Kabanata 10

1.1K 26 0
                                    


Mine

Sinuot ko ang kwintas na niregalo sa akin ni Justin noong 16th birthday na matagal ko na ring hindi naisusuot. Bagay na bagay iyon sa suot kong royal blue na ball gown ngayong araw ng aking debut. Heart-shaped tube ang style at makinang ang paligid ng buong gown. Meron din akong suot na maliit na tiara at ang buhok ko ay kinulot ng malalaki. I feel like I am the lost princess right now.

"You will come, right?" tanong ko kay Justin na nasa kabilang linya ng telepono.

Narinig ko ang buntonghininga niya bago sumagot. "I'll try but I will not make any promise."

Ngumuso ako at pinagpagan ang damit kong malinis naman. "Okay, akala ko ay makakapunta ka."

"Natanggap mo na ba ang regalo ko sa iyo?" tanong niya.

Tinanaw ko ang malaking baby blue na box na natanggap ko kaninang umaga. "Yes, thank you. Hindi ko pa binubuksan pero alam kong maganda iyon. It will be happier if you will come. I want to see you." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"I'll try, sweetheart. But please, don't expect. Huwag kang malungkot, enjoy your day. Makikita ulit tayo sa ibang araw kung hindi man ngayon. I have to go now. Happy birthday again, sweetheart." Binaba niya ang telepono at ako naman ay napabuntonghininga na lang.

Kung sana ay alam lang ni daddy nandito na siya ay siya ang kukuhanin kong escort ko. Kaso ay sobrang kinagigiliwan ni daddy ngayon si Harvey. Gusto kong sabihan na si Harvey na itigil na ang panliligaw sa akin dahil wala naman talaga siyang pag-asa pero tuwing nakikita ko na masayang-masaya si daddy at mommy tuwing magkasama kami.

"Deity, are you ready? Malapit na tayong palabasin." Lumapit sa akin si Harvey at inalok ang kanyang braso.

Tumayo ako at kumapit sa kanya para makapaghanda na kami sa oras na tawagin ako sa main venue. I wear my widest smile before we entered the hall. Maraming bisita na karamihan ay mga katrabaho at kaibigan ni daddy. Mayroon ding mga kaklase ko noong high school at ngayong college. They were all clapping while I am walking down the aisle. Nang marating ko ang pinakagitna kung saan ako uupo ay nakaramdam ako ng hiya.

"Can you stay here?" bulong ko kay Harvey na papaalis na sana.

Umiling siya at tinapik ang balikat ko. "May pwesto ako roon kahit gusto kitang samahan diyan. Sorry," sabi niya at ngumiti muna bago iniwang mag-isa.

Ang sabi ko pa naman ay hindi ako iiyak dahil masisira ang make-up ko pero si mommy kasi nag-speech pa.

"You are a big girl now pero kahit na ganoon ay baby pa rin kita. I will still be right here if you need someone to talk to, kapag nararamdaman mong napapagod ka na, mommy's shoulders will be always catch your tears. I love you, my baby Deity, grow always beautiful and god-fearing. Mommy, daddy, and Dickson will always got your back. Happy 18th birthday." She kissed my cheek then hugged me so tight. Sa sobrang higpigt ay hindi na ako makahinga pero kahit na ganoon ay hinayaan ko lang siya.

My 18 shots is my most favorite so far. Unang beses kong uminon ng alcoholic drink. At tama nga si mommy, hindi masarap iyon. Kahit na hindi ko na iyon uulitin ay na-enjoy ko pa rin naman kahit papaano.

Daddy is my first dance when it's time for my eighteen roses. Inabot niya muna sa akin ang blue na rose at saka curtsy pa na ikinatawa ng mga bisita. "May I have this dance, my beautiful princess?"

"Daddy, ang kulit!" sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

Inalala ko ang mg sinabi ni Justin para magawa nang maayos ang sayaw. Hindi ko naman inaasahan na bigay todo si daddy dito. Nakainom na yata at wala ng hiya sa katawan.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon