Yen's POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Red, linggo ngayon at hindi ko alam kung bakit bigla akong tinawagan ni Mrs. Santiago at inimbita akong mag isa na pumunta sa bahay nila.
Tuwang tuwa naman sila mama nang malaman nila kaya agad nila akong inayusan at pinag-madali pa 'kong pumunta dito.
Ngayon na nandito na ako, agad akong lumapit sa harap ng pintuan nila atsaka bumuntong hininga at nagdadalawang isip kung pipindutin ko ba yung doorbell.
"Kaya mo toh!" sambit ko sa aking sarili.
Nang makapag-pasiya ay agad kong inangat ang isang kamay ko atsaka pinindot ng mabilis ang doorbell.
Wala pang ilang segundo nang bumukas bigla ang pintuan at bumungad sa akin si Mrs. Santiago na malawak ang ngiti.
"Hi Anak!" Masayang bati nito.
Di naman agad ako nakabawi nang bati sa kanya dahil sa sinabi nito.
"Anak? Bakit?" Sambit nito nang makitang hindi ako sumagot.
Napaayos naman ako agad nang tayo atsaka alanganin na ngumiti. "A-ah hello po Mrs. Santiago." Saad ko habang napapalunok pa.
Nakita kong napanguso ito kasabay nang pagsimangot. "Bakit ganyan ang tawag mo sa akin?"
Nang marinig ko iyon ay bigla akong natigilan at gulat na napatingin sa kanya, kinakabahan.
M-May mali ba sa sinabi ko?
"H-ho?" Kabadong ani ko. "M-may mali po ba?" Dagdag ko.
Narinig kong mahina itong natawa atsaka umiling. "Nagbibiro lang ako anak, pasok ka." yaya nito at sinenyasan akong pumasok sa loob.
Tumango naman ako habang nakangiti atsaka pumasok sa loob ng bahay nila.
Nang makapasok ako ay agad akong dinala ni Mrs. Santiago sa hapag-kainan upang kumain. Natigilan naman ako nang makita kong marami ng pagkain na nakalagay sa lamesa at naka ayos na rin ang mga platong pag-kakainan namin.
Talagang pinag-handaan nila ang pagpunta ko dito ha.
Maya-maya ay biglang sumulpot si ate Yna sa tabi namin.
Masaya naman akong binati nito kaya nakangiti ko rin siyang binati pabalik.
"Anak maupo kana" sabat sa akin ni Mrs. Santiago.
Tumango naman ako dito atsaka umupo sa may tabi ni ate Yna.
"Buti naman Yen at pumayag ka na pumunta dito." Ani ate Yna habang nakatingin sa akin.
Tumingin naman ako sa kanya atsaka tipid na ngumiti. "Ah oo naman po. Wala rin naman po akong gagawin."
"Glad to hear that." muling sambit ni Mrs. Santiago.
"A-ah bakit niyo po pala ko inimbitahan Mrs. Santiago?" Tanong ko.
Napahinga ito ng malalim. "Yen Anak. From now on, Mama na ang itatawag mo sa akin, hindi na Mrs. Santiago." Nakangiting anito at nagulat naman ako.
"Oh I love that." Nakangiti ring saad ni Ate Yna.
Di naman ako makapaniwalang tumingin sa kanila. "B-bakit po?"
"Diba ayon naman ang itatawag mo sa magulang ng taong magiging kasintahan mo." Dugtong nito.
Natigilan muli ako.
Anong ibig sabihin nila?
"Mommy you're so excited! Wala pa nga eh." Natatawang aniya ni ate Yna.
"Doon din naman ang punta non, hindi lang ako makapag hintay." Sagot naman ni Mrs. Santiago.
YOU ARE READING
I SECRETLY LOVE YOU
RomantizmShe is a woman who does not want to fall in love first because she prefers to reach her dreams first. Until she met the man who changed her outlook on love, But she still chose to hide her feelings, even if it would hurt her. She was afraid of what...