Kabanata 27

963 25 1
                                    


Married

"Ba-bye, mommy! Sama ako sa susunod kapag magaling na ako." Hinalikan ni Alice ang pisngi ko.

"Sure, kapag hindi ka na masyadong nagkakasakit. For now, you are staying here with your nanny. Babalik kaagad kami ni daddy," sabi ko at hinalikan ang noo niya.

"Anong gusto mong pasalubong?" tanong ni Justin pagkatapos ilagay ang mga gamit namin na dadalhin sa loob ng kotse.

"Kahit ano na lang na spicy, daddy. O kaya baby sister or baby brother," sagot ni Alice saka humagikgik.

Natawa si Justin. "Hindi ako ang dapat hingan mo niyan, anak." Tumingin siya sa akin kaya palihim ko siyang kinurot.

Kumaway na ako kay Alice nang umandar ang sasakyan. Malaki pa rin ang ngiti ni Justin kaya kinurot ko ulit siya sa braso saka siya inirapan. Talagang may balak siyang buntisin ako kung natuloy ang pagiging fuck buddies namin.

"Paano ba 'yan? Nanghihingi na ng kapatid ang anak natin," sabi niya at hinuli ang kamay ko.

Kinagat ko ang labi ko. "Hindi pa ako ready, eh." Yumuko ako at ngumuso.

"It's okay. Let's enjoy ourselves, first. Kakabati lang natin. Hindi naman pwedeng buntisin kita kaagad lalo na at hindi pa kayo ayos ng mga magulang mo," sabi niya at panagsiklop ang mga kamay namin.

Bumuntonghininga ako. "I really want to have a baby. Malapit na rin kasi akong maabutan ng cut off, kapag 35 na ako, mahirap na akong mabuntis. I am not ready pero kapag nabuntis mo ako ngayon, ayos lang talaga."

Tumango siya at ngumiti. "Then let's start making one later." Hinalikan niya ang kamay ko.

Huminto ang kotse sa parking lot ng ospital na pinagdalhan kay Sally. Gusto siyang kumustahin at kung galit man siya sa akin ay humingi na rin ng tawad. Tatanggapin ko kung magagalit man siya sa akin, masakit ang mawalan ng anak. I assured her that everything will be alright until she give birth but that happened. Labis-labis ang pagpapaasang ginawa ko sa kanila. Hindi ko dapat ginawa dahil kahit ako mismo ay alam na maraming komplikasyon ang pagbubuntis niya.

"Are you sure that you want to enter alone?" tanong ni Justin at hinarap ako sa kanya bago ko katukin ang pinto ng kwarto ni Sally sa ospital.

"I am going to be fine. Hintayin mo na lang ako rito, lalabis din ako kaagad kapag ayaw niya akong makita," sabi ko at hinalikan ang pisngi niya.

Tumango siya pa ang nagbukas ng pinto ng kwarto. Huminga ako nang malalim at sinilip muna ang loob bago tuluyang pumasok. Nagulat ang asawa ni Sally sa presensya ko. Kasalukuyan niyang pinapakain ng lugaw si ang asawa na nakaupo lang sa kanyang hospital bed.

"H-Hi," alanagang bati ko sa kanila.

Nilapag ko sa gilid ang dala kong mga pagkain at mga gamot na pwedeng makatulong sa kanya sa para mabilis na matuyo ang tahi niya. Tumingin sa akin si Sally na maluha-luha ang mga mata. Lumapit ako sa kanila. Ang akala ko ay sasampalin ako ni Sally pero nagulat ako nang yakapin niya at saka umiyak. Hinagod ko ang likod niya, I cried with her. I am very familiar with her feeling. Mas masakit nga lang ang sa kanya dahil handa na siya, hinintay nila iyon ng sobrang tagal. Inasahan na nila na magkakaanak sila pero ganito ang nangyari.

"I'm sorry," bulong ko sa kanya.

Umiling siya. "Bakit kayo nagso-sorry, doc? Wala kayong kasalanan, you did your best. Siguro hindi lang talaga ako nakatadhanang maging ina. Hindi para sa akin si Dianne. She was meant to be an angel. Ginawa naman natin lahat, wala naman tayong pagkukulang. Ganoon talaga siguro kung hindi para sa iyo. Kahit gaano mo man hangarin, kahit anong pagdarasal ang gawin mo, kahit gawin mo ang lahat, kukunin at kukunin sa iyo."

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon