Chapter 27

1.2K 32 0
                                    

Fast forward na tayo ah? Alam niyo naman kung sino nanalo nung s77 eh hehe.

Mika's P.O.V.

We lost the crown again. Saan ba ko nagkulang? Bakit ganun? Ginawa naman namin lahat ah. I'm blaming myself right now. Nakakahiya nga kay Coach eh. Parang pinaasa ko lang sya na magiging maganda performance namin sa larong toh eh ako nga unang bumbagsak dun eh. Ako yung di focused. Naiinis ako sa sarili ko.

"Girls, wag na kayong malungkot I know you did your best." Sabi ni Coach pag pasok namin sa dugout.

"Oo nga. Girls cheer up! Atleast lumaban tayo hanggang huli. Kahit wala kami ni Camille." Ara said comforting us.

Tahimik lang talaga ako dito. Not saying anyword. Nakatingin lang ako sa sahig.

I can still remember her face when the sea of blue was cheering after that last point. Ngiting tagumpay siya. Ano ba kailangan niya sakin?

"Mag shower na kayo dahil may team dinner tayo." Lumabas na si Coach and isa isa ng nagsi pasukan sa shower room.

"Uy." Sabi ni Ara sabay sundot sa tagiliran ko. Tinignan ko lang siya.

"Sorry." Was all I can say.

"Hindi mo kasalanan ano ka ba. Wag ka ngang madrama dyan." Pilit niyang pinapagaan yung nararamdaman ko. Buti na lang andyan si Ara na makakaintindi sakin.

"Alam mo, look at the bright side. Magkikita na ulit kayo ni Kiefer. Masasabi mo na yung sa Ex niya. Maayos mo na yan. Kaya magsmile ka na dyan. Tignan mo papanget ka di ka nakasmile eh." Binatukan ko naman siya.

"Gaga." I smirked and she laughed.

"Ito naman pinapatawa ka lang eh. Hahaha." Ganyan talaga si Ara. Pipilitin ka niyang mapasmile hanggang sa maging ok ka na. Ganyan kabait si Ara.

"Oh ayan na oh nakasmile na ko." I smiled na abot tenga.

"Oo na. Maligo ka na dun amoy pawis yuck." Pagbibiro niya.

"Hoy kahit amoy pawis ako mabango pa rin ako. Tanungin mo pa sa fans ko." At tinarayan ako ng loka. Wow. Hahaha

"Confident! Antaraaaaaay" tumawa kaming parehas sa kakulitan namin.

"Dyan ka na nga magshower na ko." Binati ko sakanya yung kneepads ko at nasalo naman niya. Pumasok na ko sa shower room.

---

After kong magshower ay chineck ko muna phone ko. And may nag text.

1 New Message

From: Kiefskie

Cheer up! You did great naman! And tsaka i kissed and hugged you na kanina. I miss doing that to you.

Kahit kailan talaga ang sweet nitong lalaking toh.

To: Kiefskie

Che. I miss you too.

Yan na lang nasabi ko. Halata bang kinikilig ako? Ay langya oo kinikilig ako. Kiefer kasi eh.

From: Kiefskie

Uy kinikilig. Hahaha Anyways when tayo lalabas?

Ayun tinanong niya. Should I tell him about his Ex? Para wala ng gulo. And catch up na rin. I missed him. So much.

To: Kiefskie

Tomorrow? Ok lang? Hehe

I closed my phone na kasi aalis na daw kami. Mamaya ko na lang sya rereplyan.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon