Chapter 17

2.1K 30 3
                                    

Kiefer's P.O.V

Sa lahat ng taong makikita ko ngayon, bakit sya pa? And bakit nya ko niyakap?

Di ko alam gagawin ko pero ang alam ko naiinis ako at nagpakita sya ulit sakin. Para ma clear ito, ang pinaguusapan ko is yung yumakap sakin kani kanina lamang. And babae sya.

She's Alexine. My first girlfriend.

(A/N: Pure fanfic toh guys ok? So made up ko lang yung name ng girl dito sa story ko)

Yep. We broke up like almost 4 yrs ago. Sya ang bumitaw noon. And syempre first ko sya kaya masakit. Pero naka move on na ko. tagal na.

But the real question is, bakit sya andito?

Alexine: Kiefer! Ano ba kanina pa ko nagsasalita dito.

Tignan mo tong babaeng toh. nakakairita promise.

"Sorry Alexine. ano ginagawa mo dito?" I said it in a cold way.

"Hmm.. Wala lang. Di mo ba ko kakamustahin or what?" Itong babaeng toh demanding pa! Konti na lang mapapalipad ko toh palabas ng jamba juice. Joke. Good boy ako.

"Ah ok. kamusta?"

"Ok lang haha na miss kita kief!" And she hugged me again. Ano ba toh.

"Yeah. Sige Alexine balik na ko dun. Duty pa ko eh." Tumalikod na ko sakanya pero 3 steps pa lang eh hinila na nya ko.

"Ano nanaman?" Konti na lang talaga masasapak ko na toh kahit babae toh. Ka high blood grabe.

"Please kief wag ka na masyadong formal. Just call me Alex. Katulad ng tawag mo sakin dati."

"Ok fine ALEX. Pwede na ko bumalik dun?" Diniinan ko yung 'alex' kasi nababanas na ko.

"Kief, favor?"

"What is it this time?" Mahinahon kong tanong sakanya. Syempre mabait pa rin naman ako kahit papaano.

"Can we hangout later after ng duty mo dito? Catch up lang. Pwede?" She said with a smile.

"Sige." And i returned to the counter.

•••

Mika's P.O.V

Kakatapos lang ng training namin. and umupo muna ako bago magshower. I opened my phone and scrolled. Chineck ko rin if may text si kiefer pero wala.

I decided to check my twitter acc. Then I saw a picture of him. Duty pala sya sa jamba juice ngayon. Kaya pala di nagtetext.

"Ehem. Wag masyadong magsepanx dyan." Ito talaga si kim kung ano ano sinasabi.

"Panira ka talaga kimpoi!"

"So tama nga sinabi ni kim? Sepanx nga?" Singit naman ni ara.

"Ewan ko sainyong dalawa. Magshower na nga tayo." Kinuha ko na gamit ko and sabay na kaming tatlo pumunta sa shower room.

"Di pa nagtetext noh?" Sabi ni ara sakin. Medyo nauuna kasi si kim.

"Naka duty sa jamba juice." Sagot ko.

"Ah walang date mamaya?"

"Dami mong tanong. Haha! Pero wala ata. Di nagaaya ngayon eh." Nagpout ako.

"Nako! Baka may iba na mikang!" Jeske lerd narinig pala ni kim.

"Subukan lang nya." Pagtataray kong sabi.

"BOOM POSSESIVE!" Sabay na sabi nung dalawa. Paguuntugin ko silang dalawa makita nila. Joke wag maging brutal mika. Sayang ganda mo.

"Tara na nga bilisan nyo bumabagal tayo kasi ang daldal nyo." Nauna na ko sakanilang dalawa and umiling iling na lang sila at tumawa. Hay kahit may sayad mga kaibigan kong toh, mahal ko pa rin mga yan.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon