Yen's POV
"ARRA!" malakas na sigaw ko habang patakbong lumalapit sa kanya.
Lumingon naman ito at agad na sumimangot ng makita ako. "Hoy gaga! Ang tagal mo."
"Tsk! Kaya nga tumatakbo na ko eh, kasi nga late na."
"Eh bat kasi ngayon kalang?"
"Basta. Tara na nga! Baka lalo pa tayong ma-late kapag nagdaldalan pa tayo dito."
Hinawakan ko ang kamay nito atsaka siya patakbong hinila paakyat ng room.
Kailangan namin magmadali dahil mapeh ang subject namin ngayon at bawal na bawal kaming ma-late.
Terror pa naman ang prof namin don.
Nang makarating kami ay agad na sumalubong sa amin ang mataray na itsura ng professor namin.
Agad naman kaming bumati rito at humingi ng paumanhin dahil sa pagkaka-late.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa nyo?! Tingin nyo ba natutuwa akong late kayo?! at basta basta ko nalang kayo papapasukin sa klase ko dahil sa mga walang kwentang rason niyo!" Galit na sigaw nito sa amin. "Malinaw ko nang sinabi na ayokong may nale-late sa klase ko. Labas!"
Wala naman kaming nagawa ni Arra kundi lumabas at maghintay nalang sa tapat ng room hanggang sa matapos ang mapeh subject.
Narinig kong napabuntong hininga si Arra kaya dali-dali akong tumingin sa kanya.
Agad naman akong nakonsensya nang makita ko ang lungkot sa mukha nito. Ako kasi ang dahilan ng pagkalate niya eh, kung di niya sana ako hinintay edi sana hindi siya late ngayon. "Woi sorry ah! Dahil sa akin na late kapa. Sa susunod wag mo na akong hintayin kapag alam mong malelate k-
"Shh! Gaga hindi ganon yon. Okay lang sa akin na ma-late ako ng ilang beses noh! Kasama naman kita eh. Hehe!"
Napangiti naman ako dito.
Kahit kailan talaga napaka-maintindihin nito.
"Kaso nga lang after nito, di pa tapos yung kalbaryo natin. For sure, may papagawa sa atin yan dahil late tayo." Mahihimigan mo naman ang pang-hihinayang sa boses nito.
"Pagtulungan nalang natin. Late kasi tayo kaya deserve." Natatawang saad ko dito.
Nakitawa naman ito. "Tama! Deserve."
Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan nang biglang lumabas na ang prof namin kaya agad kaming sumeryoso at umayos nang tayo.
"Nagagawa niyo pang magtawanan at magkwentuhan sa kabila nang ginawa niyo ha. Sumunod kayo sakin!" mataray na utos nito.
Nahiya naman kami don at agad na sumunod sa kanya habang nakatungo.
Agad ko naman nilibot ang paningin ko sa nilalakaran namin at napagtanto ko nalang na papunta kami ngayon sa teacher's faculty.
Nang makarating kami ay agad kaming niyaya ng prof namin sa loob at nang makapasok ay agad kaming umupo sa sofa na nasa harap ng kanyang table.
"Dahil late kayo may ipapagawa ako sa inyo." Kalmadong anito.
Tumango naman kami at naghintay sa mga susunod pang sasabihin nito.
"Hmm.. nagplano ang school na magkaroon ng competition at kailangan ng dalawang representative kada section. At mukhang good timing naman ang pagka-late niyo dahil kayo na ang napili ko."
"Ah ano po ba yon?" Takang tanong namin ni Arra.
"Well.. sasayaw kayo." sagot nito at umawang naman ang mga labi namin dahil doon.

YOU ARE READING
I SECRETLY LOVE YOU
RomanceShe is a woman who does not want to fall in love first because she prefers to reach her dreams first. Until she met the man who changed her outlook on love, But she still chose to hide her feelings, even if it would hurt her. She was afraid of what...