Chapter 14

21 2 0
                                    

Yen's POV

Maaga akong pumasok ngayon kaya wala pang masiyadong tao ngayon sa school.

Si Arra naman ay sinabing pa-byahe pa lamang siya papasok kaya hihintayin ko nalang siya rito.

Umakyat muna ko papunta sa aming classroom at nakita kong nakasara pa ang pintuan nito.

Mukhang napa-aga nga ko masiyado, wala pang katao-tao rito eh at wala pa akong nakikitang kaklase ko.

Nilapag ko na lamang ang bag ko sa sahig at walang ganang umupo.

Napabuntong hininga naman ako nang maramdaman kong mag-isa lang ako.

I feel empty.

Naiisip ko pa rin yung nangyari kagabi.

Dapat handa na ako eh, kasi expected naman at obvious naman na yung sagot niya.

Pero wala eh, umaasa kasi ako.

Masakit pa rin talaga.

Hinayaan ko lamang ang aking sarili na mag isip nang mag isip hanggang sa dumating isa isa ang mga estudyante.

Nang wala akong magawa ay napagdesisyonan kong tumayo muna at maglakad-lakad.

Nakita ko rin na medyo lumiliwanag na at dumarami na ang mga estudyante, may mga iilan na rin akong kaklase na dumating ngunit wala pa rin ang may hawak ng susi ng classroom namin kaya gaya nang ginawa ko ay nilapag na lamang nila ang bag nila sa sahig atsaka umupo.

Ako naman ay bumaba muna at napagdesisyonan maglakad-lakad gaya nga nang sinabi ko kanina.

Maganda rin pala na pumasok ako ng maaga para may oras akong magawa ang mga bagay na ganito.

Ang sarap sa pakiramdaman ng hangin tuwing umaga, sariwang sariwa.

Kahit papaano kumalma ako at ang bumabagabag sa isipan ko.

Ayoko na muna siyang isipin ngayon, nakakapagod nang umiyak eh.

Susulitin ko muna tong pagkakataon na toh, yung mag-isa lang ako.

---

Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa napagtanto ko na lamang na nandito pala ko sa malawak na field ngayon.

Ang ganda ganda tingnan! Sobrang lawak!

Hindi lang ako ang tao ngayon dito dahil may ibang estudyante rin na nakikita kong nakatambay at naglalakad din dito dahil maaga pa naman.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad, inuubos ang oras bago mag-umpisa ang klase.

Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko para tingnan kung anong oras na.

May isang oras pa ako.

Wala pa rin si Arra, siguro late nanaman ang babaitang iyon.

Matapos non ay nagpatuloy lamang ulit ako sa paglalakad.

Napapikit naman ako nang biglang humangin ng malakas at wala sa sariling napangiti nang maramdaman kong dumampi ito sa mukha at balat ko.

Naglakad ako ulit habang may ngiti sa aking labi, may naiisip lang.

Kahit papaano, ang sarap din pala talaga maging mag-isa.

After kong isipin yon ay bigla naman pumasok sa isip ko na pumunta sa likod ng school kung saan ang tambayan ng mga estudyante.

Maraming puno roon at may upuan din kaya doon muna ako tatambay, tiyak na mas masusulit ko ang oras ko roon.

Matapos non ay naglakad akong muli papunta sa likod ng school.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now