Kabanata 17

953 25 1
                                    


Better

"Ate... Ate, gising ka na."

Hindi ko pinansin ang mahinang boses na tumatawag sa akin. I like to stay like this for a while. Pagod na pagod ang pakiramdam ko at tila wala akong naging pahinga sa mga noong mga nagdaang araw.

"Ate... Gising ka na. Iyong dala kong ice cream, matutunaw na."

It was Dickson. Tinatawag niya ako pero may kakaiba sa boses niya. Is he crying? For what? And why?

Kahit komportable ako sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko naman matiis ang kapatid ko. He needs her big sister, baka may problema siya sa school at kailangan niya ng mapagtatanunga. Dinilat ko ang mga mata ko at nakakasilaw na liwanag kaagad ang pumuno sa paningin ko. Malabo pa sa una kaya kinapa ko pa ang tabi ko at pinakiramdaman ang paligid.

"Ate..."

Narinig ko muli ang boses ni Dickson kaya lumingon ako kung saan nanggagaling iyon. Nagtaka kung bakit may mga luha sa mata niya at mas lalo pang dumami iyon nang ngumiti ako sa kanya. Why is he crying?

Natauhan ako nang mapansing wala ako sa kwarto ko. Hindi pamilyar ang paligid at nang tiningnan ko ang sarili ay saka rumagasa ang mga alala na nagbigay ng linaw kung bakit ako nandito sa ospital.

Blood!

There is a lot of blood coming out from me! Saan iyon galing?

Napabangon ako pero muling napahiga dahil sa sobrang bigat ng ulo at napasigaw pa si Dickson. Nilingon ko siya pero nabigla ako sa pagyakap niya sa akin.

"Ate, sorry."

Bakit siya humihinga ng tawad?

"Ate, nawala na ang baby mo," sabi pa niya at humagulgol ng iyak habang yakap pa rin ako.

Ha? Baby?

"D-Dickson, a-anong sinasabi mo? Anong baby?" Tinulak ko siya para makita ko ang mukha niya.

"Ate, sabi ni mommy, buntis ka raw, tapos wala na," sagot niya.

Napahawak ako sa puson ko na ilang araw ding sumasakit noon. Ang akala ko ay darating lang ang period ko pero...

"I-I was pregnant?"

May baby sa loob ko tapos...

"Tapos, na-overdose ka pa raw. Nag-away pa si mommy tsaka si daddy kasi hinayaan daw namin iyong gamot sa kwarto mo. Ate, hindi ka naman magpapakamatay, hindi ba?" Humikbi si Dickson.

I was trying to murder myself to stop the pain, to forget the agony, to feel numb forever but... I murdered my baby.

Sinabunutan ko ang sarili ko at sunod-sunod na ang pagbuhos ng luha na akala ko paggising ko ay wala na. I thought doing that thing will help me, pero bakit mas lalo pang lumala.

"I am not pregnant, that's not true! I didn't kill the baby! That was not supposed to happen, I didn't know!" paulit-ulit na sigaw ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako.

I didn't kill my baby, I am not pregnant!

"Ate, kumalma ka. Iyong swero mo... Mommy, si ate!" sigaw ni Dickson na hindi ko na napansin dahil dinalaw ulit ako ng alaalang iyon! Ang maraming dugo! That was the baby! Iyong dugo na iyon! Siya iyon! I murdered my own child!

"Deity, calm down. Mommy is here. It's okay."

Kinulong ako ni mommy sa kanyang mga bisig at doon lang ako kahit paano ay kumalma. Nanginginig ang buong katawan ko at ang pangyayari lang na iyon ang tumatakbo sa isip ko. There's blood everywhere.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon