Yen's POV
Kanina pa kami nagtatalo dito ng kapatid ko sa kwarto, ngayon ang alis namin at sinabihan ko siyang tulungan akong mag ayos. Kaso nga lang mukhang nagkamali ako, hindi ko pa man nasusuot ang mga damit na inihanda para sakin ng kapatid ko ay tumatanggi na agad ang sarili ko.
"Ate ano ba yan! Gusto mong mag ayos diba? Edi isuot mo yan. Maganda yan lahat, mamili kalang ng gusto mo." Naiinis na sabi nya sakin sabay turo sa mga damit nya na nakakalat sa kama.
"Pano kung wala akong gusto?"
Sumama naman ang mukha nito. "Ate naman! Bahala ka nga dyan." Pagsuko niya sabay kuha ng mga damit na inilabas nya para sakin.
Akma nya na itong ibabalik sa loob ng cabinet nang pigilan ko sya. Tiningnan nya naman ako nang may nagtatanong na tingin, humugot ako ng malalim na hininga at tinitigan siya. Wala pa man akong sinasabi ay kinakabahan na ako, ayoko rin naman biguin ang kapatid ko dahil sinabihan ko nga siyang tulungan ako. Naisip ko rin ang nararamdaman nya ngayon dahil sobrang saya nya kahapon ng malaman niyang mag-aayos na ako. Wala naman mawawala kaya susubukan ko, atsaka di naman hahayaan ng kapatid ko na magmukha akong katawa tawa at hindi bumagay sakin ang mga damit na ipapasuot nya.
Kumuyom ang mga palad ko at nagpakawala ulit ako ng malalim na buntong hininga at matapang ko siyang tiningnan sa mata.
"P-payag na ko. Magsusuot na ko ng damit mo." utal utal na sabi ko. Nakita ko naman kung paano nagliwanag ang mukha nito, at wala pa mang ilang segundo ay binalik nya ulit sa kama lahat ng mga damit na inihanda nya at humarap sa akin nang nakangiti."Oh my ate!! Buti naman nagbago isip mo. Muntikan na kitang itakwil bilang kapatid kanina nung tinanggihan mo ko." sabi nya saakin habang di pa rin mawala ang kanyang pagkakangiti. Sumama naman ang mukha ko dahil sa sinabi nya, ngunit nawala doon ang atensyon ko, nabaling ito sa mga damit na nakahanda ngayon sa harapan ko.
Wala ng atrasan toh, kailangan mong magsuot ng damit na inihanda ng kapatid mo.
Pakapalan nalang ng mukha.
Pumili ako ng susuotin ko at nang makapili ako ay agad akong pumasok sa banyo para makapagbihis. Pulang bodycon dress ang napili ko. V neck ang style non, kaya nakikita onti ang dibdib ko. Manipis naman ang dalawang strap ng dress na iyon at hapit na hapit naman iyon sa bandang katawan hanggang sa palda. Nang maisuot ko na ang dress na napili ko ay napatitig ako sa malaking salamin na nasa harap ko.
Bagay sakin.
Ayon lang ang nasabi ko dahil tunay nga na bagay sakin at nagmukha akong maayos ng maisuot ko iyon. Lalong nabigyan ng korte ang katawan ko at mas nagmukhang mahaba ang mga binti ko ng maisuot ko ang dress na iyon. Hinayaan ko lang ilugay ang mahaba at tuwid kong buhok at pagtapos non ay lumabas na ako ng banyo.
Nakita ko naman na tapos na rin mag ayos ang kapatid ko at isang puting tube dress naman ang suot nya, at ang ang masasabi ko lang ay napakaganda nya sa ayos nya ngayon kaya napangiti ako. At nung makita nya naman ako ay hindi mapangalanan ang kanyang reaksyon, dahil akala mo nakakita siya ng isang diwata nung nakalabas ako.
"Hala ate! Kapatid nga kita. Ang ganda ganda mo!" Masayang sabi nya sakin sabay hila sa isang upuan na kaharap ng salamin at sinenyasan niya akong maupo doon.
Nagtataka ko siyang tiningnan at mas lalo pang kumunot ang aking noo nang bigla itong maglabas ng isang kulay pulang liptint at nilagyan ako sa pisngi at sa labi. Di ko pa nararanasan gumamit non dahil ayaw ko ng kahit anong kolorete sa mukha ko, pero dahil nalagyan na ko, ano pa bang magagawa ko? Hindi naman ganon kakapal ang pagkakalagay niya sa mukha ko, sakto lang iyon para magmukha akong presentable sa harap ng maraming tao. Pagkatapos non ay binigyan nya ako ng dalawang pares ng sapatos na may takong, katamtaman lang ang taas ng takong ng sapatos na iyon kaya nasisiguro kong makakapaglakad pa rin ako ng maayos kahit ganon sapatos ang suot ko.
YOU ARE READING
I SECRETLY LOVE YOU
RomansaShe is a woman who does not want to fall in love first because she prefers to reach her dreams first. Until she met the man who changed her outlook on love, But she still chose to hide her feelings, even if it would hurt her. She was afraid of what...