Chapter 5

48 3 26
                                    

Yen's POV

After 1 week...

"Yen! Stelle! Bumaba na kayo at kumain, baka malate kayo sa school." Sigaw ni mama.

Ngayon ang unang araw ng aming pasukan. Pang umaga kaming dalawa ng kapatid ko pero magkaiba kami ng building dahil nga senior high siya, samantalang ako ay college na.

Pero pwede pa rin naman kami magkita dahil ilang dipa lang naman ang lalakarin mo bago ka makarating sa building ng mga senior high.

"Marami kayang gwapo sa school natin ate?" Nakangiting tanong ng kapatid ko.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Woi Kristelle Megan! tigil tigilan mo yang kaharutan mo ah." Inis na sabi ko dito.

Tumawa lamang ito at pinagpatuloy nalang ang kanyang pagkain.

Naupo naman sa tabi ko si mama upang saluhan kami ng kapatid ko kumain.

Ngumiti muna ito saamin bago sya magsalita. "Oh mga anak! Unang araw niyo ha? Kaya ayusin niyo ang pag aaral niyo. Don't pressure yourself. basta mag aral kayo ng mabuti, pero wag kalimutan mag enjoy. Okay?" Pagpapa-alala nito saamin.

Ngumiti naman kami dito at tumango bilang tugon. Ito ang gusto namin kay mama, yung hindi niya kami pine-pressure sa mga bagay na gusto at ginagawa namin.

Hinahayaan niya kami i-enjoy o gawin ang mga gusto namin basta masaya kami, ngunit di naman siya nagkulang nang paalala sa amin na dapat alamin lang namin kung hanggang saan lang dapat kami.

Siya rin ang gumagabay saamin sa mga bagay na hindi pa namin lubos na naiintindihan, ngunit hinahayaan niya lamang kami dahil malaki ang tiwala niya saamin.

We're so blessed to have a mother like her.

Nang matapos ang usapin na yon ay pinagpatuloy na namin ang aming pagkain. At ng matapos ay agad na kaming nag-ayos at nag-paalam na papasok na.

Nasa kalagitnaan kami nang paghihintay ng masasakyan nang bigla akong kausapin ng kapatid ko.

"Ate" Pagtawag nito.

Tiningnan ko naman ito. "Oh bakit?"

"Makipag-kaibigan ka ha. Wag ka naman magmaldita diyan at mang snob ng mga kaklase mo kagaya noon." pagpapaalala nito.
"Kaya wala kang kaibigan eh." pabulong na sabi nito ngunit narinig ko.

"Tsk! Aanhin ko naman ang kaibigan kung puro plastik at masama ang ugali lang naman ang makikilala ko." Mataray na sabi ko dito.

Hinampas naman ako nito sa braso. "Woi ate! hindi lahat masama ugali ah! Meron din naman mga mababait kaya doon ka nalang sumama." sabi nito. "Atsaka grabe ka makapag salita jan na puro plastik at masama ang ugali, eh masama rin naman yang ugali mo." Nakasimangot na sabi nito.

Inirapan ko naman ito dahil nainis ako sa mga sinabi nito. Ngunit agad din naman kami natigil sa pagtatalo nang may dumating na dyip kaya agad kaming sumakay.

Pagkababa namin ay agad kaming namangha sa laki ng school na aming papasukan.

Sa sobrang excited ay agad kaming pumasok sa malaking gate, at nang makapasok kami ay agad na tumambad saamin ang malawak na field. Sa kanang bahagi non ay ang mga malalaking building ng mga college students at sa kaliwang bahagi naman ang sa senior high.

Naglakad lakad kami ng kapatid ko hanggang sa matunton namin ang library. At sa tabi ng library na iyon ay ang isang malaking gymnasium. Sa ibang bahagi naman nito ay ang isang building na sa tingin ko ay para sa teachers faculty, guidance at dean's office. Sa tabi naman non ay ang malaking court at kasunod non ay isang building ulit na sa tingin ko ay para sa science at computer lab. Ngunit ang mas naka-agaw ng pansin ko ay ang isang malaking canteen. At sa tabi ng canteen na iyon ay ang clinic.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now