Kabanata 20

1K 24 3
                                    


Eggs

Tinakpan ko ang mukha ko ng kumot nang maalala ko ang nangyari kanina. Maghahating-gabi na at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ang gusto ko ay makalimutan ko na si Justin pero bakit parang kabaliktaran naman yata ang nangyayari? Kahit anong gawin ko sa kanya ay hindi ko siya maitulak palayo. At ngayon ay payag na payag pa siyang aso ko. I am not planning to do that but he gave me an idea on how can I make him suffer until he, himself, decided to just leave me alone.

"What can I do to him? Anong pwede kong iutos sa kanya bukas na hindi na siya makakabalik sa clinic hanggang sa makauwi ako?"

Umirap ako sa hangin at pinagkakabog ang dibdib dahil sa nararamdaman ko na namang konsenya. Wala pa nga akong nagagawa, nakokonsensya na ako. Ano bang damdaming ito?! Napakarupok naman! Hindi naman ako ganito sa ibang lalake. Kay Justin lang! Tuwing nakikita ko ang mukha niya, naiinis ako pero at the same time naaawa.

"Tigasan mo ang damdamin mo, Deity. Kung hindi ka niya iniwan noon o sinabi man lang niyang may iba pa siyang tinirang babae bago nakapagrelasyon sa akin ay baka hindi ako masyadong nagdamdam at hindi ako nakunan."

Naalala ko na naman ang araw na iyon. Pagkatapos ko sa ospital ay bigla na lang naging mabait sa akin si daddy at si mommy naman ay todo asikaso sa akin. Bumalik sa dati ang lahat, parang naging pagtatalo, at parang walang Justin na nag-exist. Suportado pa nila ako nang sabihin kong mag-aaral ako ng medisina at hindi na itutuloy ang kasalukuyang kurso ko. Himala na pumayag silang dalawa at hinayaan pa akong mag-ibang bansa. Siguro ay nakokonsensya rin sila at nalulungkot sa nangyari sa akin. Iyon siguro ang paraan nila para makabawi man lang sa akin.

Eh, si Justin? Paano siya babawi sa akin? Alam niya bang nakunan ako noon? Alam niya bang nabuntis niya ako at nawala rin kaagad? Alam niya kaya kung paano ako nagdamdam noong umalis siya at nalaman ko pang nakabuntis siya ng ibang babae? Did he know how I suffered because of his empty love?

"Pagkatapos ng lahat ng iyon, ilang taon na rin ang lumipas. Dapat lang ay nakalimutan ko na siya, pero bakit hindi ko magawang alisin siya sa isip ko? Deserve ko naman sigurong maka-move on, hindi ba? Deserve ko namang magmahal pa ng iba bukod sa kanya. Why am I still thinking of him up to this day?"

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero tanghali na akong nagising at malapit na ring magtanghalian nang makapasok ako. Pagbaba ko pa lang ng sinakyan kong tricycle ay may umakap na kaagad sa aking bata na sa tingin ko ay nasa sampung gulang na.

"Mommy!" sigaw niya at tiningala ako.

Nagulat ako pero kahit na ganoon ay nagawa ko pa rin siyang ngitian dahil baka nagkamali lang siya.

"Baby girl, hindi ako ang mommy mo. Nagkakamali ka. Naliligaw ka ba?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

"No po, ikaw po talaga ang mommy ko. Tinuro ka ni daddy, eh. Tsaka palagi ko pong nakikita ang picture niyo. Tagal kitang hinintay, mommy. Baby pa ako sabi ni daddy noong umalis ka para mag-work." Ngumuso siya.

Kumunot ang noo ko, naglakad kami papunta sa clinic at nadatnaan ko roon si Justin na malaki ang ngiti. Anong nginingiti-ngiti niya dyan?

"Daddy, ang ganda ni mommy!" sigaw ng bata at nagtatakbo kay Justin habang hila-hila ako.

The heck!

Anong sinabi niya sa bata at paniwalang-paniwala na ako ang mommy niya?

"I told you, Alice. She's more beautiful in person," sabi ni Justin sa bata at tiningnan ako.

Nanlisik ang mga mata ko sa kanya na kaagad ding nawala nang humarap ulit sa akin si Alice. Ngumiti siya at niyakap ako sa bewang. Inirapan ko si Justin at hinawakan ang balikat ng bata. Kailangan naming mag-usap tungkol sa batang ito, wala akong natatandaan na pwedeng magbuntis ang lalake kaya may anak kami ngayon. Ang alam ko lang na naging bunga ng gabing iyon ay ang baby kong nasa heaven na.

"Anong sinaksak mo sa utak ng anak mo para ako ang kilalanin niyang ina? At nasaan ba ang tunay na ina niya?" tanong ko habang nasa loob ng clinic si Alice at tinitingnan ni Dra. Jornales.

"Celestine died after she gave birth to Alice. And this is her request, to tell Alice that you are her mother," sagot niya kaya kumulo ang dugo ko.

