Kabanata 24

942 26 1
                                    


Enough

Tumingala ako at pinikit nang mariin ang mga mata. Ang daming pinoproblema ngayon dahil lang sa Justin na iyon. There's a part of that saying that I should listen to him. Pero may nagsasabi rin sa akin na mas masasaktan ako kung malalaman ko ang dahilan ng pag-alis niya.

"Judy, labas muna ako. Sa Macabulos park lang ako, tawagan mo ako kapag may dumating," sabi ko sa sekretarya ko na kumakain ng pansit.

"Yes, ma'am." Nag-thumbs-up siya.

I need fresh air. Mag-iisang linggo na rin akong nakakulong lang sa opisina at bahay. After I pushed Justin away that night, I never seen him again. Mukhang tinupad nga niya ang sinabi kong gawin niya. He will just disappear again. At sana sabihin na lang din niya ang totoo sa bata na hindi ako ang tunay nitong ina para wala ng inaasahan si Alice. It will hurt her but it's better is she knows the truth.

"Isang order lang po ng fries at red tea," sabi ko sa street vendor.

Naghintay akong maluto ang binili ko sa tapat mismo ng kanyang cart. Maraming tao sa paligid dahil ang ibang estudyante ay nag-uwian na galing school at may mga iilang empleyado na rin ng munisipyo ang nasa labas. Malapit na rin pa lang maghapon. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa nilulutong fries nang maaninag ang tatlong pamilyar na pigura. Nataas ko ang isa kong kilay at biglang nag-init ang ulo. Ah, talaga?! Ngayon pa? Ngayon pang lumabas ako para linawin ang isip ko at makalanghap ng sariwang hangin?

Napairap ako at muntik pang mahagip ng tumikwas kong buhok ang inaabot sa aking order ng vendor. Inabot ko ang bayad ko at nagpasalamat. Humingi rin ako ng pasenya dahil mukhang nasungitan ko pa siya.

"Mommy!" Nagtatakabo papunta sa akin si Alice nang makita ako.

Hindi ko siya mayakap pabalik dahil sa mga hawak. Kumunot ang noo ko, wala man lang suot na facemask ang batang ito. Kagagaling lang sa cancer at prone pa siya sa mga sakit. Sinamaan ko ng tingin si Justin at binaba sandali ang hawak sa bench na katabi namin. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang unused facemask. Sinuot ko iyon kay Alice na nakangiti sa akin.

"Dapat lagi kang may suot na ganito kapag lalabas ka para hindi ka na ulit magkakasakit," sabi ko sa kanya at binigay ang fries na binili.

"Eh, mommy, paano ako mag-eat?" Napakamot siya sa kanyang ulo.

"You can remove that only when needed to. Kapag kakain or iinom. O kaya kapag nasa bahay ka na. Understand?" Binaba ko ang facemask niya para masubo niya ang fries.

"Okay, mommy. 'Yan din ang sabi ni daddy kaso hindi ako nakinig," sabi niya at tinuro ang red tea ko.

Tumango ako at napatingin sa tumikhim na si Justin. Tumabi naman sa isang sulok ang nanny ni Alice na mukhang nahihiya pa. Talagang dapat siyang mahiya! Parang tatay na niya ang ka-date niyang lalake!

"Alice, sama ka muna sa nanny mo. Usap lang kami ng mommy," sabi ni Justin kay Alice na sinunod naman siya.

Umayos ako ng upo sa bench nang tumabi siya sa akin. Nakatingin lang siya sa akin habang ako ay nasa malayo ang mga mata.

"Deity, can we talk?" tanong niya.

Umiling ako. "No! It's not necessary."

Bumuntonghininga siya at ginulo ang sariling buhok. Hindi na ulit siya nagsalita pero mas lumapit naman sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at akmang lalayo pa nang hapitin niya ang bewang ko.

"What are you doing?" Hinampas ko ang balikat niya.

"Bakit ang init ng ulo mo palagi sa akin?" Kumunot ang noo niya at hinawakan ang kamay ko.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon