Chapter 33

1K 32 29
                                    

Kiefer's P.O.V

*FAST FORWARD*

This is it! Grabe ito na yung day na pinakahihintay ko! I fixed my tux. Syempre para naman pag nag lakad ako maayos at di gusot tignan. pipicturan pa ko eh.

After ko ayusin yung damit ko, humarap ako sa salamin. I looked at myself. This is it. Ito na talaga. 

I took a deep breath and saktong may kumatok sa pintuan ko. 

"It's open!" Sigaw ko and i heard my door open. Si Thirdy pala and ang laki ng ngiti sa kanyang mukha. 

"Ready ka na Kuya? Ikaw na lang hinihintay namin sa baba. Malalate ka hahaha" I smirked. Mas excited pa ata kasi yung pamilya ko kaysa sakin.

"Tara na nga ayos na ko." Palabas na kami ng kwarto ko ng may muntik na kong makalimutan kaya tumigil ako sa pag lalakad.

"Teka asan yung..." 

Thirdy laughed, "Don't worry Kuya. Hawak na ni Mama. Kaya tara na!"

Tuluyan na kaming bumaba and dumiretso na sa garage. Andun na sila mama eh. 

Ng makarating kami dun lumapit sakin si Mama. Inayos niya ang damit ko at niyakap ako ng mahigpit. Nako iiyak na ata si Mama agad. Hahaha

"Ang laki laki na ng Anak ko. Gagraduate na ng College." Teary eyed na sabi ni Mama and yes, graduation day ko today! Akala niyo kakasal na ko 'no? Well, not now but soon ;) 

"Ma, malalate na tayo oh! Mamaya na kayo mag drama ni Kuya please." Sabi ni Dani at tumawa naman kami. 

"Oh dali na baka lalo pang uminit ang ulo ng prinsesa natin." Pagbibiro pa ni Papa. 

"Ehhhh Papa naman eh!" Nag pout si Dani at umiling lang si Papa at tumawa ng kaunti. 

"Tara na! Malalate na nga ata talaga ako." Pumasok na kami sa kotse at tumungo na sa Ateneo. 

Grabe ang bilis ng panahon. It's been a year after nung accident eh. Natapos ko na rin ang last playing year ko sa UAAP. And this time nag tagumpay kami. Nag champions kami against of course our rival school, De La Salle University. Ikinatuwa ko na madaming nag step up para lang makaabot ulit kami sa Finals. 

Si Mika naman next month pa ang graduation niya kasabay ng pag dating niya galing ng america. Yup pumunta siya dun dahil dun siya nag OJT for 2 months buti na nga lang daw tapos na ang season nila nun. They brought the crown back to taft na ikinatuwa nilang seniors dahil lahat daw ng pinag hirapan nila ay nag bunga. After nilang manalo eh dun niya sinabi sa aming lahat na pupunta siya ng america together with the Cruz twins. Nakampante ako dahil syempre, may kasama naman siya at mga kaclose pa niya. Some of our close friends cried dahil mamimiss daw nila si Mika. 

Natigil ang pag mumuni muni ko dahil andito na pala kami sa Ateneo. To be honest, mamimiss ko 'tong school na 'to syempre, this has been my home for what? 5 years? Sila nag alaga sa akin sa pagiging student and sa pagiging athlete. This school saw my ups and downs as a student-athlete. Also, bihira na lang din ako makakabisita dito dahil magiging busy na ko sa magiging trabaho ko and sa Basketball career ko. 

"Kuya let's go?" Tanong ni Dani sa akin at nag side hug sa akin. 

I hugged her real tight, "Let's go." 

Nakaakbay lang ako kay Dani habang papunta kami kung saan gaganapin ang graduation. 

"Grabe Dani you grow up so fast." Sabi ko sa kanya at nakatikim pa ko ng batok galing sa kanya -__- okay ah. 

"Ang drama mo Kuya! Kanina ka pa." Tumawa naman ako. 

"Seryoso Dani. Look what you've achieved so far. College ka na this coming school year. Dito rin sa Ateneo. You're part of the Lady Eagles na. Sayang nga lang di na kita mababantayan dito lalo na pag may umaaligid ligid na boys sayo. Di bale, sasabihin ko kay Thirdy na bantayan ka." At nabatukan nanaman ako ni Dani. -___-

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon