Mika's P.O.V
Pumasok na kami sa kotse at patungo na kami kung saan gaganapin ang reception.
Ang sarap ng feeling ko ngayon. Makakasama ko na ang taong mahal ko habang buhay.
Hinawakan ni Kiefer ang kamay ko. Hinalikan niya ito. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Hello, Mrs. Ravena." He whispered through my ears. Napangiti ako.
"Hello." Simple kong sabi at niyakap ko siya.
"Okay lang kahit ang ikli ng sinabi mo. Bawing bawi naman sa super sarap mong yakap." Alam niyo yung kilig na pang high school? Jusko ganun ang nararamdaman ko ngayon.
"Babe alam mo ba ang bigat pala ng wedding gown na 'to." Tumawa naman si Kiefet ng kaunti.
"It looks good on you babe." He winked at me. Kilig to the nth volts! Hahahahaha.
Ang wedding gown ko kasi is tube tapos super laking nung pag kaballon nung gown plus the beads pa at pearls. Ngayon ko lang nalaman na ganto pala kabigat yun.
"Mas okay pa ata yung mga dress na sinusuot ko sa mga ball eh." I smirked.
Niyakap ako ni Kiefer.
"I love you babe. Sobra." Ihhh kiefer naman eh. Kilig na kilig ako dito sa tabi mo oh.
"I love you too!" Nagkatinginan kami for a moment.
The next thing i knew we're kissing na. It was a long passionate kiss. Okay ang sweet na namin masyado. Hahahaha
"Kiefer ano ba hahahaha. Wag mag chancing." Napailing siya at tumawa.
"Ang ganda ganda kasi ng baby ko oh." Banat pa niya. Ihhh ano ba toh kinikilig talaga ako.
"Stop na masyado na kong kinikilig." Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.
Tinanggal ni Kiefer ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko at hinawakan niya iyon, "Wag ka na mahiyang kiligin. Ang cute cute mo eh."
"Alam mo kinasal lang tayo mas naging bolero ka." Nag pout ako at pinisil niya ang cheeks ko.
"Di po ako bolero. Mrs. Ravena."
Ganun lang ang ginawa namin habang papunta na kami sa reception. Walang sawang pangungulit sa bawat isa. Parang bumalik kami sa pag kabata.
At dahil umulan pala kanina medyo natagalan kami dahil traffic na. Hay.
"Umuulan babe. Gutom na ko." Pag rereklamo ko. Naririnig ko na kasi na kumukulo na ang tiyan ko.
"Konting tiis pa babe. Malapit na tayo." Kalmadong sabi ni Kiefer.
"Ihh gutom na talaga ako. Huhu."
"Babe ayan na oh papasok na lang tayo sa parking." Nag park na yung driver namin at bumaba na kami.
Syempre holding hands kami ni Kiefer paakyat ng elevator.
"Ayan na pala ang newly weds eh! Oh let's start na!" Nag form ng line ang mga sponsors namin at pinakilala sila isa isa. Ang mga bridesmaid at grooms men din. At marami pang iba.
"And now let's welcome! Mr. and Mrs. Ravena!" Nag palakpakan ang tao at nag lakad na kami papunta sa stage.
"Good evening po!" Sabi ko. Oh no. Hyper nanaman ata ako. Hahahaha
"Okay let's eat muna tapos mamaya na ang maikling program." Nag simula ng kumain ang mga bisita namin.
Syempre ang table naming dalawa ay sa stage.