Bago ang lahat sana mabasa nyo yung ThomAra fanfic na ginawa ko! Sana subaybayan nyo rin katulad ng pag subaybay nyo dito! Tsaka sana ivote nyo rin yun! hehe!
Our Worlds Collide ang title nung Thomara Ff bibigay ko na lang link :))
=================
General P.O.V
"Bullies! Gising na!"
Kumatok si Cyd sa Kwarto ng Bullies. Pero parang wala pa rin effect dahil walang nagbukas ng pintuan. Kumatok pa ng Mas Malakas si Cyd pero wala pa rin sagot ang anim.
"Mika! Ara! Kim! Carol! Cienne! Camille! HOY MAGSIGISING NA NGA KAYONG ANIM!" Kumatok na ulit si Cyd.
Maya maya unti unti ng bumukas yung pinto si Ciennce pala at halatang wala pa sa diwa tsaka halatang di pa nagsusuklay kasi super gulo ng buhok. Poker face lang ang binigay nya kay Cyd.
Di na inintindi ni Cyd at pumasok na sya sa kwarto nila. Niyugyog nya isa isa.
"Mika gising na! May Training pa tayo!" "uhhhmm 5 mins pa." antok na antok na sabi ni Mika.
"Ara! Gising na!" Sumunod naman agad si Ara at halatang inaantok pa.
Sumunod na gumising si Camille at Carol.
"Good Luck sa pag gising kay Kimy, Cyd." Sabi ni Carol at tuluyan ng bumaba.
Mahirap kasi talagang gising si Kim. Tulog Mantika kasi.
"Ano ba pang gising nyo dito ye?" Tanong ni Cyd kay Mika pero Kibit balikat lang ang sagot ni Mika sakanya.
Nag isip si Cyd ng pwedeng pang gising.
"Kambal kumuha nga kayo ng balde na puno ng tubig. Iakyat nyo dito." Sumunod naman ang kambal maya maya bumalik na sila at dala na ang balde.
"Ara may yelo ba tayo?" Tanong ni Mika.
"I like what you're thinking Ye." Cyd said then Smirked.
"Yep meron teka kukunin ko."
Kinuha na ni Ara yung yelo at nilagay na sa balde.
"Ice Bucket Challenge ang peg Cyd! hahaha" Sabi ni Camille.
Lumapit na sila sa kama ni Kim. Natatawa na sila sa pinaggagagawa nila.
"Ok. In 3.."
"2"
"1"
"GO!" Sabay nilang sabi at binuhos kay Kim ang Super lamig na Tubig.
Napatayo si Kim at nakita nyang humahalakhak sa tawa sila Mika.
"HAHAHHAHAHAHAHHA"
"YUNG MUKHA MO KIM! HHAHAHAHA"
"HAHAHAHHAHA KIM"
"YAN KASI TULOG MANTIKA!"
Tawa lang sila ng tawa.
"Ganyan nyo talaga ako kamahal ano?" Sarcastic na sabi ni Kim
"Of course kim! We love you so much NOGNOG!" they said in unison kay kim. Napailing na lang si Kim sa kanila.
Bumaba na sila para mag breakfast. Sila na lang pala ang hinihintay. Huling bumaba si Kim at tumingin lahat ng LS sakanya.
"Ate Kim? Anyare sayo?" Pagtatakang Tanong ni Des.
"Ate Kim tumakbo ka ba or what?" Dagdag ni Kianna
"Ate Kim saan ka pumunta bakit ba—" Naputol na ang dapat sasabihin ni Eli dahil sumingit na si Kim.