Kiefer's P.O.V
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Nakabukas pala yung kurtina ko dito sa room. And today, uuwi na kami ni Mika. Still can't believe I can say that she's mine.
Mika Reyes. You hit me hard.
Tumayo na ko sa pagkakahiga ko at uminat-inat. Sabay tungo sa cr upang maghilamos ng mukha. Pagkatapos nun ay lumabas na ko ng kwarto. Pababa na ko ng hagdan ng may narinig ako nagluluto. Si Mika toh. Sabi ko sa sarili ko. Dumiretso na ko sa kusina and oo nga nagluluto si Mika. Pinapakinggan nya yung instructions dun sa pinapanood nya.
"Ehem." Tila nagulat sya.
"Ikaw pala. Good Morning!" Nakangiti nyang sabi. Hay. Fresh na fresh tignan with her eye glasses on.
"Good Morning din." Binack Hug ko sya and it seems she doesn't mind. Patuloy lang sya sa ginagawa nyang pagluluto.
"Mukhang nagpapractice ka na ah." Pang aasar ko sakany. She gave me a glance on what I said sabay tinaas ang kilay nya.
"Asa." Matipid nyang sagot. Sus. Kinikilig lang toh. Haha.
Bumitaw na ko sa pagback hug sakanya at tumungo na ko sa Sala para manood na lang ng TV. As usual basketball pinanood.
Maya maya ay tapos na magluto si Mika at naghanda na sya sa hapag kainan. Umupo na rin ako. Naglagay na ko ng kanin at bacon and egg sa plate ko. Napansin ko naman na nakatingin lang si Mika sakin.
"What's with the look Miks? I know gwapo ako." Confident kong sabi sakanya at inirapan ako haha.
"Psshh!! Tikman mo na kasi. Sabihin mo kung masarap or hindi." Pag pupumilit nya sakin. Dahil good boy ako sumunod ako at tinikman. I smirked.
"Sooooo??" Sabi nya sakin. Still waiting for my answer.
"Try mo para malaman mo." Tinapat ko s bibig nya ang spoon na may kanin at ulam. Sinuno naman nya ito.
"Ano?" Tanong ko.
"Masarap." Ngumiti sya sakin and ngumiti rin ako sakanya.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. After nun eh naghanda na kami para sa pag balik namin.
Mika's P.O.V
Bumabyahe na kami ngayon ni kiefer patungong taft. Hay pag dating ko mamaya dun sa dorm kakantyawan nanaman ako nila Ara ng mga tanong kung anong nangyare. Tapos may training pa mamaya.
Medj matagal tagal pa naman ang byahe kaya naisipan kong umidlip lang kahit saglit.
Nagising ako ng maramdaman kong fully nagstop ang kotse. At tama nga ako andito na nga kami sa tapat ng dorm.
"Well text na lang Miks ha." Kiefer said then smiled. His smile tho.
"Yeah yeah. Sige na labas na ko para makapag pahinga na rin. Pati ikaw." Tumango lang sya.
"Text mo ko pag nakadating ka na sainyo." Dagdag ko pa. He cupped my face and he kissed my forehead.
Emghed keleg eke!!! Sana di nya makita pamumula ko!!
"Opo Mam! Sige na, Text na lang ha :)" Tuluyan na kong lumabas ng kotse nya. At pumasok na rin ako sa dorm.
Pag pasok ko eh bumungad sakin ang bullies. Na ang lalaki ng mga ngiti sa mukha. Hay nako po.
"Oh alam ko na yan mga nasa isip nyo. Mamaya na ako magkukwento pagod ako guys! Tapos may training pa later." Nagpout ako sakanila.
Wala na silang nagawa kundi tumango at ang mga ngiti sa mga mukha nila nawala. Di ko na pinansin at nag pahinga na ko sa kwarto.
No One's P.O.V
Ginising na ni Ara si Mika ng mga 2:30 dahil ang training nila ay 3:00. Nagayos na silang lahat at sama samang pumunta sa sports complex.
Nag stretching.
Warm up.
Dig dito, Dig doon.
Spike here, Spike there.
Set.
Usual training but mas intense.
Nagbreak muna sila dahil may sasabihin daw si coach ramil.
"Okay girls. Napansin nyo naman na mas intense ang training ngayon dba? It's because malapit na ang finals. Alam naman natin step ladder dba? Naglaban ang FEU at NU and ang nanalo ay ang NU which is makakalaban natin this coming wednesday. Alam naman nating may twice-to-beat advantage tayo pero lets hope makuha na natin ang game 1 against them para diretso finals na. I need you to focus muna okay? Wala munang makakapag distract. Maliwanag girls?"
"Yes Coach!" Sabi naming Lady Spikers.
"Okay you may continue sa training."
Nagpatuloy na kami sa training. Halata naman samin ang determination para makuha ang panalo against NU. Nagsink in kasi samin agad.
After ng Training, we decided mag padeliver nalang ng pagkain sa dorm dahil pagod ang lahat at baka di kayanin ang pagluluto. Pagkatapos kumain ay diretso tulog na ang lahat. Except kay Mika na kausap pa si Kiefer via Voice Call.
"Uy wala muna daw distractions sabi ni Coach. Sabi niya dapat daw makapag focus kami. So ibig sabihin di tayo makakalabas." Sabi ni Mika na tila halatang malungkot sya dahil sa tono ng boses nya.
"It's okay Miks! I understand naman so, pano yan? Good Luck ha! I know you can do it! Oh you better sleep na! Alam kong pagod ka." Napangiti si Mika sa pag aalala at pag support ni Kiefer sakanya.
"Sige medyo antok na rin ako eh" biglang nag yawn si Mika.
"Sige Good Night Mika! I love you!" Masiglang sabi ni Kiefer.
"Good Night din! Love you too!" Nag end na ang call nila. Nilagay na ni Mika ang phone nya sa side table at pahiga na.
"HONGLADEEEEEE NI MIKAAAAA!" Nagulat si Mika dahil narinig pala ng bullies ang Paguusap ni Mika at Kiefer.
"Hay nako bullies! Tama na yan! Magsitulog na kayo!" Umiling iling si Mika at medj natawa.
"May utang ka pa saming kwento yeye!" Sigaw ni Kim.
"Oo na oo na. Bukas. Magkukwento na po. Good Night!"
"GOOD NIGHT BULLIES" sabi nila sa isat isa.
Nakatulog na rin agad sila dala ng pagod dahil sa training.
==================
Sa mga THOMARA SHIPPERS DYAN! I have a new story po sana po mabasa nyo!
Here's the link po 😊 👉 http://w.tt/1G3F1AB