Yen's POV
Matamlay akong umuwi ng bahay at pagkapasok ko ay bumungad sa akin si mama na nanonood ng tv.
Mukha naman napansin nito ang kalagayan ko kaya agad itong lumapit sa akin.
"Anak ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nito.
"Opo ma. Pagod lang ho sa school." Pagsisinungaling ko.
Nag-aalangan naman itong tumango ngunit pinilit pa rin ngumiti. "Ganon ba? Anong gusto mong pagkain? Ipagluluto kita."
Tipid naman akong ngumiti at umiling. "Hindi na po mama. Wala po akong gana, matutulog nalang muna po ako sa taas."
"Sigurado ka?" Tanong nito.
Tumango ako. "Opo ma."
Nag-aalala man ay tumango pa rin ito at binigyan ako nang pilit na ngiti.
Umakyat naman ako papuntang kwarto at binagsak nalang bigla sa kama ang sarili ko.
Hinayaan kong ipikit ang mga mata ko dahil ramdam ko ang pagod nito.
Bakit ganon?
Nasasaktan ako pero ikaw pa rin..
ikaw pa rin ang gusto ko.
Ganito ba talaga kita kagusto?
Na kahit nasaktan mo man ako, ikaw pa rin.. ikaw pa rin Reyniel.
Oh baka dahil di nalang kita basta gusto..
Naramdaman ko na biglang uminit ang gilid ng mga mata ko kasabay non ang pagsikip ng dibdib ko.
Lalo itong bumigat dahil unti-unti kong naiintindihan ang nangyayari sa akin.
Baka siguro kaya ako ganito kasi di nalang kita basta gusto..
Na kahit nasaktan mo man ako, ikaw pa rin..
Ikaw pa rin Red.
"Mahal kita." Naiiyak ngunit sinserong bigkas ko. "Mahal na kita.. Red"
Wala na akong nagawa nang tuluyan nang kumawala ang mga luha sa mga mata ko.
Umiiyak na naman ako.
Pasikip nang pasikip ang dibdib ko dahil pasakit nang pasakit ang nararamdaman ko.
Sobrang hirap ng ganito.
Buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman toh.
Wala sa isip ko non na iiyak ako dahil sa isang lalaki.
Palagi kong nasa isip ang pamilya ko
Lagi kong sinasabi sa sarili ko na wala pa sa isip ko ang pag-ibig dahil sila mama muna ang uunahin ko.
Pero lahat ng iyon nagbago..
Magmula nung nakilala ko siya..
Si Red.
Si Red na biglang pinatibok ang puso ko at gugustuhin ko nalang bigla sa hindi inaasahang paraan.. na ngayon ay mahal ko na sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Lalo akong napaiyak sa naisip kong iyon.
Ang tagal ko rin nagsisinungaling sa sarili ko.
Totoo naman ako sa sinabi kong uunahin ko muna ang pamilya ko bago ang pag-ibig dahil mas mahalaga sa akin ang pamilya ko.
Ngunit ang isa pang totoo.. natatakot din talaga ko.
Na baka pag nagmahal ako ay masaktan ako at hindi ko kayanin.
Kilala ko ang sarili ko. Takot ako.
Takot akong magmahal.
Dahil takot akong masaktan.
Pakiramdam ko hindi ko kaya.. hindi.. hindi ko talaga kaya.
Ngayon pa nga lang na nangyayari sa akin hindi ko na alam ang gagawin ko eh.
Pakiramdam ko masisiraan ako ng ulo.
Paano pa kaya kapag mas lumala na? Baka di ko kayanin.
Grabe! Ayoko na.
Grabe pala ang pagmamahal.
Di ko aakalain na aabot ako sa ganito.
Tama nga si Kristelle, kinain ko lang mga sinabi ko.
Eh di ko naman ginusto toh eh! Malay ko ba na mangyayari toh.
Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod.
Nang maramdaman kong wala na akong luhang mailalabas ay agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at humarap sa salamin.
Kitang kita ang pagbagsak ng katawan ko at ang pamamaga ng mga mata ko.
Masyado akong apektado.
Muli ko na naman naramdaman ang pag iinit ng mga mata ko kaya nainis ako.
"Ano ba Yenelle! Ano iiyak ka nalang ba palagi ha? Wala ka bang pahinga?" Pagsesermon ko sa sarili ko dahil ramdam kong iiyak na naman ako. "Tama na please... pagod kana eh.. tama na." Pagmamakaawa ko.
Ngunit nabigo ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak kaya ito ako ngayon, naiyak sa harap naman ng salamin.
"Ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal. Binuhay mo ang nananahimik kong puso. Pinaramdam mo saakin ang mga pakiramdaman na ngayon ko lang naramdaman at di ko inaasahang mararamdaman ko. Ikaw ang nagpakilala sa akin ng pagmamahal Red." Saad ko at pinunasan muna ang isang butil ng luha na tumulo sa mata ko. "Pero... di ko naman inaasahan na sa kabila ng mga iyon... ikaw din pala ang magiging dahilan ng pagkakaroon ko ng takot sa pag-ibig." Walang emosyong dagdag ko.
Matapos kong sabihin yon sa sarili ko ay muli akong bumalik sa kama at naupo.
Hinayaan ko lamang lunurin ang sarili ko sa pag-iisip nang kung ano-ano.
Pagod na ko.
Ang sakit sakit
YOU ARE READING
I SECRETLY LOVE YOU
RomanceShe is a woman who does not want to fall in love first because she prefers to reach her dreams first. Until she met the man who changed her outlook on love, But she still chose to hide her feelings, even if it would hurt her. She was afraid of what...