Chapter 6

52 4 73
                                    

Yen's POV

Kakauwi ko lang ngayon dito sa bahay, traffic kasi kanina kaya natagalan pa ko sa pag uwi. Nainis naman ako sa kapatid ko dahil sinabi ko pa sa kanyang hintayin niya ko, pero ang gaga nauna pa rin.

Nang makita ko naman itong nakaupo sa may sala agad ko itong nilapitan atsaka binatukan. Narinig ko naman ang reklamo nito dahil sa ginawa ko.

"Aray ko ate! Kakauwi mo lang nambabatok kana agad." Inis na sabi nito. "Yan ba tinuro sa inyo sa school?" dugtong nito sabay irap.

Sumama naman ang mukha ko kaya tiningnan ko siya habang nakataas ang isa kong kilay. "Sabi ko diba hintayin mo ko." Mataray na sabi ko dito.

"Eh ate gutom na ko eh kaya di na kita hinintay." Paliwanag nito. "Atsaka kasalanan ko bang matagal kayong pinalabas ng prof nyo? Psh."

"Tsk! Pag sa pagkain talaga napakagaling mo. Sana naman kinalma mo muna yang sikmura mo at hinintay moko noh. Para sabay sana tayong umuwi at kumain." Reklamo ko dito habang nakatingin sa kanya ng masama.

Inirapan naman ako nito. "Mahihintay paba kita ate kung malapit na kong mawalan ng malay dahil sa gutom? Kaya mo naman umuwi mag isa, maarte kalang talaga. Psh!"

"Gaga kaba?" inis na saad ko dito. "Kaya nga may canteen diba? Para don ka kumain pag nagutom ka. Sana bumili ka muna nung hinihintay mo ko." asar na dugtong ko.

"Ayaw mo kasi talaga kong kasabay gaga ka." Sabi ko dito sabay upo sa may tabi nya.

"Ate naman kasi! Okay. Sige sorry na about don. Pero diba, hindi naman na tayo lagi pwedeng magsabay or magsama for some reasons, atsaka hindi na tayo katulad noon na kaya wala kang kaibigan kasi ako lagi yung kasama mo. College kana and senior high na ko, so mag expect kana na magiging busy tayo ngayon sa maraming bagay." Paliwanag nito ngunit nanatili pa ring masama ang mukha ko. "Kaya nga sinasabi ko sayo na makipag kaibigan ka na para naman may makasama ka kapag wala ako. Gaya kanina, hindi na kita nahintay kasi nga gutom na ko. Di na din pumasok sa isip kong bumili sa canteen kasi nga gusto ko ng luto ni mama. Di tuloy kita nasabayan kanina... kaya ate makipag-kaibigan kana, para may makasama ka kapag wala ak-

"Eh di naman kita sasabihan na sabayan ako kung hindi lang naunang umuwi yung kaibigan ko eh!" Inis na sigaw ko dito.

Para akong bata amp!

Nakita ko naman kung paano ito natigilan at gulat na napatingin sa akin.

Napatakip naman ito sa kanyang bibig sabay lapit sa may tabi ko.

Ito na, masisira na ulit ang buhay ko in

3

2

1

"OH MY GOSH ATEEEEEEE!!!! WAAAAAAAAH!!!" Malakas na sigaw nito kaya agad akong napatayo habang takip ang dalawa kong tenga.

"Kristelle!" Inis na sigaw ko dito.

Kumalma naman ito sabay nakangiting tumingin saakin.

"Ate may kaibigan kana?!" masayang tanong nito.

Tumango naman ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Oh my gosh! sa wakaaaaaaaaaaaas!" Sigaw nito habang nakataas pa ang dalawang kamay.

ABNORMAL.

Tumingin naman ito saakin. "Hays ate! Buti naman may kaibigan kana. I'm so freaking very so much and sobrang happy!" magiliw na sabi nito.

Natawa naman ako sa kabaliwan nito. Kahit talaga minsan napaka abnormal nito, sobrang ingay, at minsan nakakainis na. Hindi pa rin ito nabigong pasiyahin ako. Gaya nito, magkaaway dapat kami eh. Pero dahil sa kaabnormalan ng gagang toh, bati na ulit kami kasi napatawa na niya ko.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now