Yen's POV
Naglalakad kaming dalawa ngayon ng kapatid ko papasok ng school. Sanay ako na lagi kaming magkasabay pumasok ngunit nakakapanibago ang katahimikan nito ngayon.
"Woi okay kalang?" tanong ko dito at nakangiti naman itong tumingin saakin.
"Nako! Oo naman ate." nakangiting saad nito.
Nanatili lang akong nakatitig dito at inaalam kung nagsasabi ba sya ng totoo. Nang makita niyang hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya ay napabuntong hininga na lamang ito.
"Okay fine ate! Alam ko kasing apektado ka pa rin sa nangyari sainyo sa canteen kahapon. So para naman less stress ka... at hindi kana masyadong malungkot. Magpapakabait muna ko sayo." anito habang tipid na nakangiti.
Natawa naman ako ng mahina sa sinabi nito dahil ngayon niya lang naisipan na gawin yan. Noon kasi kahit naiyak ako, hindi pa rin siya natigil sa kakaasar saakin. Pero ngayon, siya pa mismo ang nagkusang nagpakabait. Well... kakaibang away kasi yung naencounter ko ngayon. Tsk!
Nang makarating na ako sa building ko ay agad na akong nagpaalam dito upang umakyat. Nginitian naman ako nito atsaka tumango bago umalis.
---
Nandito ako ngayon naglalakad sa may corridor papasok sa aming classroom.Nakatungo lang ako habang naglalakad ngunit agad ding nag-angat ng tingin nang makita kong may tatlong lalaking nakaharang sa pinto.
Bigla naman akong natigilan nang makita kong sila Red at ang mga kaibigan niya ang mga nakaharang sa pinto.
Nang makita kong tumingin ito sa akin ay agad akong nag iwas ng tingin atsaka tumungo upang wag silang mapansin.
Nakita kong gusto akong kausapin ni Red ngunit agad din itong natigilan nang lagpasan ko lamang siya at nagpatuloy na pumasok sa aming classroom nang hindi sya pinapansin.
"Ayaw kang pansinin pre, bawi ka nalang next time." rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan nya.
Napabuntong hininga naman ako at matamlay na umupo sa tabi ni Arra na ngayon ay malungkot din na nakatingin sa akin.
Binigyan ko lamang ito ng isang tipid na ngiti atsaka dahan-dahan tumingin sa labas kung saan nakatayo sila Red.
Nakita ko itong nakatitig sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin, nakita ko naman sa gilid ng mata ko na napabuntong hininga ito atsaka niyaya ang mga kaibigan niyang umalis.
Matapos non ay umayos na kaming lahat dahil dumating na ang aming prof at nagsimula na itong magturo.
---
"Shaitana Correen Policarpio, 19 yrs old. Anak ng Dean natin dito sa school." Pagpapakilala ni Arra doon sa babaeng naka-away namin sa canteen. "Psh! Kaya pala matapang, may kapit." nakangising tugon nito habang nakatingin sa akin.Nandito ulit kaming dalawa ngayon sa may likod ng school kung saan natambay ang mga estudyante twing free time nila. Niyaya ko ulit dito si Arra para naman makapag isip-isip at gumaan ang pakiramdam namin kahit papaano.
"Chismosa ka noh! By the way, saan mo nakuha yan?" natatawang aniya ko dito.
Tiningnan naman ako nito ng masama. "Hoy anong chismosa? Atsaka hindi lang ako ha! Ikaw rin! Tingnan mo nga, nagtatanong ka kung kanino galing yon. Edi chismosa ka nga rin!" asar na anito.
Inirapan ko na lamang ito. "Oh kanino nga?"
"Doon sa mga babae. Narinig kong naguusap usap sila about don sa Shaitana na yon, kaya nakinig ak-
"Oh certified chismosa nga!" Natatawang ani ko dito kaya hindi na ito nakapagsalita.
Inirapan na lamang ako nito ngunit mas lalo ko lang siyang tinawanan.
YOU ARE READING
I SECRETLY LOVE YOU
RomanceShe is a woman who does not want to fall in love first because she prefers to reach her dreams first. Until she met the man who changed her outlook on love, But she still chose to hide her feelings, even if it would hurt her. She was afraid of what...