Chapter 4

44 4 16
                                    

Yen's POV

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama namin ng kapatid ko habang nagiisip. Inaalala ko kasi lahat ng nangyari kanina.

𝐅𝐋𝐀𝐒𝐇𝐁𝐀𝐂𝐊 :

"Mom and Dad I'm sorry sa mga nasabi ko kanina about kay baby bunso, I'm just really worried about Yen's feelings. I don't want her to be hurt. Magsosorry nalang rin ako kay Reyniel mamaya." sinserong sabi ni ate Yna na agad naman sinang-ayunan ng kanyang mga magulang.

"Alam nyo naman ang sitwasyon ngayon ni Reyniel, until now he still can't move on. Kahit i-deny niya pa yon ay halatang halata pa rin na mahal nya si Keanna kahit ilang buwan na ang nakalipas." Seryosong paliwanag ni ate Yna. Napabuntong hininga naman ito bago muling magsalita. "Ang sa akin lang naman, ayoko munang magmahal sya ulit ng bago sa kasalukuyan hangga't hindi nya pa rin tapos mahalin ang kanyang nakaraan." Makahulugang sabi ni ate Yna na ikinatahimik naming lahat.

𝐴𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛, 𝑎𝑦𝑜𝑘𝑜 𝑚𝑢𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑠𝑦𝑎 𝑢𝑙𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎'𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑦𝑎 𝑝𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛.

𝐴𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛, 𝑎𝑦𝑜𝑘𝑜 𝑚𝑢𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑠𝑦𝑎 𝑢𝑙𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎'𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑦𝑎 𝑝𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛.

𝐴𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛, 𝑎𝑦𝑜𝑘𝑜 𝑚𝑢𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑠𝑦𝑎 𝑢𝑙𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎'𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑦𝑎 𝑝𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛.

Ang bawat katagang iyon ay parang tumatak sa isipan ko, na kahit ano mang bagay ang isipin ko ay hinding hindi ko pa rin iyon makakalimutan.

Ibig ba nyang sabihin ayaw niya munang magmahal si Red dahil di pa ito nakakamove on sa ex nya, na kung sakaling magmahal man ito muli ay baka makasakit lang sya dahil hindi nya pa masusuklian ng buo ang pagmamahal na ibibigay sa kanya ng bago niyang nobya.

Sa kadahilanan lamang na hindi nya pa tapos mahalin ang babaeng bahagi na lamang ng nakaraan nya.

"Ayoko siyang makasakit ng ibang tao dahil lamang sa hindi nya pa kayang ibigay ang pagmamahal niya ng buo, sapagkat may natitira pa ring pagmamahal sa puso nya na galing sa nakaraan nya." Dagdag ni ate Yna na mas lalong nagpabigat sa sakit na nararamdaman ko.

Ewan ko pero ang sakit.

Masakit dahil parang mas nawalan ako ng pag asa dahil sa mga salitang narinig ko.

Parang mas pinapamukha sa akin na hinding hindi ako magugustuhan ng taong gusto ko.

Dahil mas matimbang pa rin ang nararamdaman nito sa babaeng minsan na rin niyang minahal at naging parte ng buhay nya.

"Nasaksihan ko na kung paano masaktan ang kapatid ko noon. At ayoko ng mangyari ulit sa kanya iyon ngayon, dahil hindi ko na kakayanin pang makita at pakinggan siya muling umiyak at magmaka-awa na sana mawala na ang sakit na nararamdaman nya." Seryoso ngunit emosyonal na pagkukwento ni ate Yna.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now