Still Falling

130 15 9
                                    

"Kuya, baka pwede naman po kayong mainterview?" napatigil ako sa paglalakad nang may mga estudyanteng humarang sa aking daraanan.

Ang isa sa kanila ay desperadong hinawakan ang aking kamay.


"Sige na po, kuya." pagmamakaawa pa nito.

Agad kong tinignan ang aking relo. Hindi pa naman siguro ako maiipit sa traffic kahit magbigay ako ng five minutes para sa mga batang ito.

"Interview? Para sa saan?" tanong ko.

"Para lang po sana sa project namin. Isang tanong lang naman po yung itatanong namin." bakas sa kaniyang boses ang determinasyon na ma-interview ako at bakas din sa mukha ng mga kasama niya ang mga tahimik na pagdarasal na mapa-oo nila ako.

"Sige pero five minutes lang kaya kong ibigay, may hinahabol rin kasi ako." saad ko

Agad naman silang nagdiwang at nag-ayos para ma-interview na ko.

Habang nag-aayos sila ay naitanong ko na rin kung anong grade level na nila. Ayon sa kanila ay grade 10 na daw sila ngayon at isa to sa projects nila related sa isang story na pinag-aaralan nila sa Filipino.

"Sir, para sa inyo po, ano ang pinakamasakit na pwedeng maranasan ng isang taong nagmamahal?" nakangiting tanong ng estudyante sa akin.

Panandalian kong tinignan ang kamera sa aking harapan at binalikan ang aking nakaraan.

"Para sa akin, kapag napagtanto mong mahal mo na siya, kung kailan may mahal na siyang iba." sagot ko at nakita ko namang biglang napawi ang mga ngiti nila.

Tipid akong napangiti dahil nakakatawang tignan na para bang mas nasasaktan pa sila kaysa sa akin.

"Alam niyo ba yung sinasabi nilang 'She fell first, he fell harder'?" agad naman silang nagtanguan sa akin bilang kanilang sagot.

"Yun ang nangyari sa amin. She fell first, I fell harder. Pero ang hindi ko alam, habang nahuhulog na ako sa kaniya, nahuhulog na pala siya sa iba. At wala akong nagawa kundi palayain siya." malungkot akong ngumiti nang maalala ko ang lahat.













Para bang pinaalala sa akin ng interview na yun ang dahilan kung bakit ayoko pa sanang bumalik dito.

"Ijo, buti naman bumalik ka na. I miss you. Kumusta ang byahe mo papunta dito, hindi ka ba na-traffic bandang EDSA?" masayang bati sa akin ni mama nang makarating ako sa bahay.

Agad naman akong bumeso sa kaniya at yumakap.

"I miss you, too, Ma. Hindi naman po masyadong traffic ngayon," sagot ko habang tinitignan ang kabuuan ng aming bahay. Wala pa rin itong pinagbago mula sa huling araw na nakita ko ito.

Ganun pa rin ito, magarbo.

Mula sa kinatatayuan ko, para bang nagbabalik sa isipan ko ang mga bagay na nangyari sa bahay na ito na dapat ko nang kalimutan.

"Akala ko nakalimutan mo na ako. Kung hindi pa kita pagagalitan  hindi ka pa babalik dito." nagtatampo niyang saad kaya naman ay muli ko siyang niyakap.

Alam naman ni mama angbtotoong dahilan ng pag-alis ko at kung bakit hindi ako bumabalik dito.

Kahit wala akong sabihin, alam kong naiintindihan na niya.

"Ijo, mamaya daw dadating si Vice para bumisita." pero kahit naiintindihan niya ako ay gusto niya pa ring harapin ko nag mga bagay na pilit kong tinatalikuran at tinataguan.

Siya.


"Sige po, sabihan niyo na lang po ako kapag nandyan na po siya," saad ko bago tuluyang kunin ang mga gamit ko at pumunta sa aking kwarto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now