Chapter 13

21 3 9
                                    

Yen's POV

Isang buwan na ang nakalipas nang nangyari ang lahat ng mga iyon.

Marami rin ang nangyari ngunit masasabi ko na napakasaya ko habang binabalikan ko ang mga alaalang iyon.

Lalo na yung usapan namin ng mama ni Red.

Nakaupo ako ngayon sa sofa habang nanonood ng TV nang naramdaman ko na may tumabi saakin.

Napatingin naman ako dito at matamis na ngumiti. "Oh ma? Bakit po?"

Umiling ito. "Wala naman anak. Gusto lang kitang samahan." Nakangiting sambit nito.

Kinuha ko ang remote atsaka pinatay ang TV at nakangiting sumandal sa balikat ni mama.

"Mama" tawag ko rito.

Tumingin naman ito. "Bakit anak?"

"Masaya lang po ako." nakangiting sambit ko at narinig ko naman ang matunog na ngiti nito.

"Alam na po pala nila Mrs. Santiago na gusto ko si Red ma. Nahiya nga po ako eh kasi mama na raw po ang itawag ko sa kanya." Nakangusong pagkukwento ko.

Natawa naman ito. "Talaga?"

Tumango ako. "Opo. Tas nakakahiya rin po ma, kasi halata pala ko nung araw na  pumunta tayo dito tas unang kita namin ni Red. Halata po pala na gusto ko siya. Nakakahiya ma!" Nahihiyang saad ko.

Mas lalo naman itong natawa kaya sinimangutan ko siya.

"Mama wag ka po tumawa!" Nakasimangot na sambit ko.

Agad naman nitong pinigilan ang tawa niya ngunit hindi siya nagtagumpay, mas lalo pa siyang natawa sa harap ko.

"Mama naman eh!"

"Sorry na anak HAHAHAHAHA" natatawang saad nito. "Natutuwa lang ako sayo."

Umayos naman ako nang upo at patuloy pa rin sa pagsimangot.

Maya-maya ay narinig kong tumigil na ito sa kanyang pagtawa at nakangiti nalang na nakatingin sa akin.

"Masaya lang ako para sayo anak." Sinserong sabi nito at napatingin naman ako sa kanya. "Masaya ako kasi suportado sila sayo, gaya nang pag-suporta namin sayo sa taong gusto mo."

Napangiti naman ako. "Salamat po ma!"

Tumango naman ito at ngumiti.

"Pero ma, masyado ba talaga kong halata noon? Kung oo, sana di napansin ni Red. Jusko! Mas nakakahiya!" nahihiya muling ani ko.

"Bakit naman nak? Eh suportado naman sila sayo. Atsaka, bakit ayaw mo pang aminin kay Reyniel na gusto mo siya?"

Tanong ni mama at natigilan naman ako. "A-ah ano po ma.. di ko po kasi alam if aamin pa ako o ayaw ko po talaga." saad ko rito.

Kumunot naman ang noo nito. "Bakit naman anak?"

Napabuntong hininga ako. "Kasi po ma, alam ko naman po na hindi ako gusto ni Red." sambit ko habang pilit na nakangiti.
"Natatakot din po ako... na baka pag umamin ako, masaktan lang po ako sa isasagot niya." Pag-amin ko. "Natatakot po akong masaktan.."

Tumango naman ito at napabuntong hininga rin. "Alam mo anak, darating naman talaga sa buhay natin na masasaktan tayo sa kahit anong bagay na mangyayari sa atin." Panimula nito at nakinig naman ako. "Pero palagi mong tatandaan na sa bawat sakit na mararamdaman natin ay doon tayo magiging matatag at mas lalong maiintindihan ang mga bagay bagay." Paliwanag nito at napangiti naman ako.

"Palagi mo ring tatandaan na walang permanente sa mundo anak. Lahat ng sakit at kasiyahan na nararamdaman natin ay may katapusan. Ngunit, ang mahalaga doon ay may nakuha tayong aral. May aral tayong napulot sa mga bagay na nangyari saatin, at makakatulong yon para mas lalo nating maintindihan kung bakit nangyari ang bagay na iyon saatin, at doon tayo matututo." Nakangiting sambit nito. "Kaya wag kang matatakot na masaktan anak, parte na ng buhay yan. Pwede mong ilabas lahat ng sakit pero di ka dapat susuko. Kasi magle-lead yan sayo para lalo ka pang matuto." Anito at napangiti naman ako nang malawak dito.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now