Yen's POV
"Blooming si ate oh" Natawa ako sa sinabi ni Arra.
"Anong sikreto?" Dagdag nito.
"Mahalin ka pabalik ng taong mahal mo." Nakangiting ani ko kaya natigilan ito.
"Huh? What do you mean?" Tanong nito na ikinatawa ko.
Nandito kami ngayon sa court dahil may training kami ng volleyball.
Kung hindi niyo tatanungin ay magaling mag volleyball si Arra, ako naman ay marunong. Wala akong nagawa nang pilitin niya kong pasalihin dito. Tsk!
"Hoy anong ibig mong sabihin Lene?!" Pangungulit nito.
Natawa naman ako dahil hindi ko pa rin sinasabi sa kanya na boyfriend ko na si Red.
Kila mama at sa kapatid ko palang nasabi. Di ko pa nga inaasahan na magtatatalon sila sa tuwa at willing pang magpa-fiesta dahil nagka-boyfriend na raw ako.
Ngayon si Arra naman.
"Yenelle anong ibig mong sabihi-
"Boyfriend ko na si Red." Pag-amin ko.
Natutop naman ito sa kinatatayuan niya at gulat na gulat na tumingin sa akin.
"T-teka huh?" Muli akong natawa ako sa ekspresyon nito.
"Umamin siya sa akin kagabi. Nag-aminan na kami. And yes, kami na."
Di ko naman inaasahan na sisigaw ito kaya pinagtinginan kami ng mga tao rito sa court.
Nahiya naman ako kaya hinampas ko siya nang malakas.
"Punyeta ka ang ingay mo!" Inis na saad ko rito.
Napahawak naman ito sa bibig niya dahil na-realize niya ang ginawa niya. "Sorry! Nabigla ako eh!" Depensa nito. "Pero oh my fucking gosh! Grabe Yenelle! Naabot mo na pangarap mo!"
Napangiti naman ako.
Totoo nga. Pangarap ko lang noon, nasa akin na ngayon.
Ang sarap sa pakiramdam.
"Anong feeling? Anong nangyari? Anong sabi niya? Kwento mo sa akin dali!" Sunod-sunod na tanong niya.
Napasapo naman ako sa aking noo kaya natawa siya pero kwinento ko rin naman mula umpisa hanggang dulo.
Nang matapos ay hindi ako nakaligtas sa mga pananakit nito dahil sa kilig. Ngunit wala akong nagawa kundi tanggapin dahil nakakakilig naman talaga.
Grabe Red di pa rin ako makapaniwala.
"Gagi! Reyniel Red Santiago na kinababaliwan ng lahat ng estudyante rito sa school ay boyfriend na ngayon ng kaibigan ko na si Yenelle Lene Samora!" Di pa rin makapaniwalang anito.
Natawa naman ako.
"Well, look who's here girls." Isang tinig galing sa babaeng di ko gusto.
"Ano na naman Shaitana?" Mataray na salubong ni Arra.
"Mukhang masaya kayo ah... let me guess? Pinagmumukha niyo na naman tanga ang mga sarili niyo noh?" Pang-iinsulto nito kaya natawa ang dalawa niyang kaibigan.
Napangisi naman ako. "Uh hindi. Nandito kami kasi may training kami ng volleyball. Kayo ba?"
Kita kong nagtaka ito ngunit di niya pinahalata bagkus ay nakakaloko pa itong ngumiti.
"Is that so? Well, panonoorin nalang namin kayo. Masaya kasi kami kapag nakikita kayong napapahiya. It satisfies us you know?"
"Oh? Bakit naman kami tutulad sayo na palaging pinapahiya ang sarili niya kasi feeling cool at savage siya? Atsaka take note ha? Kahit nga wala ka pang gawin.. nakakahiya ka na." Nakangising ani ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.
YOU ARE READING
I SECRETLY LOVE YOU
RomanceShe is a woman who does not want to fall in love first because she prefers to reach her dreams first. Until she met the man who changed her outlook on love, But she still chose to hide her feelings, even if it would hurt her. She was afraid of what...