Kabanata 1

2.4K 43 2
                                    


Wonder

Fifteen Years Ago

"Mommy, si Dickson pinapahid sa akin 'yung sipon niya! He is so disgusting! Mommy!"

Nagtatakbo ako pababa ng hagdan dahil mabilis akong hinahabol ng kapatid kong dugyot na ako ang napiling gawing tissue ng lumolobo niyang sipon. Halos magkalapit lang ang edad namin pero napaka-isip-bata ng isang 'to.

"Anong sabi ko sa inyo? Huwag kayong tumatakbo sa hagdan, baka magkamali kayo at malaglag!" nakapamewang na sabi ni mommy habang pinandidilatan kami.

Ngumuso ako at nagtago sa likod niya. Nandyan na kasi si Dickson na may kulangot pa sa kamay.

"Dickson, ano bang kadugyutan 'yan? Tigilan mo ang ate mo! Go, wash your hands and face. I will ready your medicine," sabi ni mommy kay Dickson na kaagad naman na sumunod.

Ngumiti ako kay mommy na ganoon pa rin ang mukha. Tumango ako. "Sorry, mommy. Dickson made me run." I pouted my lips.

Mommy sighed then patted the top of my head. "It's alright, my girl. Come on, let's give your daddy his lunch. Wait for me and Dickson in the car."

Nag-thumbs-up ako at nginitian siya. Mommy is the sweetest mommy ever, hindi siya nagagalit sa akin pwera na lang kung mali talaga ang ginawa ko. Si Dickson lang naman ang pasaway sa amin kaya lagi kaming napapagalitan ni daddy.

"Huwag kang tatabi sa akin!" babala ko sa kanya nang pumasok siya loob ng kotse na puno ng puting pulbos ang leeg.

"I am clean. Wala na akong sipon. Mommy cleaned me already. Arte mo, samantalang noong may sipon ka rin, iki-kiss pa kita sa pisngi kapag hindi ka makahinga kaya nahawa ako," sabi niya at ngumuso pa.

"Hindi naman kasi ako namamahid ng kulangot. Sige na nga, pwede ka na sa tabi ko." Kahit naman na pasaway ito ay hinding-hindi ko siya ipagpapalit. Siya lang ang baby brother ko.

Bumaling sa amin si mommy at sinigurado na naka-seatbelt na kaming pareho. We are visiting daddy to his workstation. I am very excited dahil malaki ang building na iyon at katabi pa ng mall. Kapag nainip na kami ay dadalhin nila kami sa arcade and kakain ng chicken!

"Maraming tao sa building kaya huwag kayong magtatakbo roon. Naririnig mo ba ako, Dickson?" Tumingin sa amin si mommy gamit ang salamin sa harap niya.

"Yes, mommy. Bakit ako lang po? Si ate rin, magulo." Ngumuso siya.

"Ate will get scolded too if you are going to mess everything there," dagdag pa ni mommy kaya napatingin ako sa kanya.

Mommy always making me feel that I am in-charge of everything when it come to my younger brother. Lahat ng gagawin niyang mali ay kasalanan ko at ako ang bahala na magdisiplina sa kanya. That's a good thing dahil nakukurot ko sa singit si Dickson kapag napagalitan ako at hindi naman siya pakikinggan ni mommy kapag nagsumbong siya.

"Daddy!" I waved to him at the window. Hindi pa humihinto ang sasakyan at excited na kaming bumaba.

I carried his lunchbox that mommy prepared. Tumakbo ako papunta kay daddy na sinalubong naman ako ng yakap.

"Ako rin, yakap!" sigaw ni Dickson at tinulak pa ako.

"Sandali lang, mga anak. Baka matumba tayo. Ganyan niyo ba ako na-miss? Dalawang araw lang hindi umuwi si daddy," sabi niya at niyakap kaming dalawa.

"Alam mo naman 'yang mga anak mo, laging sabik sa iyo. Here's your lunch, dear. The ulam you requested," sabi ni mommy at inabot ang lunchbox ni daddy.

Napangiti ako nang ma-realized ko na sobrang swerte ko na ang mga magulang ko ay sweet pa rin hanggang ngayon kahit almost 20 years na silang kasal. Hindi iniwan ni daddy si mommy kahit ilang taon silang naghintay bago ako dumating sa buhay nila. They are really in love with each other. Ang sabi ng mga teacher ko ay kapag tumatagal na raw na lagi mong kasama ang isang tao, kahit gaano mo pa ito kamahal ay makukuha mo talagang magsawa. Pero hindi iyon ang nakikita ko sa mga magulang ko, parang habang tumatagal ay lalo silang nagdidikita sa isa't isa. Tuwing nagngingitian sila ay kitang-kita mo sa mga mata ang pag-ibig na hindi ka ipagpapalit o iiwan.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon