Kabanata 18

972 20 1
                                    


Hate

"Let me help you, just this time."

Hindi pa rin siya tumitigil kahit ilang metro na ang layo ko sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at ilang beses pang tinawagan si Dickson na sa wakas ay sumagot din sa wakas.

"Papunta na ako, ate." Humikab pa siya. "Nakikita na kita."

Luminga ako sa paligid at nakita ang sasakyan niya na papalapit sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang mukha niya pagkababa niya sa kanyang kotse.

"Buti nagising si Loren para umihi, nakita niya ang cellphone. Bakit ang dumi mo? Gumulong ka ba papunta rito?" bungad niya at tumawa pa.

"Gusto ko ng umuwi," mahina kong sabi.

Kumunot ang noo niya. "Umiyak ka? Sumumpong na naman ba?"

Tumango ako, nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa likuran niya. Nagtaka pa ako noong una pero nang makita ko ang papalapit na si Justin sa amin ay mas lalo pa akong nagsumiksik sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Dickson na nag-iba na ang tono ng pananalita.

"I was helping her. She was crying a while ago. Nakaupo siya sa kalsada. It's not safe for her to--"

Napasigaw ako nang biglang suntukin ni Dickson si Justin sa mukha. Napaupo pa si Justin at napahawak sa kanyang dumugong labi. Tumayo siya at hinarap ang kapatid ko. Natatakot ako para kay Dickson dahil mas malaking tao si Justin at mas malaki rin ang katawan.

"Matagal ko ng gustong gawin sa iyo 'yan, gago! Bakit ka pa bumalik? Bakit ka pa nagpakitang putangina ka?!" gigil na sigaw ni Dickson.

Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamao at hinila na siya papunta sa kanyang sasakyan. "Uwi na tayo, Dickson. Gusto ko ng magpahinga." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. Hindi ko na tiningnan pa si Justin. Ayoko siyang makita.

"Anong nangyayari rito? Curfew na, ah?"

Napatingin kami sa pulis na naglalakad papunta sa amin. Si Cyrus, ang best friend ni Dickson.

"Anong meron at nagsisigawan kayo? Rinig hanggang Police Station, 'tsaka gabing-gabi na," sabi niya at tinanguan si Dickson.

"Kulong mo 'yang gagong 'yan. Pinagtangkaan niya ang kapatid ko." Tinuro ni Dickson si Justin na wala man lang reaksyon sa narinig.

"Dickson!" saway ko sa kapatid ko hinila na ako papasok ng kotse.

"Seryoso ba 'yun, pare?" Hinabol pa kami ni Cyrus na nilalabas na ang posas.

"Mukha ba akong nagbibiro? Ikulong mo kahit hanggang bukas lang ng umaga. Pagsabihan niyong huwag ng lalapit sa kapatid ko," sagot ni Dickson at pinaandar na ang sasakyan.

Nakita ko pa kung paanong kusang-loob na sumama si Justin at hindi man lang pumalag o nagsalita para tumutol. He was just looking at the direction where I am. Kahit alam kong hindi niya ako nakikita dahil heavy tinted ang salamin ng kotse ay nag-iwas pa rin ako ng tingin. Hinawakan ko ang dibdib ko na sobrang lakas ng kabog. Hindi ko ako makapaniwalang nakita ko ulit siya, nagkita naman na kami noon pero swerte ko na lang na marami akong kasama at naiwasan ko siya pero ngayon, sa ganoong sitwsyon pa talaga? Kung kailan bumalik sa akin ang pinakamasakit na nangyari sa akin at siya pa ang nandoon para itayo ako, ang taong dahilan ng lahat ng sakit sa puso ko.

"Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" tanong ni Dickson at sinulyapan ako.

Umiling ako. "Do you think he can hurt me physically? It was true that he is helping me but I don't want his help. Siya rin naman ang dahilan ng trauma kong iyon. I don't need his comfort."

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon