Chapter 17

17 1 0
                                    

Yen's POV

Kanina pa ako wala sa sarili dahil iniisip ko pa rin yung nakita na sulat ni Stelle sa bag ko.

Pupunta ba ko?

Nagdadalawang isip ako kasi what if pina-prank lang ako?

Kasi uto uto ako?

Charot.

Pero di ako mapanatag.

Parang may nagsasabi sa akin na pumunta ako kasi may kailangan akong malaman.

Pero may parte rin sa akin na nagsasabi na wag akong pumunta dahil hindi pa ko handa

Kasi nasasaktan pa rin ako.

Lalo't alam ko kung sino yung taong nagbigay sa akin ng sulat na iyon.

Wala naman ibang nakakaalam bukod sa akin, kapatid ko, Arra, at si... Red tungkol sa paboritong lugar ko.

Imposible naman na si Arra ang magbibigay non dahil pwede niya naman sabihin sa akin ng diretso kung gusto niyang pumunta kami sa favorite place ko.

Si Stelle naman, di niya rin alam kung sino nagbigay non.

Kaya isa nalang talaga ang kilala ko.

Walang iba,

Siya pa rin talaga.

I mean, siya. Si Red nalang.

Napabuntong hininga naman ako sa di malaman ang gagawin.

Maya-maya ay dumating na ang prof namin kaya inalis ko sa utak ko lahat nang iniisip ko.

Hindi ko muna papahirapan ang sarili ko kakaisip.

Nababaliw ako eh.

Ano naman kung hindi ako pumunta? May mawawala ba?

Atsaka malinaw naman na saakin lahat nang narinig ko kay Red.

Ano pa bang gusto niya?

Napailing na lamang ako at pilit inalis lahat ng nasa isip ko.

Tinuon ko na lang sa prof namin ang sarili ko at nakinig na lamang hanggang matapos ang klase.

---

Andito ako ngayon, dinuduyan ang sarili ko habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi ngayon sa balat ko.

Oo, pumunta ako.

Hindi pa ko handa pero may humahatak talaga sa akin na pumunta ako rito.

Di ko namalayan na rito pala ako dinala ng mga paa ko.

Wala naman akong nagawa dahil andito na ako.

Umupo na lang ako sa duyan at hinihintay nalang kung anong mangyayari.

Gabi na at kanina pa ko rito. Napabuga naman ako ng hangin dahil nakaramdam ako ng panghihinayang.

Sabi na eh, maling pumunta ako rito.

Ang uto-uto ko talaga.

Wala naman dumating pero andito pa rin ako matiyagang naghihintay.

Pinahiya ko lamang ang sarili ko.

Nang sa tingin ko ay sobra na, tumayo na ako at sinuot ang bag ko. Naghahanda nang umalis.

Tiningnan ko pa muna ang paborito kong lugar, umaasa na sa huling pagkakataon ay may darating.

Pero wala.

Nanlulumo akong tumungo at napabuntong hininga.

Naiiyak na naman ako.

I SECRETLY LOVE YOUWhere stories live. Discover now