Kabanata 11

1K 23 2
                                    


Addicted

Maligayang-maligaya ang gising ko, una dahil pasko, pangalawa ay dahil talagang eighteen na ako, at pangatlo ay pwede ko nang maging boyfriend si Justin. Kahit gabi na ako nakatulog dahil sa Noche Buena ay maaga pa rin akong nagising. Tulog pa yata ang buong bahay ay naliligo na ako. Kaagad kong binuksan ang cellphone ko na kabibigay lang sa akin ni daddy at niyakap ko ang regalong blue na unan ni Justin.

Justin:
Merry Christmas, my sweetheart. Happy birthday. See you later.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti ng malapad. Ang aga-aga nitong si Justin binubuhay ang dugo ko.

Ako:
Thank you. Merry Christmas to you too. I can't wait to see you.

Sinuot ko ang blue dress na kasama sa mga regalo niya sa akin. Sinama ko na ang kwintas at ang relong kapares ng bigay ko sa kanya. Kaya pala malaki ang kahon kasi ang daming laman.

Ilang sandali pa ako nanatili sa kwarto para ma-ensayo ang sasabihin kong dahilan para makaalis. Wala akong maayos na dahilan para lumakad mag-isa dahil wala naman akong kaibigan dito. Ang sasabihin ko na lang ay titingnan ko ang mga sale sa malapit na mall.

"Hindi ibig sabihin na eighteen ka na ay pwede ka nang magpagala-gala. You are still under our care." Nagtaas ng kilay sa akin si mommy.

"Ngayon lang naman, mommy. Gusto ko lang mamili mag-isa. Try ko lang kung marunong na ako. Please, balik ako ng four ng hapon," sabi ko. Ito lang ang magagawa ko ngayon. Kung gagabihin ako ay baka magduda na silang may kasama akong iba.

"Four in the afternoon, Deity. Umuwi ka bago maghapunan," sabi ni daddy pagkatapos ay naghikab pa.

"Yehey!" Pumalakpak ako at binigyan sila ng tig-isang halik sa pisngi. "Thank you fot letting me go." Kumaway ako sa kanila at tumangging magpahatid kay daddy.

Sinabi ko na lang na inaral ko na ang mga route rito at hindi na ako maliligaw. Pero ang totoo ay nahihintay si Justin sa malayong kanto mula sa mansyon. Malaking ngiti ang sinalubong ko sa kanya kahit hindi ko pa nabubuksan ang pinto ng kanyang kotse.

"Bakit amoy candy na ang kotse mo? Ang bango," sabi ko habang sinusuot ang seatbelt.

"So you will feel at home, at para kahit wala ka rito sa kotse ay naaalala kita. You smell like candy," sabi niya at sinimulan ng paganahin ang makina ng kotse.

"Do you want to know my perfume brand?" tanong ko.

"Please," sagot niya ng hindi ako tinitingnan.

Okay, mamaya ay magtitingin ako sa mga store roon sa mall kung may Anna Sui perfume. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang nagmamaneho siya. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya dahil gusto kong tanungin kung ano na ba ang meron sa amin ngayon. Boyfriend ko na ba siya at inaya na niya akong mag-date? Wala ng masama kung magkakaroon kami ng relasyo kahit sa mata ng iilan ay pwede ko na siyang maging uncle.

"Why are you staring?" puna niya habang pina-park ang sasakyan.

"Boyfriend na ba kita?" tanong ko.

Pinatay niya ang makina at tumingin sa akin. "Ayaw mo muna bang ligawan kita? I can still wait for years."

Umiling ako. "Sasagutin din naman kita kaagad, ano pang silbi no'n? Boyfriend na kita ngayon, ha?" Hinawakan ko ang kamay niya.

Tumingin siya roon at dahan-dahang tumango. "If that's what you want, sweetheart. Gusto pa sana kitang ligawan pero kung sisimulan ko ngayon at mamaya lang ay sinasagot mo na ako ay ano pa nga ba ang silbi no'n." Kinalibit niya ang ilong ko at hinalikan ang pisngi.

Excluding the Gentle Touch of Moments (Soon On TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon