Chapter 3

44 4 28
                                    

Yen's POV

"Yah! I told you bababa sya!" Napatingin kaming lahat kay ate Yna nang magsalita ito.

"Huh? Wala ka naman sinabi." sabat naman ni kuya Ryle kaya inis siyang tiningnan ng kapatid nya.

Natawa naman ako ng inirapan nya ito sabay hampas sa braso.

"Hey! You're hurting me." reklamo ni kuya Ryle sabay himas sa braso na pinalo ng kapatid nya.

"Yeah! whatever."

Sinenyasan naman kami ni Mrs. Santiago na maupo dahil kanina pa kami nakatayo, nanatili naman itong nakatayo habang katabi ang kanyang bunsong anak na ngayon ay nakatingin na kung saan.
Bumalik lang ito sa huwisyo nang tapikin ito ng kanyang ina at sinenyasang magpakilala.

Makikita mo naman ang alinlangan sa mukha nito kaya wala nang nagawa ang kanyang ina at sya nalang ang nagpakilala sa kanyang anak.

"So guys! This is my bunso, Reyniel Red Santiago. Ang pinaka gwapo at pinakamabait sa kanilang tatlo." Nakangiting pagpapakilala ni Mrs. Santiago.

Pangalan pa lang gwapo na.

Natawa naman kaming lahat sa reaksyon ng kanyang dalawang anak dahil hindi ito sang-ayon sa sinabi ng kanilang ina.

"Mom! I thought I am your favorite!" nakasimangot na sabi ni ate Yna kaya tinawanan lamang sya ng kanyang ina.

"Stop it Yna, I'm mom's favorite. Diba mom?" Hindi naman nagpahuli si kuya Ryle kaya sinamaan ito ng mukha ng kanyang kapatid.

"No! I'm the princess here so i am the favorite." Mas lalong hindi nagpatalo si ate Yna kaya sa puntong yun ay natawa na kaming lahat sa kanya.

"Tsk! Didn't you hear what mom said earlier? She clearly said that I am the kindest, it means I am her favorite. Let's add that I'm the most handsome than my brother. So stop fighting guys, right mom?" Napatingin naman kaming lahat nang magsalita ang bunsong anak ni Mrs. Santiago.

Nakangiti naman tumango si Mrs. Santiago dito kaya napangisi ito sa harap ng kanyang dalawang kapatid na mukhang nagmamalaki.

"Stop it Red! Mom just told you that you are the kindest but doesn’t mean you are the favorite. Sinabi nya lang yon para hindi ka mapahiya! Freaking spoiled brat!" Inis na sabi ni ate Yna na akala mo kinuhanan ng candy dahil sa mukha nitong hindi maipinta.

Tinawanan naman siya ulit ni kuya Ryle kaya mas lalo itong nainis, si Red naman ay nakangisi lang habang nakatingin sa ate niyang nagmamaktol.

"You two! Argh! Stop laughing it's not funny!" Sigaw ni ate Yna sa dalawa niyang kapatid na ngayon ay tawang tawa dahil hindi pa rin mawala ang inis sa mukha nito. Natawa naman kaming lahat dito dahil halata na sa mukha nito na paiyak na sya dahil sa sobrang inis.

"Yah! Stop being dramatic tsk!" Nakangising sabi ni Red na ngayon ay umupo na sa tabi ng kanyang kuya.

Bat ba ang hilig niyang ngumisi? Di nya ba alam na ang gwapo gwapo niya don. Tsk!

Teka? Anong gwapo?! Tumigil ka nga Yen ang harot mo!

Kinumbinsi ko nalang ang sarili ko na tumigil sa pag-iisip ng kung ano ano at tumingin na lang ulit sa magkakapatid na ngayon ay di pa rin matigil sa pag aaway. Kailan kaya matatapos tong mga toh? Gutom na ko.

"Spoiled brat ka naman!"

Napabalik lang ako sa huwisyo dahil narinig ko ulit ang sigaw ni ate Yna na ngayon ay masamang nakatingin sa bunsong kapatid.

"Really? Atleast hindi ako maingay kagaya mo." Sabat naman ni Red kaya nakatanggap siya nang malakas na hampas mula sa ate niya.

Narinig namin ang reklamo ni Red dahil nasaktan ito sa ginawa ng kanyang kapatid.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now