Kabanata 12

1K 27 0
                                    

Exploded

Dumating ang bisperas ng bagong taon, halos mag-iisang linggo na rin kami ni Justin na magkarelasyon. Gusto kong magsabi na kay mommy kasi ayokong may inililihim sa kanya pero sabi ni Justin ay huwag muna dahil gusto niya ay sabay kaming haharap sa kanya.

"Mommy, bakit hindi tayo roon sa hacienda maghihintay ng hating-gabi? Bakit dito sa creepy na lumang bahay?" iritadong tanong ni Dickson habang tinatakpan ang ilong dahil sa mabahaong amoy na nanggaling sa kulungan ng baboy na malapit lang sa amin.

"Mas maganda kasing magsindi ng fireworks dito. Walang masyadong puno at mga hayop ang paligid. Huwag kang mag-alala, pwede ka namang bumalik sa mansion kung gusto mo," sagot ni mommy habang hinahatid kami sa aming kwarto.

Wala naman akong reklamo dahil kahit hindi kasing laki ng mansyon ay may sarili pa rin naman kaming kwarto. Tsaka isang gabi lang naman kami rito at hanggang kinabukasan lang. Nasa dulo na yata ito ng hangganan ng lupain ni lolo at lola dahil nakikita ko na ang mababang bakod na may mga hindi kalakihang puno ng mangga. Sa kabila noon ay ibang hacienda na.

"Kapag may gusto kayong gawin, magpasama kayo kay Aling Lucy dahil hindi niyo kabisado ang paligid. Walang kuryente rito at madilim tuwing gabi kaya huwag kayong pagala-gala," bilin ni mommy bago sila umalis ni daddy para makabili ng mga kulang pa sa pagkain.

May dalang de-bateryang radyo si lolo kaya pareho silang nalilibang ni lola. Dahil wala naman kaming ibang gagawin ni Dickson ay nagkulong na lang kami sa aming kanya-kanyang kwarto.

Lumukot ang ilong ko at sinara ang isa bintana dahil pumapasok doon ang amoy na galing sa kulungan ng baboy. Bakit sa kwarto pang ito ako napunta?

Humiga ako sa matigas na kama na gawa sa kawayan na pinatungan lang ng banig at may dalawang unang at isang manipis na kumot. Mabuti na lang at hindi kami matutulog ngayong gabi, paniguradong sasakit ang katawan ko sa higaang ito.

Justin:
Saan kayo nagpunta? The gate of the mansion is closed.

Mabilis akong nagtipa ng mensahe dahil hindi pala ako nakapagpaalam sa boyfriend ko dahil biglaan lang ang pag-alis namin.

Ako:
Nandito kami sa dulo ng hacienda. You know that? Iyong creepy na lumang bahay?

Hindi kaagad siya nag-reply, siguro ay iniisip ang lugar na sinasabi ko.

Ako:
Sorry for not informing you in advance. Biglaan lang, eh.

Justin:
It's alright, I know that place and the caretakers. I can sneak in if you want. I miss you already.

Nasubsob ko ang mukha ko sa hawak kong unan para hindi mapatili. Simpleng salita lang ay kilig na kilig na ako. Gusto ko na rin siyang makita kahit kakakita lang namin kahapon sa palengke, saglit lang iyon dahil nag-volunteer lang ako na ako ang bibili ng sangkap ng sinigang na lulutuin ni lola.

Ako:
Really? I have my own room here. Pwede kang mag-stay overnight. I miss you too.

I want to kiss him so bad. I like kissing him and he likes touching me. His hands feel good in my body. I love his touches. Siguro kung alam lang ng marami ang relasyon namin ay sasabihing napakarupok ko at ilang araw pa lang ang relasyon namin ni Justin ay ganito na ako ka-open sa kanya. Gustong lang sabihin na tatlong taon na akong naghihintay para sa kanya. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, kahit na sabihing wala kaming relasyon noon ay hindi naman nagbagong nagkagusto at minahal ko siya noon at hanggang ngayon.

Justin:
I'll bring some wine and candied fruits. What else do you want?

Ako:
Ice cream!

Justin:
Got it! Wait for me there. I love you, sweetheart.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon