Chapter 9

45 3 20
                                    

Yen's POV

"GOODMORNING UNIVERSE!!"

Maingay na bungad ng kapatid ko na naging dahilan upang maalimpungatan ako at biglang magising.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Ano ba yan Kristelle?! Napaka ingay! Tingnan mo oh! alas sais palang ng umaga ka tapos nambubulabog kana diyan agad! Tsk!" Turo ko sa alarm clock na nasa tabi ko.

"Syempre ate! Kasi isinilang ulit ang pinaka maganda mong kapatid!" Magiliw na sagot nito.

Napasapo naman ako sa aking noo nang maalala kong birthday nga pala nito. Tsk!

Tumayo ako sa aking pagkakahiga at patalon na niyakap siya kaya sabay kaming dalawa na bumagsak sa sahig.

"Oo nga pala! Birthday ng pinaka nakakainis kong kapatid!" nakangiting saad ko habang nakayakap sa kanya. "Happy birthday kupaltid!"

"Ano ba ate! Umalis ka nga diyan sa ibabaw ko! Ang bigat mo hindi ako makahinga!" Reklamo nito dahil patuloy pa rin akong nakadagan sa kanya.

Tatawa-tawa naman akong umalis sa ibabaw nito atsaka umupo sa may tabi niya.

"Hays! Excited na'ko mamaya!" magiliw na anito habang magkadikit pa ang dalawang palad na akala mo'y humihiling.

"Tsk! Magpapa-party ka nanaman?! Parang nung nakaraang birthday mo nagpa-party ka rin ah! Matulog ka nalang, wag kanang magpa-party. Tabihan mo nalang si ate dito sa kama." Malambing na sabi ko at niyakap siya sa kanyang tagiliran.

Napasimangot naman ito. "Ayoko nga! Mas gusto ko pang magpa-party kesa tumabi sayo! Ambaho mo kaya ate!" Matapos niyang sabihin yon ay binatukan ko siya bigla sa kanyang ulo. "Aray!" reklamo nito.

"Woi Kristelle! Wag kang choosy ha! Dapat ngang matuwa ka kasi ako yung makakatabi mo. Tsk!"

"Anong nakakatuwa don?! Psh!"

"Aba! Umayos ka ha! Ate mo'ko!"

"Mas maganda naman ako sayo." Natatawang sabat nito at tumayo na sa may tabi ko. "Woi ate! Maligo kana! Anong akala mo wala tayong pasok?"

Ay oo nga pala!

"Tsk! Oo bilisan mo. Mauna kana! Birthday girl." Nakangising tugon ko at natawa naman ito.

---
Kasalukuyan kaming naglalakad ng kapatid ko papasok ng school, nang makarating na ako sa building ko ay nagpaalam na ako ditong aakyat na.

"Wait ate!" Pigil nito kaya napahinto ako bigla sa aking paglalakad at takang tumingin sa kanya.

"Oh?"

"May regalo kaba?" Nakangiting tanong nito.
"Kung meron, akin na. Bili!" At nilahad ang isa niyang palad sa aking harapan.

Napangisi naman ako nang maalala ko yung kwintas na binili ko. "Tsk! Wala." nang-aasar na sagot ko dito at nakita kong sumimangot ito.

"Ang daya mo naman! Birthday ng maganda mong kapatid tapos wala kang regalo?" nanlulumong sabi nito at nagkunwaring paiyak na.

"Tsk! Ang arte mo naman! Akala mo walang magbibigay ng maraming regalo sayo mamaya. Tsk!"

"Pero gusto ko yung sayo!"

Natawa naman ako. "Oh bakit? Ngayon naba yung party mo ha?"

"So meron nga?" Sabik na tanong nito habang masayang nakatingin sa akin.

"Tse! Bahala ka diyan!" Pagtatapos ko ng usapan.

"Sige! Basta mamaya ha!" huling sinabi nito at naglakad na papaalis.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now