Yen's POV
"Oy totoo ba? Andito na ulit siya?"
"Oo. Nagulat nga ko at bigla siyang bumalik. Bakit kaya?"
"Baka gusto niya nang makipag-balikan?"
"Omg! Baka nga! Gusto ko na ulit sila makitang magkasama. Napaka sweet pa naman nila nung sila pa."
"Ako rin!"
Ilan lang yan sa mga usapang naririnig ko ngayon habang naglalakad ako sa corridor papasok ng classroom.
"Sinong babalik?" Takang tanong ko sa aking sarili.
"Yenelle!"
Nagulantang ako sa kinatatayuan ko nang narinig ko ang malakas na sigaw ni Arra sa aking likuran.
Inis ko siyang nilingon at sinimangutan.
"Bakit?" Nakasimangot na tanong ko dito.
"Hoy! Wag ka muna sumimangot diyan." Hinihingal na sagot nito dahil sa pagtakbo niya papunta dito sa pwesto ko kanina.
"Ang lakas kasi ng boses mo para kang tanga." ani ko.
"Eh kasi nga nagmamadali akong makita ka." Depensa niya.
Inirapan ko lamang siya. "Oh bakit nga?"
"So wala ka pang alam?"
Kumunot ang aking noo. "Saan?"
Nagulat ako nang bigla itong napapikit at napasapo sa kanyang noo.
"So wala pa nga?!" Nagugulat na tanong nito.
Sumama naman ang mukha ko. "Magtatanong ba ako kung alam ko? Mag isip ka nga."
"Sorry ha! Nape-pressure lang kasi ako noh!"
"Eh oh bakit nga?"
"She's back."
"Who?" Naguguluhang tanong ko. "Teka nga, sino nga ba yang nagbalik at ganyan mga reaksyon nyo."
Napalunok naman ito. "Nagbalik na siya."
Inikot ko ang mga mata ko. "Isa pang sabi mo nang nagbalik na siya, hahambalusin kita. Putcha! sino nga?" Inis na talagang saad ko.
"Si Keanna."
Parang huminto ang paligid ko nang marinig ko ang mga katagang iyon.
N-nagbalik na siya?
Bakit?
Anong dahilan?
"H-huh? Bakit? Bakit siya bumalik?" Nalilitong tanong ko.
"Ewan ko. Basta ang sabi nila, dito na daw siya ulit mag aaral hanggang matapos ang buong school year." paliwanag nito.
Nagdulot naman iyong ng kaba sa dibdib ko.
Bumalik siya.
Ibig sabihin magkikita na ulit sila,
At magkakasama.
"Huy okay kalang?"
Napabalik ako sa aking ulirat nang magsalita si Arra.
"A-ah oo. May iniisip lang. Tara na, pasok na tayo." pang-yayaya ko dito.
Napabuntong hininga muna ito bago tumango. "Wag ka mag isip nang kung ano-ano. Tiwala lang." Habol na saad nito at tinanguan ko lamang siya.
Naglakbay naman muli ang isipan ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng room dahil sa mga narinig ko kanina.

YOU ARE READING
I SECRETLY LOVE YOU
RomanceShe is a woman who does not want to fall in love first because she prefers to reach her dreams first. Until she met the man who changed her outlook on love, But she still chose to hide her feelings, even if it would hurt her. She was afraid of what...