Chapter 1

41 4 1
                                    

Yen's POV

Naghahanda kami ngayon ng kapatid ko ng gamit namin para sa school. Sa susunod na linggo na ang unang araw ng aming pasukan, kolehiyo na ako samantalang senior high naman ang kapatid ko. Excited kaming pumasok dahil nakakamiss din pumasok sa eskwelahan at syempre may bago ka nanaman makikilala. Atsaka marami na akong pwedeng gawin hindi kagaya noong bakasyon na lagi lang akong nasa bahay, nakakabored din kaya kasi hindi ka makagala. Pero syempre iisipin ko pa ba ang paggagala kesa sa pamilya ko? Hindi nalang. Dahil mas iisipin ko muna ang pamilya ko bago ang mga sarili kong gusto. Mag isa nalang si mama sa pag-aalaga saamin kaya kailangan namin siyang tulungan ng kapatid ko.

Dalawa lang kaming magkapatid at si mama lang ang nagtataguyod saamin. Matagal ng wala si papa dahil namatay ito noong bata palang kami ng kapatid ko. Naholdap kasi noon si papa nung pauwi na sya sa bahay namin at ito'y nanlaban kaya sya ay pinatay, agad naman nahuli ng mga pulis ang gumawa noon kay papa kaya nabigyan agad siya ng hustisya. Pero para saakin hindi pa rin iyon matatawag na hustisya, dahil para sakin ang totoong hustisya ay yung nagsisi, nakonsensya, at ginawang tama ang pagkakamaling nagawa nila. Pero wala rin naman akong magagawa, ang Diyos nalang ang bahala sa gumawa noon kay papa.

Nasa kalagitnaan kami nang pag aayos ng kapatid ko nang basagin nito ang katahimikan na kanina pa namin nararamdaman.

"Ate!" Tawag nya sakin, tiningnan ko naman ito habang nakakunot ang aking noo.

"Bakit?" Tanong ko at bumalik ulit sa aking ginagawa.

"Ate nagkagusto ka na ba? Crush ganon?" Tanong nya sakin na agad ko naman inilingan.

"Hindi pa." maikling sagot ko at hindi ko na sya inabala pang tingnan.

Totoong wala pa akong nagugustuhan dahil wala pa yon sa isip ko. Hindi yun kasama sa mga plano ko at alam ko sa sarili ko na hindi ko pa rin kaya pumasok sa isang relasyon, pangarap kong makapagtapos ng pag aaral at makatulong sa pamilya ko. Kolehiyo na ako at magpupursigi nalang akong makapagtapos para maabot ko ang aking mga pangarap at matulungan na si mama sa pagtaguyod ng aming pamilya.

Pamilya ko lang ang nasa isip ko, kaya wala pa akong taong gusto. Hindi naman ako nagmamadali kasi darating din naman yan sa buhay ko sa tamang oras at panahon, ibibigay din naman ng Diyos ang para sakin kapag handa na ako at kaya ko na. At syempre kapag nakabawi na ko sa pamilya ko.

"Talaga ate? Ang tanda tanda mo na tapos wala ka pa rin nagugustuhan." Sabi naman ng kapatid ko at inilingan ko lang ulit ito.

"Wala pa yan sa isip ko Kristelle, Alam mo naman na kayo ang priority ko ni mama diba? Wala na si papa kaya walang tutulong kay mama kundi tayo lang rin dalawa. Kailangan kong makapagtapos para maabot ko ang mga pangarap ko at makatulong na sa pamilya natin. At syempre, tutulungan ko na rin si mama sa pag-papaaral sayo. Para kapag nakapagtapos ka na at naabot mo na yang mga pangarap mo, sabay na natin tutulungan si mama na maiahon ang ating pamilya." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Makakapag hintay naman yang pag ibig na yan, darating din yan sa atin kapag handa na tayo. Sa ngayon, tumulong muna tayo at bumawi kay mama." Mahabang paliwanag ko na tinanguan nya naman.

"Alam mo ate correct ka jan!" Sabi nya sakin habang nakangiti, nginitian ko lang rin sya at pinagpatuloy na ulit ang aming ginagawa.

"Pero ate last na. kung wala ka pang nagugustuhan, may nagkagusto or nanligaw na ba sayo?" Tanong nya ulit sakin at inisip ko naman kung meron nga bang nagkagusto saakin noon.

"Hmmm tingin ko naman wala pa." sabi ko dito at nginitian sya ng tipid.

"Ay weh?" Sabi naman nito na mukhang hindi makapaniwala.

"Wala nga. Atsaka kahit meron man hindi ko sila ie-entertain kasi kayo muna ang uunahin ko." maikling paliwanag ko na sinang-ayunan
naman nya.

"Sabagay. Atsaka ate okay lang yan, hindi ka naman maganda kaya walang magkakagusto sayo." pang aasar nya sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin, tinawanan lamang ako nito at bumalik na ulit sa kanyang ginagawa.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now