"Kung sa tingin mo ay uto-uto ako para maging ina ng anak mo sa ibang babae ay hindi naman tatanga-tanga kagaya noon. That child is the reason why I became miserable when you left me. You became happy while I am devastated. Before this day ends, tell her that I am not her mother or I will brutally tell her that I don't want her to be my bastard," nanggigil na sabi ko.

Bumuga siya ng hangin at napasuklay sa sariling buhok. "You don't understand. Listen, I am not Alice's biological father. Celestine told me that before she died. I even took to a paternity test just to prove what she just told me. I am not her father. I thought I was and..."

"Stop! That's enough. I don't want to hear anything anymore. Sa tingin mo ba maniniwala ako sa iyo? Sa tingin mo maawa ako sa iyo ngayon at sa anak mo--"

Nalunok ko ang dapat kong sasabihin nang lumabas si Alice kasama si Dra. Jornales. Napatahimik ako at bumuga ng hangin. Malaking ngiti ang sinalubong sa akin ni Alice.

"Mommy, sabi ni Miss Doctor, wala na akong sakit. Hindi na ako iinom ng gamot na kinuha ang hair ko," sabi niya at ngumuso habang hawak ang maiksing buhok.

"She's a cancer survivor. She has been fighting cancer for years. Ngayon lang siyang tuluyang gumaling."

Napalingon ako kay Justin na tumango sa akin. Binalik ko ang tingin ko kay Alice na naghihintay pala ng atensyon ko.

"Mr. Herras, your daughter is in good condition. But she needs to be monitored, as far as I know, her cancer cells back then were very active. It may come back anytime soon but if we can diagnose it early, we can prevent the worst," Dra. Jornales said then nodded at us. Bumalik na siya sa loob.

Ako ay napatulala sa bata na malawak na nakangiti sa akin. Nang hindi ko matiis ay ngumiti na rin ako sa kanya at umupo sa bench para magpantay ang tingin namin.

"Good job, baby." Tumikhim ako at bumuntonghininga. Kung natuloy lang ang pagbubuntis ko ay kaedad niya sa sana ang anak ko. "Mommy is very proud of you. You did a great fight. Let's fight more," sabi ko at kasabay ng pagkayakap ko sa kanya ay ang pagtulo ng luha ko.

I didn't have a chance to be a mommy. My baby was not even considered a fetus but still, I felt like a failure to be a mother. And now, another chance is given to me. Hindi man sa akin nanggaling si Alice, ang yakap niya ay napakainit sa pakiramdam. I can't believe that I badmouthed this baby earlier.

"I'm so sorry, baby," bulong ko sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.

Kumunot ang noo niya. "Bakit ka umiiyak, mommy? Sabi ni Ms. Doctor, magaling na ako. Hindi ka na dapat sad, mommy, kasi hindi mo na kailangang mag-work ng matagal para sa gamot ko. Uuwi ka na palagi sa bahay tapos sleep na tayo together," sabi niya at pinunasan ang luha ko.

Hindi ko alam kung magagawa ko ba ang mga sinabi niya. Hindi naman ang katotohanan na dahil lang sa isang pagkakamali at kasakiman ng ina niya ay nawasak ako at nawalan ng tiwala sa mga pangako. But the fact that this little child fought for her life for a very long time made me realized that I am still very lucky.

"Pwede na akong maglaro sa labas, tapos pwede na rin akong magpunta sa school kasi hindi ako pwedeng lumabas noon, eh. Naaalis ang hair ko tapos nakakalbo ako. Lagi pa akong nasa ospital, mommy. Palagi kitang hinihintay. Sabi ni daddy nagwo-work ka raw sa malayo para may pambayad kami sa ospital. Relax ka na po, mommy. Laro na lang tayo sa labas, hindi mo na po kailangang mag-work." Niyakap niya ako ulit.

Napakagaling talagang magsinungaling ni Justin. Halatang pinag-isipan niya ang mga sasabihin sa bata para maging kapani-paniwala ang kasinungalingan niya. At si Celestine, malaki siguro ang naging konsensya na at natatakot siyang mapunta sa impyerno kaya umamin kaagad ang gaga bago mamatay. May parte sa akin na natutuwa sa pagkamatay niya tuwing naiisip ko na karma niya iyon.

"In her birth certificate, I wrote your name as her mother." Bumaling sa akin si Justin habang kumakain kami ng meryenda.

"Mommy, hindi ako pwede sa eggs, eh. Ikaw din, hindi po ba? Kay daddy na lang ang eggs," sabi ni Alice at nilapat sa plato ni Justin ang nilagang itlog.

"May allergy ka rin sa eggs?" tanong ko kay Alice na tumango lang.

Bumaling ako kay Justin na malaki ang ngiti ngayon.

"She is very much like you more than anyone else, sweetheart," he said then winked at me.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon