sino siya,"

an ocean of tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon