Yen's POV
Lumipas ang isang linggo na ganon pa rin ang ginagawa ko.
Apektado pa rin sa nangyari.
Pati sila mama apektado na rin at hindi malaman ang gagawin para tulungan akong bumangon.
Naiinis man ngunit sobrang haba ng pasensya ang binibigay nila sa akin ng kapatid ko, lalo't alam nila kung gaano ako nasaktan sa mga nangyari.
Kwinento ko sa kanila lahat ng nangyari at masaya akong naiintindihan nila ko.
Ngunit sinabi rin nila na kailangan kong magpatuloy dahil hindi pwedeng ganito.
Mahihirapan lang ako.
At tama nga sila, hirap na hirap ako.
Pero hindi ko kaya eh.
Masyado akong lubog.
"Anak!" Kasalukuyan akong nakahiga sa kama sa aking kwarto nang tawagin ako ni mama.
"Bakit po?" Walang ganang sagot ko.
"Anak kumain ka naman oh! Ilang araw ka nang di nalabas ng kwarto mo, baka mapano ka." Nag aalalang pakiusap ni mama.
Wala akong gana lumabas o gumalaw ngayon, masyado akong napagod sa mga nangyari. Pagod na akong umiyak, maghintay, at umasa. Wala naman akong napala sa lahat ng ginawa ko, ako lang naman ang nasaktan sa huli.
"Wala akong gana ma." Sabi ko sabay higa at takip ng unan sa tenga.
"Anak sige na please! Baba kana, nagluto si mama ng paborito mo." Muling pakiusap ni mama na ikinainis ko, kaya mas lalo ko pang tinakpan ang tenga ko.
"Wala nga po akong gana!" Inis na sabi ko sabay pikit, sinusubukang matulog.
"Anak! Hindi ka magiging maayos kung ipagpapatuloy mo yang ginagawa mo. Ayusin mo nga ang sarili mo Yenelle." Sa puntong ito ramdam ko ang inis sa tono ng pananalita ni mama.
Well, Hindi ko siya masisisi kung magalit sya. Nasaktan ako at mas lalo ko pang sinasaktan ang sarili ko, hindi ako gumagawa ng paraan para bumangon. Kundi mas lalo ko pang nilulubog ang sarili ko sa lungkot.
"Sige ma! Bababa rin po ako mamaya" sabi ko sabay higa.
"Hihintayin kita sa baba anak! Bumaba ka ha!" Sabi nito at narinig ko na ang mga yapak nito papaalis.
Nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame, nag iisip.
Lahat pala ng ginawa nya saakin ay normal lang, ako lang talaga ang nagbigay ng kahulugan.
Isang malaking kalokohan na isiping mahal na rin ako ng lalaking mahal ko.
Ako lang pala talaga ang nakaramdam at nakaisip na espesyal na ako sa kanya.
Pero ang totoo,
Hindi pala.
"Tama na Yen, kalimutan mo na sya. Wala kang mapapala kung itutuloy mo pa, masasaktan kalang." pangungumbinsi ko sa sarili ko at pinipigilan ang mga luhang gusto nanaman ulit tumulo sa mga mata ko.
Pagod na akong umiyak, kailangan ko rin magpahinga
At magpatuloy.
Pagkatapos kong isipin lahat ng iyon, napagdesisyonan ko nang bumaba at saluhan sila mama kumain. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba, nakita ko na nagsisimula nang kumain sila mama at hindi na ako hinintay. Nakita ko naman na tumingin si mama saakin at ngumiti.
Binigyan ko lamang ito ng tipid na ngiti at umupo na sa lamesa. Adobong manok ang ulam namin ngayon, paborito ko ito kaya sisiguraduhin kong kakain ako ng marami. Ilang araw din ako nagkulong at nagpalipas ng gutom, kaya sisiguraduhin kong babawiin ko lahat ng iyon ngayon.
YOU ARE READING
I SECRETLY LOVE YOU
RomanceShe is a woman who does not want to fall in love first because she prefers to reach her dreams first. Until she met the man who changed her outlook on love, But she still chose to hide her feelings, even if it would hurt her. She was afraid of what...