Kabanata 8

1K 26 1
                                    


Competition

"We can talk again some other time if you are not in the mood to talk." Ngumiti sa akin si Harvey at hinaplos ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa.

Bumuntonghininga ako. "I'm sorry, I am just tired. Maraming ginawa sa school kanina," sabi ko at pinilit na ngumiti.

Tumango siya. "I understand, college is really tiring but it's worth it. Kapag nakuha mo na ang diploma mo ay maiiyak ka na lang dahil bunga iyon ng pagod, pawis, at luha."

I hoping for that time to happen. Ngayon kasi ay wala akong gana sa lahat. Simula nang magsimula ang klase noong first year ako ay unti-unting nawala ang excitement ko. Ngayong second year na ako ay pagod na lang ang nararamdaman ko. Kung hindi lang ako natatakot na bumagsak at ma-disappoint si daddy ay hindi na ako magpapatuloy. Bukod sa hindi ko gusto ang course na kinuha ko ay nararamdaman ko pang may bigat akong pasanin dahil malaki ang expectation sa akin ng pamilya ko.

"Halika na, hatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na." Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin na malugod kong tinggap, sino ba ako para tumanggi sa kanya?

Siya na yata ang pinakamabait na taong nakilala ko. Nagulat pa ako nang malamang anak pala siya ng CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan ni daddy at mas bata lang ako sa kanya ng apat na taon. Payag na payag si daddy nang magpaalam itong si Harvey na manliligaw sa akin, naalala kong siya pa ang nagsabi sa akin na huwag magpaligaw kung wala pang eighteen years old. Darating pa lang ang ika-labing walong kaarawan ko sa December at Octubre na ngayon. It's Justin's birthday.

May kung anong bumara sa lalamunan ko at sumikip din ang dibdib ko dahil sa pangungulila sa kanya. Hindi ko akalain na ganito pa rin ang nararamdaman ko kahit halos dalawang taon na mula noong umalis siya. Sa Japan siya nag-aral kasama ang pamilya ng bagong nobya niya. Mula noong huling araw na nagkausap kami ay wala na kaming komunikasyon. Tanging si daddy na lang ang nakakaalam kung anong balita sa kanya at hindi na rin ako nag-uusisa.

"We're here, thank you for letting me drive you home," he said then kissed the back of my hand.

Ngumiti ako. "No, thank you, Harvey. Thank you for always accompanying me. Kahit minsan ang sungit ko sa iyo."

"I love seeing every side of you," sabi pa niya at bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng pinto.

This is not what I want. I know that because I am not happy anymore like I used to be. Parang taga-tango na lang ako sa mga bagay na gusto sa akin ng ibang tao.

"Happy birthday, Justin," bulong ko sa sarili ko kasabay ng pagbuhos ng luha ko na kaagad ko ring pinunasan.

Noong umalis siya ay parang may malaking parte sa akin na umalis din. Kahit anong gawin ko ay hindi ko na naibalik. I am became sadder and sadder each day. I miss him so much. Kailan ba siya babalik? Hindi naman na ako umaasa, pero gusto ko lang malaman kung masaya na ba siya ngayon. Kung nakalimutan na ba niya ako at mayroon na siyang sariling pamilya.

"I'm sorry, Justin. I tried everything just to forget you. Kung alam mo lang ay ilang manliligaw ang pinayagan ko para lang maialis ka sa isipan ko kahit sandali. But I am still comparing them to you. I should accept Harvey because obviously, he is better than you. He is better at everything compared to you. Kung sana ay mas nauna ko lang siyang nakilala kesa sa iyo. But life is so unfair." Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon humikbi dahil baka may makarinig sa akin. Malalim na ang gabi at kahit pagod na pagod ang katawan ko ay hindi ako makatulog.

Nakatulog akong masikip ang dibdib at nagising dahil sa maingay na alarm ng aking orasan. Naligo ako ng malamig na tubig para magising ang buong sistema ko. Tulala ako habang kumakain ng almusal.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon