Kabanata 3

1.3K 30 0
                                    


Assignments

Para akong naluging bata na nakasunod lang sa kanya. Hawak ko ang buhol ng long sleeves niya sa may bewang ko. Pinagtitinginan ako ng mga ka-schoolmate ko, siguro ay iniisip nila na papagalitan ko ng tatay ko dahil sa itsura ko ngayon.

"Hop in," sabi niya pagkatapos buksan ang pinto ng front seat.

"Malapit nang magsimula ang klase ko. Hindi na ako pwedeng umalis." Nanatili akong nakatayo na medyo malayo sa kanya.

"Hindi tayo aalis, may ibibigay lang ako sa iyo. Kung gusto mo naman ay dito ko na lang ibigay. It's up to you, pero parang pinaalam mo na rin sa mga schoolmates mo na may period ka." Nagtaas siya ng kilay at mas binuksan pa ang pinto.

Wala akong nagawa kung hindi sundin ang gusto niya. Malapit na rin kasing magsimula ang susunod na klase at ayoko nang mag-inarte dahil nararamdaman ko na rin ang period ko. Umupo siya sa driver's seat at may kinalkal sa isang bag niya. Nanlaki ang mga mata ko nang may nilabas siyang sanitary napkin doon at pagkatapos ay inabot sa akin. Nakuha pa niyang natawa sa reaksyon ko, eh sa nagulat nga ako.

"Bakit ka may ganito?" Ako pa ang nahiyang nagtanong.

"Sa girlfriend ko iyan, iniiwan niya rito sa kotse para kung sakaling datnan siya kapag magkasama kami at wala siyang dala." Nagkibit-balikat siya.

Hindi ko na yata narinig ang ibang sinabi niya nang banggitin niya ang salitang girlfriend. May girlfriend na pala siya, nagtaka pa talaga ako, ah! Pwede na nga siyang mag-asawa, eh.

Tumango na lang ako. "Nalagyan na yata itong coat mo, lalabhan ko na lang sa amin. Tapos sasabihin ko kay daddy na ibalik sa iyo. Salamat," sabi ko at binuksan na ang pinto ng kotse para makalabas.

Tinawag pa niya ako pero tumakbo na ako para hindi na niya talaga mahabol. Habang nagpapalit ako sa comfort room ay umiiyak ako. Basta umiiyak ako kasi naiinis ako, naiinis ako kasi naiinis akong may girlfriend siya. Normal pa bang magkagusto ako sa kanya? Parang hindi! Kahit ilang beses kong paalalahanan ang sarili ko na masyado siyang matanda para sa akin ay walang epekto. Crush lang naman, eh. Walang kaso, kahit sino nagkaka-crush.

"Ate, umiyak ka?" tanong ni Dickson habang hinihintay namin ang sunod namin.

Umiling ako at suminghot. "Magkakasipon yata ulit ako. Nahawa mo na ulit ako," palusot ko.

Sabay kaming napatayo nang may humintong kotse sa harapan namin dahil kay daddy na iyon. Napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng passenger seat dahil hindi naman si daddy ang nagmamaneho. Si Mr. Justin!

"Deity, dito ka na sa front seat," tawag niya sa akin at tinapik ang upuan.

"Bawal po, Kuya Justin. Ayaw ni mommy," si Dickson na ang sumagot.

Tumango siya at napakamot sa batok. "Ganoon ba? Kung ganoon ako ang personal driver niyo ngayon dahil wala ang daddy niyo. Ayos lang ba sa inyo?"

"Yes, Kuya Justin! Ayos na ayos!" sigaw ni Dickson sa loob ng sasakyan. Tumango lang ako at hindi na siya binalingan.

Ilang minutong nanatiling tahimik sa loob ng kotse hanggang sa magsalita siya. "Akin na ang coat ko, Deity. Ako na ang bahala d'yan," sabi niya at nilahad ang isang kamay sa akin kahit na abala siya sa pagmamaneho.

Umiling ako. "May konting m-mantsa kaya ako ang maglalaba." Hinawakan kong mabuti ang bag ko kung nasaan ang nakatupi niyang coat.

"Kailangan ko na iyan mamaya. Maraming nalagay o hindi naman lumabas?" tanong niya pa.

"K-Konti lang," mahinang sagot ko dahil nahihiya talaga ako sa kanya.

Binuksan ko na ang bag ko para maibigay na sa kanya ang coat. Inilagay ko iyon sa nakalahad niyang kamay. Gusto ko sanang magpasalamat pa ulit pero nahihiya na akong magsalita. Paghinto ng sasakyan ay mabilis akong bumaba at hindi na siya nilingon. Kaagad akong dumiretso kay mommy para matanong ang kanina pang bumabagabag sa akin.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon