Yen's POV
Maaga kaming pumasok ngayon ni Arra kaya wala pang masiyadong estudyante dito sa school.
Nandito kami ngayon nakatambay sa may likod ng school habang naghihintay magsimula ang klase. Sobrang ginhawa naman ng pakiramdam ko ngayon dahil ang ganda dito sa lugar kung nasaan kaming dalawa ngayon ni Arra.
Nalaman ko naman na paborito pala itong tambayan ng mga estudyante tuwing free time nila, napapalibutan kasi ang lugar na ito ng maraming puno at malalasap mo talaga dito ang sariwang hangin. Magandang tambayan ito para sa mga taong gustong mapag-isa o kaya magrelax.
Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa upuang gawa sa punong kahoy habang nakain. Matagal pa naman bago magsimula ang klase namin kaya naisipan muna naming tumambay dito.
Napatingin naman ako kay Arra nang bigla nitong basagin ang katahimikang kanina pa bumabalot sa amin.
"Yen" pagtawag nito.
Tumingin naman ako dito habang nakakunot ang aking noo. "Oh bakit?"
"Umamin ka nga sakin.." seryosong saad nito at biglang umayos sa kanyang pagkakaupo.
"Ano namang aaminin ko?" takang tanong ko dito.
"Matagal ko nang napapansin toh pero ayaw ko lang pangunahan ka.." anito habang nakatitig sa mga mata ko. "May gusto ka ba kay Reyniel?" biglaang tanong nito kaya natigilan ako.
Nagugulat naman akong tumingin sakanya at nag-isip kung ano bang pwede kong sabihin.
"H-huh?" Pagmamaang-maangan ko sabay iwas ng tingin.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na napangisi ito kaya mas lalo akong kinabahan.
"Yen dzuh! Can you please stop pretending that you don't like him? Halata ka kaya girl!" Nakangising saad nito.
Napabuntong hininga na lamang ako ng hindi ko na alam pa ang isasagot ko.
"S-sige aamin na ko... oo.. gusto ko siya.." nahihiyang saad ko.
Narinig ko namang napabuntong hininga ito kaya napatingin ako sa kanya.
"Hmm see? I knew it." seryosong saad nito habang magkakrus ang kanyang mga braso.
Agad naman akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kanyang kamay. "P-pero woi! Wag mong sabihin sa iba ha. Lalo na sa kanya..... Please.." pakikiusap ko.
Agad naman itong tumango kaya nakahinga ako ng maluwag.
Tumingin naman ito saakin ngunit agad din siyang nag iwas ng tingin.
"Don't worry Yen! I'll not tell him." seryosong saad nito habang nakatingin sa malayo. "Pero.. you know naman diba?" aniya at biglaang tumingin sa akin.
Nakuha ko naman ang ibig nitong sabihin kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Alam ko naman na bawal kitang pigilan diyan sa nararamdaman mo..." saad nito. "Pero dapat aware ka sa kung anong sagot ang makukuha mo sa taong gusto mo." anito at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
Napaiwas naman ako ng tingin dito at napatingin nalang ako sa malayo.
Alam ko naman yon,
Kaya nga ayokong umamin eh.
Kasi alam ko na agad yung magiging sagot niya, kahit hindi ko pa siya tanungin.
"Ayoko lang na masaktan ka kasi kaibigan kita eh, pero di naman kita mapipigilan." anito. "Kaya ngayon gusto ko lang ipaalala sayo yung mangyayari, para kahit sa ganon.... maihahanda mo yang sarili mo from the pain na mae-experience mo." paliwanag nito.
YOU ARE READING
I SECRETLY LOVE YOU
RomanceShe is a woman who does not want to fall in love first because she prefers to reach her dreams first. Until she met the man who changed her outlook on love, But she still chose to hide her feelings, even if it would hurt her. She was afraid of what...