Chapter 19

24 1 0
                                    

Yen's POV

"La la la la la"

Kanina pa ko naghihintay dito sa tapat ng classroom nila Red. Oo, nauna ako dahil gusto ko siyang hatiran ng almusal sa classroom nila.

Wala, ayoko lang na magugutom siya.

Ang kaso mo, ang lalaking yon ay ang tagal dumating. Napuyat ata kagabi dahil nag video call kami hanggang madaling araw!

Mukhang mala-late pa ata.

Kung ganon, mamayang breaktime ko nalang siguro toh ibibigay.

"BOSS YENELLE!"

"Ian?" Takang tanong ko nang lingunin ang tumawag saakin.

"Uy! Aga ah! Ano ganap natin? Bakit ka nandito?" Sunod-sunod na tanong niya saakin.

Napailing naman ako sa kadaldalan nito.

"Kay Red ba yan?" Tumango ako.

"Nako! Iyan jowa mo puyat yan, pati kami pinuyat." Saad nito kaya nagtaka ako. "Paano ba naman, diba nag-video call kayo kagabi? Kwinento niya saamin yon ni Nielle mula simula hanggang matapos kaya inumaga na rin kami. Proud and loud si kuya ko." Natatawang anito.

Napasapo ako sa aking noo. "Ang lalaking yon talaga." Saad ko habang napapailing ngunit natatawa rin.

Maya-maya ay nagpaalam na rin ako kay Ian dahil baka ma-late ako sa klase ko. Mamaya ko nalang ibibigay tong pagkain na ginawa ko kay Red kapag breaktime na.

---

"Grabe wala pa rin nagbago. Sikat na sikat pa rin sila Reyniel sa school na toh hays." Nababagot na ani Ara.

Ngumisi naman ako. "Syempre, ang boyfriend ko pa ba?"

Napasinghap ito. "ANG YABANG????"

Natawa ako sa naging reaction nito.

Maya-maya nakarinig na ako ng mga sigawan.

Andyan na ang boyfriend ko.

"Hi girls. Sorry, taken na tong isa kaya distansya kung ayaw niyo isakay sa ambulansiya." Tinig iyon ni Danielle.

Narinig ko ang mga dismayadong boses ng mga babaeng estudyante rito sa canteen dahil sa sinabi ni Danielle. Naiintindihan ko naman sila dahil si Reyniel na yon oh.

Pero hindi ko kailangan kabahan o mag-alala

Ako kasi ang dahilan kung bakit taken na si Red. Hihi..

Narinig ko ang tawa ni Khian kaya napabalik ako sa aking ulirat.

Dahan-dahan naman ako lumingon sa pwesto kung nasaan sila Red at nang makita ko ito, automatic akong ngumiti.

"Lovie" Pagtawag ko sabay angat ng baon na ginawa ko para sa kanya.

Nang makita niya ang hawak ko ay malawak itong ngumiti at dahan-dahan naglakad papunta sa akin.

Sinalubong ko naman siya ng isang matamis na ngiti.

"You made this?" I nodded.

"Then I want to eat this with you." Saad nito.

Tumango naman ako. "Tara upo na tayo-

"No. Only with you." Sabat nito.

Nagtaka naman ako. "Huh?"

Hindi ito nagsalita at basta-basta nalang hinila ang kamay ko. Narinig ko ang mga nagrereklamong boses ng mga kaibigan namin ngunit hindi ito pinansin ni Red. Nagtuloy-tuloy lang kaming naglakad hanggang nakarating kami sa kotse niya.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now