Mika's P.O.V
"OKAY GIRLS! GISING GISING! EARLY JOGGING! WAKE UP!" Uggh ang ingay! Huhu inaantok pa ko. Ginigising na kami ni Ate Cyd dahil nga may early
Jogging.Late na din kasi kami umuwi kagabi dahil nga kami nagbantay kay Ara sa hospital. Unfortunately she cant be discharged last night. Ngayong araw palang daw. And yes di na sya makakapagtrain kasi nga injured, 9 months rest.
Me and the Bullies got up but you can see how sleepy we are. Halos di na nga namin mabukas mata namin eh. Para kaming zombie huhu.
Isa isa na kami natapos maligo and changed our clothes for our Early Jogging.
"Inaantok pa ko." Sabi ni Cienne at sumandal sa balikat ng Kambal nya.
"Ako rin. Huhu di sapat beauty sleep ko." Dagdag ni Carolina. Hay ang hangin talaga hahaha.
Kami naman ni Kim nakatulala lang hinihintay pa kasi namin yung ibang Spikers na nagaayos pa.
While we are jogging may nakita namin papalapit ang Archers. Nagjogging din sila like us.
"Hi Girls!" Bati ng Archers samin. Yung ibang rookies tinatago ang kilig hahaha!
"Wazzup boys!" Sabi ni Cess habang inakbayan niya si Jeron. Ehem.
"Yiiiieeee!" Hiyawan naming Archers at Spikers.
"Cess pinagpapalit mo ko ah! Nakakatampo! Hmp!" Banat ni Majoy. Nakng! Love triangle hahahaha
"Sus ikaw naman babe! Ikaw lang noh!" Pagjojoke ni Cess kay Majoy.
"Haha ikaw talaga Cess ang kulit kulit mo pa rin!" Kinurot ni Jeron ang cheeks ni Cess. "Hi Miks!" Dagdag pa nito sabay smile.
"Ouch!" Umacting ang ibang spikers at agad ko naman sinaway. Baka may magselos mahirap na. "Sup Je!" Sabi ko na lang.
Nakisabay na ang Archers sa pagjogging namin. Di pala sila complete. Wala si Thomas pinuntahan daw si Ara sa ospital. Boyfriend duties nga naman.
•••
Papunta naman kami ngayon sa Sports Complex. Training naman ngayon. We have one week to prepare para sa finals. And ako na nga ang incharge.Di pa alam ng teammates ko na ako magle-lead ng team. Sabi kasi ni coach ngayon pa lang nya sasabihin.
To be honest, di pa rin magsink in sakin.
Ako magle-lead ng team. Nakakaloka lang isipin! Huhu I can feel that I'm really shaking in my thoughts.
Pumasok na si Coach and naghuddle muna kami. Sinenyasan na ko ni Coach na lumapit na. This is it.
"First of all, Im going to make an announcement, girls." Pagsisimula ni Coach.
"Since wala ang team captain natin sa Finals, I've decided na may maglead muna sainyo temporarily. And of course si Mika yun." Pageexplain ni Coach and ako nagsmile lang. Halata bang kinakabahan ako?
Masaya naman ang team mates ko sa sinabi ni Coach. All out support from them. Nakakatuwa.
"Syempre girls, tutulungan nyo din si Mika. Especially sa mga Seniors din. Always remember to motivate your team mates okay?"
"Yes coach!" Tumayo na kami and nagsimula na magwarm up.
Kiefer's P.O.V
"Kuya let's play ball! Wala rin kasi akong pasok ngayon eh." Bungad sakin ni Thirdy. Umuwi ako ngayon sa bahay namin because no dates nga kami ni Mika until their finals end.
Mahirap pero kakayanin.
"Sure una ka na. I'll change my clothes lang tapos susunod na ko." Sabi ko sakanya at lumabas na sya ng kwarto.