Kabanata 16

887 28 0
                                    


Whisper

"Deity, kain na." Tinaas ni mommy ang kutsara at tinapat sa bibig ko.

Umiling ako at yumuko. Hindi ko maibuka ang bibig ko at wala ring akong ganang kumain. Ang sabi ni mommy ay namamayat na raw ako dahil hindi naman ako kumakain nang maayos. Ilang araw na lang ay magsisimula na ang pasukan namin para sa ikalawang semester pero, heto ako, parang mababaliw na at hindi pa rin magawang makabawi sa lahat ng nalaman ko.

Bakit hindi niya sinabi sa akin na may ganoon pa lang nangyari habang wala siya? Ganoon pala ang ginawa niya noong nasa Japan siya, napakasasa siya sa babae tapos binalikan niya na parang walang nangyari. Iyon pala...

"Deity, kung hindi ka kakain ay magkakasakit ka. Nagkakanda-hilo-hilo ka na nga. You don't have to be like this just for that unworthy man. Please, pati si Dickson ay nag-aalala na rin sa iyo," sabi pa ni mommy.

Tumingin ako sa kanya. "I don't want to be like this, mommy. Ayokong masaktan, gusto kong maging maayos na para makapasok na ako sa school pero ang sikip ng dibdib ko. Mahal ko siya, mommy. Kaya nga nagawa kong ibigay lahat sa kanya kasi akala ko ay ganoon din siya sa akin. He looked so sincere whenever he was telling me that he loves me. Iyon pala ay sinabi na rin niya iyon sa ibang babae. Mommy, it hurts so much."

Niyakap ako ni mommy nang mahigpit. Hinayaan niya lang akong umiyak at hindi na nagsalita pa. Siguro ay hindi rin niya alam ang sasabihin dahil hindi niya napagdaanan ang ganito. He was the only woman that daddy loved and still loving until now. Napakamalas ko naman, ito siguro ang napapala ng nagmamadali at hindi marunong maghintay. Ito siguro ang parusa ko.

"Take your time to heal, darling. Kung gusto mong huwag munang pumasok next semester, it's okay." Hinaplos ni mommy ng likod ko.

Umiling ako. "I don't want to disappoint daddy anymore. Kapag huminto ako, madadagdagan pa ang galit niya sa akin. I want to keep going so I will not disappoint him and you, mommy."

Parang sasabog na ang utak ko sa pagpupumilit na alisin lahat ng mga bumabagabag sa akin. Kung nagsisinungaling nga si daddy ay bakit hindi na nagparamdam sa akin si Justin para sabihing walang katotohanan ang mga sinasabi ni daddy. Ibig sabihin ay totoo ngang nakabuntis siya. Totoong niloloko niya lang ako. Na baka pampalipas oras nga lang niya ako at hindi naman niya talaga ako mahal.

Maybe, he wants to taste a new dish. A young one, huh? At nahulog naman ako sa patibong niya. Ang tanga kong kaagad akong bumigay. Binigay ko pa talaga lahat at wala akong tinira. Panay pa man din ang sabi kong hindi ko pagsisihang binigay ko sa kanya ang sarili ko. Nakakainis. Naiinis ako sa kanya at sa sarili ko. Masyado akong nagpadala sa damdamin. Wala akong tinira sa sarili ko, ibinigay sa kanya lahat kaya ngayon ay wasak na wasak ako.

Kumatok sa pinto ko si Dickson bago tuluyang pumasok. Dala niya ang pagkain ko para sa hapunan.

"Kain ka na, ate. Bumili ako sa mall kanina ng chocolate drink, iyong paborito mo. Buti may sobra sa binigay ni mommy na pera pambili ng art materials ko para sa school." Inabot niya sa akin ang binili may straw na.

Tumango ako at nilapitan ang pagkain na dala niya. Kahit na ayokong kumain ay ayoko namang madismaya ang kapatid ko. Gustong makita niya na ayos lang ako dahil ayokong makaapekto sa pag-aaral niya ang pag-aalala sa akin.

"Sabi ni mommy ayaw mo raw kumain. Parang hindi naman, naubos mo ang pagkain mo," sabi niya at ngumiti.

"Salamat sa binili mo, doon yata ako ginanahang kumain." Niyakap ko siya.

Kung may tao man na hindi ako tinalikuran ay si Dickson iyon. He loves me so much at ang pagmamahal niya ang natutulak sa akin na maging masaya kagaya ngayon. Siya lang ang tao rito sa bahay na hindi ako sinisi at pinrotektahan pa ako.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon