Kabanata 19

957 21 0
                                    


Toy

Nagtaas ako ng kilay sa isang bouquet ng bulaklak na Iris na nasa mesa office table ko. Ano na naman ito? Hindi na ako magtataka kung kanino galing ito dahil iisang tao lang naman ang nagsisimulang mangulit sa akin.

"Throw it in the trash," sabi ko kay Judy na napatingin sa akin na nagtataka ang mga mata.

"Bakit po, ma'am? Lagay na lang natin sa vase, sayang naman. Ang bango pa naman din," sabi niya at inamoy pa ang bulaklak.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sige, ako na lang. Ikaw na rin ang maging boss," sabi ko at sinubukang agawin sa kanya ang bouquet.

Iniwas niya iyon kaagad at pilit na tumawa. "Joke lang, ma'am. Ito na, tatapon ko na."

Napahilot ako sa sentido ko at pabagsak na umupo sa aking swivel chair. Stress na nga ako sa trabaho ay stress pa ako kay Justin. Ano bang kailangan niya at hindi pa niya tinitigilan? Pwede bang bumalik na lang siya sa pamilya niya at asikasuhin ang asawa at mga anak niya?

Inabala ko sa loob ng opisina habang naghihintay ng scheduled appointments. Mabuti na lang at hindi na nasundan ang mga bulaklak at nawala na rin sa isip ko si Justin.

"Malapit na due date mo, mommy. Malapit na nating makita si baby girl," sabi ko kay Sally na regular na nagpapa-check-up sa akin dahil maraming komplikasyon ang pagbubuntis niya dahil sa kanyang diabetes.

"Is she okay, doc?" tanong niya habang nakatitig sa monitor.

Tumango ako. "Yes, very healthy baby girl. Konting tiis na lang."

Matapos ko siyang ma-check-up ay kaagad siyang dinaluhan ng kanyang asawa. Napangiti ako sa sobrang ka-sweet-an nila at mabi-bitter ang mga walang jowa.

"Thank you, doc. Ikaw ba? Kailan ka magkaka-baby?" Ngumiti si Sally.

Umiling ako at bahagyang natawa. "Naku, baka hindi na rin. I don't have any, what do they called this? The one?"

Napatawa siya. "Sayang naman kung ganoon. I can feel that you will be a very good mother," sabi niya bago umalis.

Nawala ang ngiti ko nang sumara ang pinto. Ito ang iniiwasan kong maramdaman. The sudden sadness because of what if's. Siyam na taong gulang na sana ang anak ko kung natuloy lang ang pagbubuntis ko. May sinasama na sana ako sa trabaho at pag-uwi ko naman ay may sasalubong sa akin at hahalik sa pisngi ko. I really have this strong feeling that my baby will be a girl if only I took care of her. Kung nalaman ko lang ng mas maaga.

"Doc Deity, nandyan na ang susunod na pasyente niyo. Ayos lang po ba kayo?" Tinapik ni Judy ang balikat ko para mabalik ako sa reyalidad.

"Uh, yeah. Pupunta na ako."

Simula nang bumalik si Justin ay madalas na rin akong natutulala. Parang ang mga nangyari sampung taon na ang nakararaan ay parang kahapon lang nangyari. Bakit pa kasi siya bumalik? Dapat pinanindigan na lang niya ang kanyang pagkawala.

Lumabas ako ng clinic para bumili ng lunch sa malapit na karinderya. Hindi na ako nakapagpabili kay Judy kanina dahil pinauna ko silang mag-lunch. Napairap ako sa kawalan nang makita si Justin na nasa malayong dulo ng clinic at nakatingin sa akin na parang kanina pa ako inaabangang lumabas. Bumuntonghininga ako at mabuti na lang ay nasa kabilang side ang karinderya kaya hindi ko siya kailangang madaanan. Wala ba siyang ibang pinagkakaabalahan at ang pagbabantay sa akin ang inuuna niya? Wala ba siyang trabaho?

Mabilis ang paglakad ko at hindi ko pinansin na nakasuot ako ng pointed heels na hindi ko naman sanay na suotin. Kahit nasa malayo siya ay naiilang ako lalo na at alam kong pinagmamasdan niya ako. Kung kailan naman ako nagmamadali tsaka naman ako dinalaw ng kamalasan at hindi ko man lang nakita ang malaking butas sa daan at lumusot ang heels ko roon. Napasubsob ko sa lupa at napadaing na sa sakit ng natipilok na paa.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon