Nagising si Mika dahil naalimpungatan sya.
Napansin nya na wala sya sa kwarto nya. Wala sya sa dorm.
Nagtataka pa rin sya ng biglang bumukas ang pinto at ikinagulat ni Mika ito.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong nya kay Kiefer na may dalang breakfast.
"Uhm, dinadalhan ka ng breakfast?" Nilapag na ni kief sa kama ang pagkain. Tahimik pa rin si Mika na tila nagiisip.
Biglang nanlaki ang mata ni MIka dahilan na si Kiefer naman ang magtaka.
"Oh Miks, bakit ganyan reaction mo? ayaw mo ba niluto ko sayo?" Sabi ni Kiefer.
"RAVEEEENNNAAAAAAA!" Sumigaw si Mika sabay hampas ka Kiefer ng unan.
"Uy Mika bakit? Ano ginawa ko sayo?" Patuloy na hinahampas ni Mika si Kiefer habang nagtatanong sya.
"Don't tell me magkatabi tayong natulog kagabi? Nakooooo ravenaaaaa!!" Tumigil na si Mika sa paghahampas at nagpout.
Biglang tumawa ng malakas si Kiefer.
Kiefer's P.O.V
"Oh anong nakakatawa ha?" Pagtataray ni MIka sakin.
"Wala ka bang naaalala kagabi?" Sabi ko sakanya sabay taas baba ng kilay.
"Walang hiya ka talagaaaaa anong nangyari ha?!" Natatawa ako kay Mika. Wala naman talagang 'Nangyare" Kagabi eh hahahahhaa Ang sarap lang nyang asarin ngayon. hahahhaa
"Chill Miks. Wala ka talaga maalala?" Kumalma muna siya bago magisip.
"Ang naaalala ko lang nakatulog ako sa may beach kasama ka. Yun lang." Dire-Diretso nyang sabi.
"Yun nga." I smiled at her.
"Eh kung sa Beach ako nakatuog paano ako napadpad dito sa kwartong toh?" Ang cute nya pag nagtataka.
"Eh kasi po namalayan ko po na nahihirapan ka na matulog kaya nagpakuha na po ako ng Villa. And dont worry dalawa kwarto dito. Dun ako sa mas maliit na kwarto natulog. Ikaw lang magisa dito." I cupped her face while explaining to her.
"Alam ni Mama at Papa?" Tanong nya ulit sakin. Hay ang daming tanong! hahaha.
"Of course. May tiwala naman daw sila satin. Pinagpaalam na din kita sa parents mo, sa teammates mo, lalo na kay coach kung pwede bukas na lang tayo umuwi. Ok daw basta makaabot ka sa Afternoon Training nyo." She smiled in what I've said. Halatang excited hahha.
Madami kasing mga activities dito sa Beach Resort na toh kaya mageenjoy talaga si Mika dito Yun pa eh parang bata yun ang kuliiiit hahahahahhaha.
Sinimulan na ni Mika kainin ang hinanda ko sakanyang Breakfast in bed. Sige lang sya pagsubo ng bacon tapos kanin tapos yung eggs tapos yung hotdog. Grabe nagulat ako bigla di naman halatang gutom sya noh? hahahahahaha.
Tinititigan ko lang sya kumain. Mukhang masarap pala yung niluto ko sakanya ah. haha
"Kanina ka pa nakatitig baka alusaw ako ah" Sabi ni MIka na punong puno ng kanin sa bibig. I just laugh for my response on what she said.
"Mika." Sabi ko at tumingin naman agad sya sakin. Ngumuso ako sakanya.
"Huh?" Ay di ata nagets yung sinabi ko. Ngumuso ulit ako sakanya.
"Hoy! RAVENA WAG KANG CHANCING DYAN AH!" Pagbanta nya sakin. Nung una di ko nagets sinabi nya. Iba ata nasa isip nito ah. Mapagtripan nga ang Yeye ko. haha
Lumapit ako sakanya at ikinagulat nya. Unti unti kong nilapit mukha ko sakanya.
"H-hoy! K-kie-fer. A-anong g-ginaga-wa m-mo?" Di ako sumagot sakanya at halos 1 and a half inch na lang ang pagitan namin. Biglang naman syang pumikit. Kinuha ko na yung tissue at pinunasan ang ketchup sa gilid ng labi nya at sabay tawa ko.
"Hahahahahahhahaha!" Tawa lang ako ng tawa hanggang sa unti unti ng binuka ni Mika yung mata nya.
"Arrrrgggghhh nakakakainis ka Isaac!" At ayan na magsasalubong na ang kilay nya. Tinaas ko ang parehas kong kamay as a sign na surrender na ko.
"Hahahaha. Aereen, sa tingin mo hahalikan kita? Without your permission? Miks, remember this nirerespeto kita. If hahalikan kita dapata may permission mo. Kahit gaano ko na kagustong halikan ka di ko gagagwin because I RESPECT YOU. AND I LOVE YOU. Okay? Remember that. Hanggang ganto lang muna ako ngayon." Hinalikan ko ang noo nya. At nangamatis naman sya ng todo! hahahaha ang ganda pa rin nya.
"Bawas bawasan yan ah? nahahalata kong patay na patay ka talaga sakin." Kindat ko sakanya at tumayo na ko upang lumabas sa kwarto nya.
"I hate you ISAAAAAAAC!" Natawa naman ako sa sinabi nya hahhah.
"I LOVE YOU TOO! Sige na magayos ka na dyan marami tayong activities na gagawin and I know you'll love it." Sabay sara ko ng pintuan.
*Fast Forward*
Still Kiefer's P.O.V
Papunta na kami sa una naming activity for today. At of course hinihila na ko ni Mika.
First Activity --- Scuba Diving
Nakikinig kami ng maigi sa nagsasalita kung paano mag scuba dive and stuff. Di mo naman matanggal ang napakalaking ngiti ni Mika sa mga labi nya.
Dahil sa super excited nya nagvolunteer sya na kami na mauna since may mga iba pa kaming kasama. And again, hinila nya ko malapit sa edge. Nilagay na samin ang necessary gears na kailangan. Umupo na kami sa may edge at handa ng mag scuba. Mag kaholding hands kami ni Mika mag scuba. Ang dami naming nakita school of fish. Mga corals at iba pa. Hanggang sa umahon kami magkaholding hands pa rin.
Second Activity --- Banana Boat
Third Activity --- ParaSailing (A/N Not sure kung yun tawag dun hahahaha)
Dito sa third activity na toh super nagenjoy si Mika. Tawa ng Tawa
Fourth Activity --- Zip Line
Natuwa naman kami parehas ni Mika sa ZIpline kahit halos malula na kami sa sobrang taas.
After Ng mga Activities na yun kumain na din kami ng lunch at nag swimming na lang sa beach. And of course bantay sarado ko sya. Boyfriend duties. hahaha.
"Hephep bakit ganyan suot mo?" Sabi ko sakanya. kasi naka2 piece sya. Madami titingin sakanya.
"Eh eto lang nakalagay sa bag na pinadala ni mama eh."
"Hindi pwede ganyan teka lang" Lumabas naman ako sa kwarto nya at may kinuha ako sa kwarto ko.
Pag balik ko...
"Oh Miks. Pang taas mo" Inabot ko sakanya yung Ateneo Jersey ko.
"Ok." Aba di na umangal hahahaha. sinuot na nya at natulala ako sakanya.
"Hello? kief?" Kaway kaway nya sa harap ko.
"Bagay sayo." Nakatulala kong sabi sakanya.
Ngumiti lang sya. Hinila na nya ko para pumunta sa beach. at Good Girl sya ngayon di nya tinanggal yung jersey ko na nakapatong sakanya.
Nagenjoy na enjoy kami sa pag sswimming namin. Tawa dito. Tawa doon.
After namin magswimming Hinintay namin yung sunset.
"Thanks talaga kief."
"You're always welcome" Sinide hug ko sya.
Niyakap nya din ako.
She rested her head in my chest and we enjoyed the sunset.