Kabanata 7

1K 27 1
                                    


Forget

I wished that I never have done that. Buong gabi ko yatang iniyakan iyon. I just thought that it was fine since he was too nice to me. Ang akala ko ay ganoon na rin ang nararamdaman niya sa damdaming meron ako sa kanya. Mali ako, maling-mali ang ginawa ko. Now, I can feel that I will not see him again. Ang sabi ni daddy ay bigla na lang siyang nagplano na mag-aral sa ibang bansa, at hindi niya alam kung kailan ito makakabalik.

"Bakit hindi na lang siya rito mag-aral, daddy? Mas magastos kung sa ibang bansa pa siya. Magaganda rin naman ang mga university dito sa pinas," sabi ko kay daddy na may kung anong sinisulat sa kanyang notebook.

Tinaas niya ang tingin sa akin. "Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang gagastusin dahil mayroong isang pamilya na nag-sponsor sa kanya. And I think, he's dating the only daughter of this couple."

Biglang naging iba ang timpla ng pakiramdam ko. Kaya naman pala. So, that was the reason why he is avoiding me. Kaya hindi na siya nagpapakita sa akin kasi may iba na pala siyang pinagkakaabalahan.

"Have you already enrolled?" tanong ni daddy.

Tumango lang ako. "Business management, just like what you want. Mahirap ba iyon daddy?"

"A little, but I know you can do it." Kumindat siya sa akin at tinapos na ang ginagawa.

Bumuntonghininga ako, sa totoo lang ay wala pa akong magandang plano sa buhay. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa future, kung ano na ba ang narating ko o kung nasaan na ba ako. It's still blurry to me. Kaya kung anong sabihin ni daddy ay iyon na lang ang ginagawa ko dahil mas maalam siya sa akin sa mga ganoong bagay. Ayokong pagsisihan ang mga magiging desisyon kagaya ngayon.

Siguro kaya siya nakipag-break sa girlfriend niya ay dahil may plano talaga siya. Bakit niya ginagamit niya ang kagwapuhan niya para makuha ang gusto niya? Playboy pala ang isang iyon! Nakakainis talaga, nakakainis siya! Hindi ako nagpapaligaw dahil sa kanya pero siya ang bilis lang magpalit ng babae. Alam niyang gusto ko siya pero alam ko ring wala naman akong karapatang pagbawalan siya. Baby sister niya nga lang ako, eh.

"Nakakainis ka! Nakakainis!" Pinagsusuntok ko ang malaking stuffed toy at inisip na siya iyon. Gusto ko lang maibuhos ang nararamdaman ko ngayon.

Ang akala ni mommy ay tapos na ako sa pagkakagusto sa kanya pero mali siya. Mas tumindi pa yata ngayon dahil nagpi-feeling girlfriend niya na ako. They thought that it was only a petty crush, a childhood infatuation na mawawala rin kaagad. But I think it is more than that. Kada araw na lang ay palala nang palala ang mga imagination ko pati na rin ang mga panaginip. Kaya sa bawat araw na lumilipas na hindi siya nakikita o walang naririnig tungkol sa kanya ay pakiramdam ko ay mababaliw ako.

"Can I come with you, daddy? I want to see how you work."

Nakabihis na ako kahit kakagising lang ni daddy at hindi pa nakaka-toothbrush. Ilang linggo na lang ay matatapos na ang bakasyon namin at papasok na ako sa university kung saan ako nag-enroll. Hindi ako makapaniwalang college na ako.

"Sure, ang aga mo." Bumaling sa akin si daddy at humigop sa kanyang tasa ng kape.

I picked the most expensive dress that mommy brought for me. Ito rin ang pinakamaganda sa tingin. Hindi na ito mukhang pambata at dahil sa maganda ang pakakakorte nito sa katawan ko ay nagmukha akong dalaga talaga. Sana lang ay nandoon si Justin dahil desperado na talaga akong makita siya. It's been months since the last time I saw him. Noong bagong taon at July na ngayon. Talagang hindi na nagpakita sa akin ang lalake.

"Maghapon ka ba roon? O uuwi ka ng lunch?" tanong ni mommy habang inaabutan ako ng pera. Finally!

"Sasabay na akong umuwi kay daddy, mommy. Hindi pa naman ako marunong mag-commute. See you later, mommy." I kissed her cheek then waved goodbye.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon